KABANATA 71

2.8K 92 7
                                    

"Ano Sunshine? Siguro takang-taka kung paano ko naging syota si David no? Saan ka nga ba makakakita ng ganitong gwapong lalaki? Sa iyo kase walang nagkakagusto kaya nilalandi mo nalang si Azi o kaya si Lei. Napakalandi mo!! Hindi ko na ipinakilala sayo si David dahil baka landiin mo lang siya. Alam mo Sunshine mabait ka naman e kaso malandi ka lang talaga. Lahat nalang ng atesyon ng F4 na sa iyo! Matagal na akong nagpapapansin sa F4 pero ikaw bakit ganun lang kadali? Nang muntik na akong ma-rape sinadya ko talaga yun dahil alam kong dadaan don ang F4. Sinadya kong bumuka hanggang sa maakit ko si Sir. Pan Ot kaso ikaw tong malandi na feeling saviour kaya ikaw ang pumalit sa pwesto ko at ang ending?? Ikaw na naman ang bida sa paningin nila. Ikaw na naman tong bida sa paningin ni Lei pero alam mo ang masaya? Nong hindi ka pinansin ni Azi. Tuwang-tuwa ako non alam mo ba? Ang saya-saya ko pero hindi ko naman inaasahan na makalipas lang ang ilang araw ay magkasama na kayo ni Azi habang magkahawak ang kamay. Galit na galit ako sayo Sunshine. Gustong-gusto kita patayin Sunshine. Gusto kong wasakin yang bungo mo hangga sa lumabas lahat ng utak mo at siya namang kakainin ko. Gusto kong dukutin iyang mata mo gamit ang mga daliri ko na may mahahabang kuko at iihaw na para bang barbeque. Kapag magkasama tayo alam mo ba iniisip ko kung paano kita kakatayin? Wala kang kamuwang-muwang dahil malandi ka puro ka nalang Azi!! Nakakabwesit ka! Minsan naisip ko na hampasin ka nalang ng tubo ng napakalakas saka ikukulong sa sako o di kaya'y kakatayin kita para ipamigay ang mga karne mo sa mga taong nagugutom. Nakakabwesit ka! Aaaaaaagh!!"

Napaiwas ko ang aking mukha dahil sa galit na sigaw niya. Napahagulgol nalang ako ng iyak dahil sa mga pinagsasabi at inamin niya. Traydor siya! Pinagkatiwalaan at itinuring ko siyang kapatid pero hindi ko inaasahang may ganito siyang balak sa akin. Anong klase siya?

d>>_<<b

Nilamon na rin siya ng kasamaan. Bagay sila ni David.

"Ang sama mo! Pinagkatiwalaan kita pero tinatraydor mo na pala ako patalikod! Anong klase kang kaibigan Shitzu? Bakit ganito? Bestfriend tayo diba? Hindi totoo ito diba? Sabihin mo Shitzu kase hindi ko matanggap.. Saktan na ako ng lahat 'wag ka lang kaibigan ko kaya please sabihin mong hindi. Sabihin mong tinatakot ka lang ni David para gawin ito kasi hindi ikaw yung Shitzu na kilala ko e. Hindi nagme-makeup at naglilipstick ang Shitzu na kilala ko. Hindi siya nakikipaghalikan dahil matino siyang babae at may respeto sa sarili kahit pa amoy sunog na cornbeef ang pempem niya. Diba Shitzu? Sabay pa tayong bumibili ng Downy noon kaso mabango kapag ginamit? Kaya hindi ikaw to--"

*PAAAAAAK!!*

Gustuhin ko mang hawakan ang pisnge ko ay hindi ko magawa. Unti-unti at dahan-dahan akong limingon sa kanya kahit pa nanlalabo ang aking paningin dahil na rin sa mga luhang kanina pa lumalabas. Hindi ko talaga matanggap.

d>>_<<b

Nakita kong napalunok si Shitzu at namumula saka niya ako sinabunutan.

"Shitzu, sa labas muna ako." paalam ni David. Namumula naman siyang nilingon nito.

"S-sige.." napapahiyang tugon nito.

Umalis na si David na preskong-presko at kalmado. Bumaling naman sa akin si Shitzu saka ako sinabunutan para magtama ang mga paningin namin.

"Nakita mo na ang ginawa mo Sunshine? Pinahiya mo ko kay David!! Bakit mo naman sinabi sa kanya yun? Walanghiya ka! Kahit kailan talaga ay napakalandi at kontrabida mo!!" bigla ay hinampas niya sa akin ang hawak niyang baso ng wine.

Sa totoo lang kahabag-habag na silang dalawa ngayon ni David. Nang dahil sa matinding pagnanais nilang makuha ang isang bagay nakakagawa sila ng mga karumal- dumal na gawain.

Hindi pa nakontento si Shitzu dahil binasag niya ang bote ng wine saka walang alinlangang itinusok iyon sa aking mukha dahilan para mapasigaw ako sa sakit. Sa pagkakaalam ko ay may ginuhit siya sa aking mukha na letrang X. Naisin ko mang hawakan ang aking mukha ay hindi ko talaga magawa kaya tanging hagulgol ang aking nagawa.

Ano bang nangyayari sa akin ngayon?

Azi..

T_____T

Itutuloy...
PLEASE VOTE AND COMMENT!

MUNTIK NA KITANG MA-RAPE (COMPLETED)[EDITING]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora