KABANATA 86

2.9K 80 1
                                    

*AZI'S POV!*

"Zxhe-Zxhe?? Anong ginagawa mo dito--araaay!!" napahawak ako sa pisngi ko ng sapakin niya ako sa mukha.

Lumapit siya sa akin at dinakot ako sa kwelyo. Lumapit siya at tinangka akong halikan. "Zxhe-Zxhe ano ba? Oo maganda ka pero hindi kita type! Anong akala mo porket maganda ka ay magpapahalik nalang ako sayo ng ganun-ganun? Mahiyaka naman Zxhe-Zxhe-- araay!! Nakakailan kana. Ano bang problema mo ha?"

Sinamaan ko siya ng tingin at bahagya akong lumayo dahil baka abutin ako ng halimaw niyang mga tadyak at sapak.

Tinaasan naman niya ako ng isang kilay. "Naririnig mo ba ang sarili mo Azi? Ako hahalikan ka? Nahihibang ka na ba talaga ha lalaking may pinyang buhok?" sinamaan ko lang siya ng tingin. Umuwi ba siya dito para lang sermonan ako? Tss. Tsaka ano bang pake niya kung ako may pinyang buhok at siya ay bagsak? Tss. Edi mag papinya rin siya akala naman niya may pake ako.

d>>_<<b

Maya-maya'y naglakad siya papunta sa harap ko saka ako pinaymawangan. "Azi nakikita mo ba ang sarili mo ha? Muntik na kitang hindi makilala dahil humahaba na ang pinya mong buhok! Comeon Dongsaeng cheer up! Mukha kang basura at iniisip mo hahalikan kita? Nahihibang ka ba talaga ha? Naamoy mo na ba 'yang hininga mo ha?!"

dO____ob

d>>_<<b

"Kahit nasa malayo ka ay amoy na amoy ko ang-- aaaaaaah!!" hindi niya natuloy ang sinasabi niya dahil bigla ko siyang sinugod kaya naman natumba kaming dalawa.

Nasa ilalim ko siya at nakapatong ako sa kanya. "Subukan mong ituloy Zxhe-Zxhe sinisigurado ko sa'yo hindi ka na makakalabas dito ng buhay." pagbabanta ko. Bigla naman siyang umarteng naduduwal. Maya-maya'y tinadyakan niya nga ako sa sikmura.

d>>_<<b

Napakabrutal niya magmahal!!

Tumayo siya at umaktong pinoprotektahan ang kanyang sarili. Para siyang nakikipagmartial arts sa akin dahil nakalahad ang mga kamay niya't hinihintay ang pagsugod ko. "Facyah Dongsaeng!! Paano mo naatim na bugahan ako ng iyong hininga? At ano susugurin mo ako dahil sinasabi kong amoy-- aaaaag!! Sige subukan mo!!" bigla ko siyang sinugod kaso kinuha niya ang bola ko at hindi mag-aalinlangang ibato 'yan sa akin kapag siya nabwisit kaya bahagya akong lumayo. Mahal ang bola na iyon at may pirma pa ng idol kong si Jordan kaya 'wag na 'wag niyang gagalawin iyon. "Facyah ka Azi!! Ilang buwan ka bang hindi nagsipilyo ha? Nakakahiya ka!! Muntik na akong maduwal lalo pa't napakalapit ng mukha mo sa akin. Facyah!! Maligo ka nga!!" inis na singhal niya habang nakaamba pa rin ang bola. Badtrip siya ilang buwan na ba akong hindi nagsisipilyo? Mula ata nang nawala siya ay nakalimutan ko nang linisin ang sarili ko. Pero wala naman na ring dahilan e.

Umalis ako sa harap ni Zxhe-Zxhe at dumiretso sa higaan ko. Nagtakip ako ng kumot at inipit iyon sa katawan ko para hindi mabuksan ni Zxhe-Zxhe.

Maya-maya ay narinig kong humahakbang siya palapit sa akin.

"Hoy Azi 'wag mo nga akong artehan! Tumayo ka riyan at maligo, nakakahiya ka!!" panenermon pa niya. Kasalanan ko ba kung bakit niya tinamo iyon? Tss. Wag niya akong kausapin kung ganon.

"Hindi ka tatayo dyan ha? Gusto mo bitbitin kita pababa??"

"Zxhe-Zxhe umalis ka na nga!! Ang ingay mo!!" asar na sagot ko saka inipit nang mabuti ang kumot sa aking katawan. Baka kase buksan niya, kailangan na yung sigurado.

"Aba't tignan mo 'tong pinyang ito! Magpasalamat ka at hindi ko kasama si Mommy kundi malalagot ka talaga sa kanya!!"

dO___ob

May balak sanang umuwi si Mommy dito??

"Iih alis ka na nga Zxhe-Zxhe napakaingay mo!" inis na singhal ko.

"Ewan ko sa'yo Azi. Bababa ako at pag-akyat ko dapat nakalinis ka nang pinya ha? Kundi tatamaan ka talaga sa akin. Linisin mo itong kwarto mo kung ayaw mong ibalibag kita ng buhay. Tss." tapos sinubukan niyang hilain ang kumot ko pero wag siya. Hahaha. Malakas kapit nito. Narinig ko pang napamura siya saka lumabas ng kwarto ko ng padabog.

"Azi, pupunta tayo sa kanya kaya umayos ka."

dO___ob

Dali-dali akong lumabas sa kumot ko pero wala na siya. Tama ba ang narinig ko pupunta kami sa kanya?

*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG
*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG

Bigla na namang lumakas ang kabog ng puso ko.

Itutuloy...
PLEASE VOTE AND COMMENT!

MUNTIK NA KITANG MA-RAPE (COMPLETED)[EDITING]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ