KABANATA 65

2.9K 96 15
                                    

*SUNSHINE'S POV!*

"Bakit ikaw pa??" umiiyak na talagang sabi ko dahil hindi ko alam kung bakit niya ako ginapos. At hindi talaga ako makapaniwala na nasa harap ko siya. Para akong nananaginip ng gising.

"Pakawalan mo 'ko dito!" dagdag ko pa ngunit natawa lang siya.

"Sunshine wag ka nang pumalag dahil wala ka namang palag. Hayaan mo pakakawalan rin kita pero maghihiganti muna ako kay Azi."

dO__ob

Maghihiganti siya kay Azi??

"Alam mo sayang nga e dahil nabuhay pa siya sa lakas ng pagkakasagasa ko. Akalain mo yun? Patunay talagang masama siyang damo pero mas masama ako Sunshine." seryoso at nakakatakot na sabi niya.

Natigilan ako ng sobra. Siya ang sumagasa kay Azi?? Bakit??

Hindi ko alam pero bigla nalang akong nainis. Sa lahat ng taong gagawa bakit siya pa? Anong kasalanan ni Azi sa kanya? Ibig sabihin hindi naaksidente si Azi dahil sinadya niya yon?

d>>_<<b

Puro bakit ang tumatakbo sa isipan ko at galit ang nararamdaman ko para sa taong kaharap ko ngayon. Paano niya nagawa kay Azi yun? Alam ba niya kung gaano kasakit ang hirap na dinanas ko nang makitang nakaratay si Azi don at ang mas masakit ay hindi ko man lang siya madalaw dahil nandon ang chairman. Napakasama niya! Wala siyang kwenta.. Wala siyang kasing sama!!

"BAKIT IKAW PA?! SA LAHAT NG TAONG PWEDENG GUMAWA BAKIT IKAW PA? ANG SAMA MO!! PINAGKATIWALAAN KITA PERO ALL THIS TIME IKAW PALA ANG DAHILAN KUNG BAKIT NAKARATAY SI AZI!! ANG SAMA MO!! PARA MO NA RIN AKONG PINATAY DAHIL SINASAKTAN MO ANG TAONG MAHAL AKO AT NATUTUNAN KO NA RING MAHALIN!!" sigaw ko pero nagulat ako nang sinampal niya ako.

Mas lalo akong napaiyak pero di kalaunay biglang siyang yumako at hinawakan ako sa baba at pinatingin sa kanya.

"Sunshine sorry hindi ko sinasadya. Sunshine patawarin mo ako dahil nadala lang ako ng emosyon ko. Patawarin mo ko dahil bigla akong nainis nang sabihin mong mahal mo si Azi. Hindi naman totoo yun diba? Diba Sunshine hindi yun totoo? Sabihin mo Sunshine. Hindi pagmamahal yang nararamdaman mo diba? Naakit ka lang sa kagwapuhan niya pero Sunshine gwapo rin ako. Sunshine mahal kita at ako ang mahal mo diba? Sabihin mo Sunshine at itatakas na kita ngayon din at magsasama na tayo habang buhay."

dO____ob

Ano bang sinasabe niya?

d>>_<<b

Mahal niya ako? Kalokohan! Paano ko mamahalin ang katulad niyang walang puso??

Nangunot ang noo.

"Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo?? Sa inamin mo ngayon lang sasabihin mong mahal rin kita? Hindi ka lang nahiya! Oo mabait ka pero hindi ko alam na matagal ka na palang may masamang binabalak kay Azi! Bakit ikaw pa? Sa tingin mo ba mamahalin rin kita? Hindi! Ang mga katulad mo ay dapat mapunta sa impyerno dahil napakasama mong tao!--"

"MAS MASAMA SI AZI!!" galit na sigaw niya kaya bahagya akong napaatras.

Nagulat ako nang umiyak siya.

"PURO NALANG AZI!! PWEDE BANG AKO RIN ANG MAKITA MO SUNSHINE? BAKIT PURO NALANG SI AZI!! HINDI AKO MAYAMAN TULAD NIYA PERO PWEDE BA PANSININ MO RIN AKO? SUNSHINE SUMAMA KA NA SA AKIN KAKALIMUTAN KO NA ANG LAHAT NG ITO! SUMAMA KA NA SA AKIN KAKALIMUTAN KO ANG LAHAT NG ITO!! SUNSHINE AKO NALANG NAGMAMAKAAWA AKO SA IYO.. SUMAMA KA NALANG SA AKIN PLEASE.. AKIN KA NA LANG SUNSHINE. AALIS TAYO DITO AT MAGPAPAKALAYO. MAGKAKAROON TAYO NG MARAMING ANAK AT MASAYA TAYONG MAMUMUHAY. KAKALIMUTAN NATING LAHAT TO." umiiyak na sabi niya sabay yakap sa akin. Hindi ako natutuwa. Mas lalo akong nainis. Matapos ang ginawa niya kay Azi tapos sasabihin niyang kalimutan nalang ang lahat? Anong klase siya!! Wala siyang kwenta. Sana hindi ko nalang siya nakilala.. Sa lahat ng taong pwedeng gumawa nito bakit siya pa?

T_____T

Sa galit ko ay naitulak ko siya gamit ang mga paa kong hindi nakagapos.

"Hindi ko inaasahan to.. Hindi ko ipagpapalit si Azi sa katulad mo. Makalimutan man niya ako, mananatili pa rin ako. Ang akin lang ay bakit mo ito ginagawa? Bakit ikaw pa David?? Hindi ikaw yung David na kakilala ko.. Bakit David??"

Itutuloy...
PLEASE VOTE AND COMMENT!

MUNTIK NA KITANG MA-RAPE (COMPLETED)[EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon