KABANATA 5

9.9K 338 18
                                    

Nanlaki ang mata ng tatlong kupal nang makita nila ang taong dumating.

"Azi??"

"Naloko na."

"Tara na mga pare! Bilis."

Agad nagsitakbuhan ang tatlo at naiwan kaming dalawa ni Azi dito habang ako ay diring-diring sa sarili. Diretso lang siyang nakatayo at tila nag-aabang ng susunod na gagawin ko kaso tumalikod lang ako at nagsimula nang maglakad palayo.

"Hoi teka nga! Hindi ka man lang ba magpapasalamat?" paghabol niya at sa palagay ko inaasahan niya talagang iyon ang sasabihin ko.

Kunot noo akong tumingin sa kanya sabay punas ng luha gamit ang kamay. "Pasalamat? Para saan? Sa pagligtas mo ulit sa akin? Okay! Salamat ha? Salamat sa iyo na ikaw rin ang dahilan kung bakit ko natamo 'to!" mangiyak-ngiyak na sumbat ko. Totoo naman e, siya rin ang dahilan kung bakit ko natatamo 'to ngayon. Muntik na akong ma-rape--ma gang rape!

Tumaas ang isang kilay niya ngunit wala akong palealam roon.

"Aalis na ako!" walang emosyong sabi ko saka tumalikod pero bigla akong nagulat nang nakahawak na siya sa kamay ko.

"Hindi ka basta-basta makakaalis sa akin, may kondisyon pa tayo." seryosong sabi niya kaya napalunok ako. "Kahit saan ka magpunta, hahanapin pa rin kita para magbayad ng utang mo." dagdag pa niya na halatang wala talagang balak na paalisin ako.

Gusto ko sanang pumalag kaso binuhat niya ako at nilagay sa may balikat at walang alinlangang ipinasok ulit sa mansyon.

"Bitawan mo nga ako! Ano ba?" hinampas-hampas ko ang likod niya kaso mukhang ako lang ang nasaktan dahil ang tigas ng katawan niya.

"Oh ayan ang ingay mo!" napahawak ako sa may pwet ko dahil sa sakit ng pagkakabagsak ko sa sahig. Lintek na lalaki 'to.

d>>_<<b

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!"

dO____ob

Napalingon ako nang tumawa ng malakas ang mga hambog na long hair kasama ni... Lei.

Pakiramdam ko matutunaw ako nang tinignan niya ako kahit sandali lang mula nang lumabas siya pero 'di kalaunay nagpamulsa itong naglakad habang naka-headset na naman as usual at may blangkong emosyon.

Lumapit iyong mga long hair sa gawi namin. "Nandito ka ulit payatot, nice to see you again! Haha." sabi nung longhair na nakakainis.

"Oo nga miss payatot, namiss mo agad si Azi? Hahaha." gatong naman nung nakashades.

Sinamaan ko silang dalawa ng tingin pero nakaramdam din ako ng kaunting guilt dahil sa pananampal na ginawa ko sa kanila kanina tapos kung umasta sila ngayon ay parang wala lang at dati na kaming magto-tropa.

Maya-maya ay may hinagis sa mukha ko si Bakulaw na may mataas at hindi ko maintindihang buhok. "Isuot mo 'yan, maraming manyak dito sa loob lalo na 'yang si Lei."

Nanlaki ang mata ko nang banggitin niya si Lei at pakiramdam ko namumula na ako ngayon sa sobrang kilig.

Manyak si Lei? Kung siya kaya magmanyak sa akin, papayag kaya ako?

Ano ba 'yang sinasabi mo Sunshine! Umayos ka nga. Erase!

"Wag kang mag-alala miss payatot, manyak man kami sa iyong paningin, gwapo pa rin." tapos kumindat siya, yung long hair na nakakainis.

Yung naka shades naman ay biglang umakbay sa akin. Agad na nangunot ang noo ko kaya sinipa ko ang maselang parte ng katawan niya. "Manyak!" singhal ko. Pinakiramdaman ko si Lei kaso 'di man lang siya tumingin sa akin kaya grab the opportunity para samaan ng tingin ang lalaking umakbay sa akin, atleast sa paraang ito hindi ako magiging masama sa paningin ni Lei.

Pero totoo kaya 'yung sinabi ni Bakulaw na manyak si Lei? Hays. Buti sana kung siya 'yung magiging tatay ng anak ko payag ako, kesa sa bakulaw na 'to.

Uminda naman yung naka-shades. "Ang harsh mo naman miss payatot! Kapag ako hindi nagkaanak dito dahil sa ginawa mo, ikaw aasawahin ko! Sinaktan mo ang magic talong ko." wika niya sabay panay ang hawak sa magic talong kuno niya. Mga manyak nga talaga sila. Pero napangisi ako nang makita kung paano siya maghirap.

"Magpalit kana." si Azi.

Nanlaki ang mata ko.

"Dito?" takang tanong ko.

Isang tinig naman ang nagsalita. "May CR d'yan sa loob, d'yan ka magpalit at takpan mo 'yang katawan mo." walang lingunang sabi niya at natameme ako bigla dahil sa lahat ng taong pwedeng magbitiw ng salita dito, hindi si Lei ang inaasahan kong magsasabi non kahit pa hindi siya lumingon sa akin. Napaisip naman ako bigla dahil kung naka-headset siya ay posible talagang nakikinig siya sa mga pinag-uusapan namin.

Pakiramdam ko nahulog ang panga ko dahil ang gentleman niyang pakinggan. Napatitig ako sa pink niyang lips, parang ang sarap halikan. Kung alam mo lang Lei, ikaw ang crush na crush ko noon pa.

"Ang KJ mo naman, Lei! Ayaw mo ba non, live show?" singit nung long hair.

"Oo nga naman Lei, first time may dinalang babae dito si Azi kaya sulitin na natin." singit nung nakashades, halatang manyak talaga.

"Tsaka, bakit mo naririnig ang mga pinag-uusapan namin gayong naka-headset ka?" takang tanong pa nong long hair.

"Kelan ka pa nagka-interes na makinig sa usapan ng iba? Type mo ba si miss payatot?" dinuro pa ako nung naka-shades, akala naman niya nakatingin si Lei e hindi nga maalis sa cellphone niya ang kanyang atensyon. Pero ano kayang isasagot ni Lei, bakit pa naman kase sinabi niyang kung type daw ba ako ni Lei.

Napansin kong bahagyang natigilan si Lei at hindi sa cellphone niya nakatutok ang kanyang atensyon. Ramdam ko kahit hindi kumikilos ang katawan niya na ang kanyang mata ay bahagyang napalingon sa gawi namin tapos mabilis na ibinaling ang atensyon sa cellphone na hawak. "Nagkataon lang na tapos na ang kanta, wag kayong mangarap."

Aww.

"We? Talaga ba, Fafa Lei? Yiiee, ikaw ha." pagbibiro nung long hair kaso mukhang ako ang tinamaan. Pakiramdam ko hinahabol ako ng mga aso sa kilig.

Muli na namang may bumasag ng eksenang iyon. "Hoi baka gusto niyo ipalunok ko 'yang bote sa mga bibig niyo?" maangas na amok ni Bakulaw. Tss, feeling saviour. "Ikaw babae!" dinuro niya ako. "Dalian mong magpalit at may gagawin pa tayo!" dagdag pa niya dahilan para mag-unahan sa pagtibok ang puso ko't mapalunok ako ng paulit-ulit.

dO____ob

Jusko, heto na ba? Gagawa na ba kami ng baby?

d>>>_<<<b

Virgin pa ako at ayokong sa isang badboy lang mapunta iyon.

T______T

Lei ikaw nalang! Mas masisikmura ko pa kung ikaw 'yun.

"Miss payatot namumula ka. Ano ba gagawin niyo ni Azi mamaya?" potek nagtanong pa 'tong long hair na 'to. Hindi naman siya chismoso ano?

So Azi pala ang pangalan niya? Tch, Azi daw. Pero ano nga ba talaga ang gagawin namin? Gagawa lang naman kami ng "Baby!" ay potek bakit napalakas pagkakasabi ko sa isip ko?

d>>>_<<<b

Naagaw ko na naman ang atensyon ni Lei. Nakakahiya.

"Dalian mo na d'yan hoi!"

dO____ob

Bakit ba atat na atat siyang matapos ako? Lord..

Gagawa na kami ng baby.

Itutuloy...
PLEASE VOTE AND COMMENT!

MUNTIK NA KITANG MA-RAPE (COMPLETED)[EDITING]Where stories live. Discover now