KABANATA 62

3K 107 11
                                    

Matapos non ay dumiretso na ako sa loob ng bahay at doon ipinahinga ang aking sarili.

*KINABUKASAN!*

Natatakot man ay pumasok pa rin ako sa klase. Natatakot ako dahil baka kuyugin ako ng mga estudyante dahil sa nangyari sa hospital.

Pumasok ako sa University ngunit nagsisiiyakan ang lahat kaya nagulat ako at natigilan.

Naglakad-lakad ako ngunit tila hindi nila maramdaman ang presensya ko kaya nagtaka ako.

"Bakit sila namatay? Sana nung una palang ay hindi na tayo pumunta don edi sana buhay pa sila!"

"Sising-sisi ako. Sana buhay pa ang kambal ko."

"Sana kasama pa natin sila ngayon. Sana talaga hindi na tayo pumunta don. Kung alam ko lang na mangyayari ito ay iniwas ko na ang mga bestfriend ko. Sana hindi nalang natin kinuyog si Sunshine para hindi sila napana. Edi sana buhay pa sila!"

dO___ob

Anong nangyayari??

Lumapit ako mas nakinig pa sa mga pinag-uusapan nila.

"Kung alam ko lang na may lason ang pana na tumama sa kanila edi sana hindi nalang ako pumunta kila Azi. Sana buhay pa sila. Sana ay isinugod rin natin agad sila sa hospital at naagapan tulad ng kay Samantha. Sana lahat tinulungan tayo tulad ni Sam para maligtas rin sila. Ang sakit."

dO__ob

Napahawak ako sa dibdib ko. Ibig sabihin namatay lahat ng estudyante na natamaan ng pana bukod sa amin ni Sam?? Paano nangyari iyon? Ibig sabihin masama ang taong may hawak at kagagawan non dahil nakakamatay ang panang gamit niya? At bakit para siyang nakabantay don? Sino ang binabantayan niya at ano ang kanyang intensyon? Ligtas pa ba kami, si Azi, si Lei, si Mitsuwo at Zy Men??

dO__ob

Agad na akong dumiretso sa klase ko ngunit wala ang mga guro don at lahat ng estudyanteng makita ko ay nagsisiiyakan at nagdadalamhati.  Lahat sila ay hirap na hirap.

Wala akong nagawa kundi ang manlumo. Bakit hindi ako tinamaan ng pana at yung mga kumuyog lang sa akin ang tinira? Sino ba siya?

d>>_<<b

Lumabas nalang ako at pumunta sa shop ni Azi. May kinuha akong impormasyon don saka umalis at dumiretso sa burol niya.

Lumapit ako sa ginang na makita ko nang makababa ako ng tricycle.

"Manang saan po nakaburol si David?" magalang na tanong ko ngunit napakunot lang siya ng noo at tila hindi inaasahan ang sasabihin ko.

"Aba't tignan mo nga naman oh napakabastos na bata!"

dO__ob

"P-po??"

"Wala kang galaw sa mga namao na!!" galit na sigaw niya kaya napa-igtad ako.

"Ba-bakit po ba??" utal na sabi ko. Hindi kaya may pamahiin sila dito na hindi ko nasunod??

dO__ob

"Naiburol na siya at kung gusto mo siyang puntahan ay pumunta ka sa pinakamalapit na sementeryo dito at hanapin mo siya kung mahanap mo! Bastos!!" galit na sabi niya tapos umalis na.

Naiwan naman akong tulala. Bakit niya akong sinabihan na bastos? Anong ginawa ko??

No choice ako kundi ang puntahan ang sinasabi niya.

Nagtanong ako sa mga tauhan don kaya hindi rin ako nahirapan lalo pa't kakaburol lang niya. Hindi ko pa rin lubos maisip na wala na siya.

Bigla nalang akong napaiyak nang makita ko ang puntod niya habang naka-ukit ang kanyang pangalan.

MUNTIK NA KITANG MA-RAPE (COMPLETED)[EDITING]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt