KABANATA 42

4K 116 3
                                    


Pagkasabing iyon ni Azi ay umalis na siya pero hindi lang yun dahil kinindatan pa niya ako at kung nakakamatay lang ang kindat ng isang Azi panigurado nakaratay na ako ngayon.

Pumasok nalang ako sa bahay ko at naglock ng pinto saka ipinahinga ang sarili.

Napakaraming nangyari ngayong araw mula nung nakita ko si Lei na kasama ang girlfriend niya ewan ko pero bigla nalang napalitan ng kilig ang lahat ng makita ko si Azi lalo na ng halikan niya ako. Siya pa lang ang lalaking nahalikan ko at pangalawa na to. Sobrang lakas pa rin ng kabog ng puso ko hanggang ngayon..

Naligo nalang ako saka nagpalit at natulog.

*KINABUKASAN!*

"Sunshine.. Sunshine.. Tulong!"

dO___ob

"Kuya??"

"Sunshine ako 'to.. Hindi mo na ba ako naaalala?"

T_____T

Kuya..

"Sunshine masama siyang tao."

"Sino??"

"Sunshine layuan mo siya--"

***

"WAAAAAAAAAAAH!" napabalikwas nalang ako sa aking hinihigaan. Panaginip lang pala. Si kuya ba yun? Bakit hindi ko maalala ang mukha niya? Bakit hindi ko makita at asan na ba talaga siya? Miss na miss ko na siya.. Kung siya nga yon sino sino iyong tinutukoy niya na masamang tao at kailangan kong layuan? Sino ang taong iyon at bakit sinasabi ni kuya na masamang tao siya? At ang malaking tanong.. Nasaan ang kuya ko? Hindi kaya-- patay na siya?

d>>_<<b

Sana hindi naman.

Agad akong naligo at tulirong tinungo ang daan papuntang University. Maaga pa naman kaya tumambay muna ako sa tabi ng park kung saan maraming puno ang makikita at napakalamig ng hangin.

Tumambay muna ako sa may round table at nag isip-isip. Hindi pa rin mawala sa akin ang panaginip ko kanina at kung ano ang ibig ipahiwatig nito.

"Iha."

dO___ob

Nabigla ako ng may isang ginang na matanda ang sumulpot sa harapan ko. Ngumiti ito at nakahawak siya ng mga cards na kulay pula.

"Magandang umaga ho." bati ko.

"May bumabagabag sayo tama ba?"

dO____ob

Paano niya nalaman? Manghuhula ba siya??

"Paano niyo po nalaman?" tanong ko.

"Simple lang dahil nararamdaman ko sa presensya mo.. Maaari ba kitang hulaan?"

dO__ob

Hula? Hindi naman totoo yan e.

"Ah e lola wala po akong pambayad." sagot ko.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa kamay.

"Ano kaba wala yu-- Jusko ano yan!"

dO___ob

Napatayo ako ng mapaatras siya matapos niyang mabitawan ang kamay ko.

"Lola bakit po? Ano pong problema??" kabadong tanong ko.

"Trahedya!!"

dO_ob

Trahedya??

"May nakikita ako sa iyong mga palad na isang peligro.. Mag-iingat ka iha."

Napaatras ako ng maramdaman kong nakakatakot na ang tono ng kanyang pananalita.

Maya maya ay sinuksok niya ang kanyang mga braha saka isa isang nilapag iyon sa round table.

"Bumunot ka!"

Umiwas ako.

"Bumunot ka!!" muling sigaw niya kaya natakot na ako. Wala na akong nagawa kundi ang bumunot nalang ng isa.

"Isa pa." utos niya kaya kumuha ako ulit.

"Jusko! Kahabag-habag ito."

dO_ob

Inalalayan ko siya agad ng maramdaman kong matutumba na siya dahil sa nakitang braha.

"Ano po ba yan lola?" kunwaring tanong ko kahit ang totooy hindi ako naniniwala sa mga ganon.

"Lalaki.."

Lalaki?? Sino naman?

"May isang lalaki ang nakuha mo sa isang braha.."

"Tapos ho?" tanong ko.

Muli niyang binuksan ang isang natitira pang braha saka ito nanginginig na humarap sa akin.

"KAMATAYAN!"

dO___ob

Ako naman ang napaatras sa pagkakataong ito.

Kamatayan? Lalaki?

"Mag-iingat ka iha. Layuan mo na siya hangga't maaga pa dahil kung hindi isang buhay ang babawiin.. Layuan mo na ang lalaking iyan kung hindi si kamatayan na mismo ang susundo sa iyo.. Layuan mo na siya.."

dO____ob

Nakakatakot na siya.

*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG

Pero teka.. Parehas ito ng nasa panaginip ko.. Ibig sabihin totoo nga?? May mamamatay kung hindi ko nilayuan ang lalaking tinutukoy sa braha?

Azi..

MUNTIK NA KITANG MA-RAPE (COMPLETED)[EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon