KABANATA 53

3.5K 108 0
                                    

Matapos niyang sabihin iyon ay iniwan na niya ako.

"Hoy!" paghabol ko kaya natigilan siya.

"Teka.. Saan ka pupunta??" takang tanong ko.

Tumingin siya sa akin.

"Sasama ka ba??"

dO_ob

"H-ha?? Hindi!! Gabi na kasi.. Ito na yung jacket mo.. Nakakahiya naman."

Isinaulo ko sa kanya ang jacket kaso tinitigan niya lang iyon na para bang walang kwenta.

"Sayo na."

dO__ob

"Ha??"

"Sayo na."

d>>_<<b

"Narinig ko!"

"Eh bakit mo pinapaulit?? May saltik ka rin Manang no?? Tss." masungit na aniya.

Ako raw may saltik? Siya kaya yun. Bakit ko naman iuuwi ang jacket niya? Parang tanga rin tong isang to e.

"Kunin mo na! Nahihiya ka pa e. Saka uuwi na rin ako."

Tinaasan niya lang ako ng kilay saka siya nagcrossed arms. Para siyang si Azi mukhang masunget pero ang lakas ng topak.

Teka.. Kamusta na kaya si Azi?? Gising na kaya siya?? Sana naman dahil marami pa akong gustong sabihin sa kanya.. At isa pa si David..

Bigla akong nanlumo sa sariling naisip. Bigla akong kinilabutan dahil kanina lang ay kasama ko pa siya.. Pero hindi ko inaasahang magkakatotoo ang sinasabi ni Mitsuwo na ipapapatay siya ng chairman.. Ang sama niya.. Wala siyang puso!!

d>>_<<b

Pinatay niya si David!!

Paano nalang ang papa niya? Nakakainis siya! Kahit saglit ko lang nakasama si David ay naging masaya ako dahil nagkaroon ako ng kaibigan na handa akong ipagtanggol tulad ni Azi.. Pakiramdam ko si Azi ang nasa katauhan ni David nong pinagsasasapak niya ang chairman..

"Sorry David.." bulong ko.

"Hoy manang nagdedeliryo ka ba dyan? Anong binubulong-bulong mo? May balak ka bang kulamin ako?"

dO___ob

d>>_<<b

Pinalo ko nga siya sa braso ngunit parang ako lang ang nasaktan. Ang bully niya nakakainis siya!

"Hoy! Alam mo bang nag-eemote ako dito tapos sisirain mo lang? At hindi ako manang no! May pangalan ako! Ikaw nga mukha kang dragon bagay kayo ni Azi!" sigaw ko.

Dinuro naman niya ako sa noo. Ang sama niya talaga. "Hoy! Malay ko bang kung nag-eemote ka dyang Manang ka! Malay ko ba kung ginagayuma mo na pala ako mabuti na yung alerto. At isa pa.. Anong hindi manang? Tignan mo nga yang hitsura mo! Nakatirintas ang magkabilang buhok tapos wala man lang make-up o lipstick! At ano yan?" dinuro naman niya yung labi ko. "Kadiri ka! Laway ba yan?" tapos inamoy niya.

dO__ob

Adik rin e.

"Ew ang baho! Nagsipilyo ka ba? Tulo laway ka pa! Ambaho!"

dO___ob

"Waaaaaah!!" pinagsasasapak ko siya. Nakakahiya! Sino ba kase ang taong ito? Badtrip!!

"Hahahaha. Bakit? Totoo naman e. Ambaho!! Kadiri kababaeng tao. Teka babae ka ba? Tignan mo nga yang pormahan mo ang haba ng palda mo parang nagbebenta sa palengke at pati yang t-shirt mo plain na ang panget! Cheap! Magkano ba yan? Dos?"

MUNTIK NA KITANG MA-RAPE (COMPLETED)[EDITING]Where stories live. Discover now