KABANATA 29

4.2K 135 3
                                    

Napalunok ako nang makita kung paano alalayan ni Azi ang fiancee niya na sinasabi ni Lei. Parang may tumama sa akin na kung ano dahil kailan lang ay inamin niya na may gusto siya sa akin pero ano ngayon? May kasama siyang iba. Tama nga siguro talaga si Lei.

"Lei? Oh you're here! It's nice to see you, what a coincidence!" lumapit ang babae at nakipagbeso kay Lei. Nanliit naman ako bigla dahil ang fluent niya magsalita at sobrang bango pa.

"Nice to meet you, Samantha right?"

"Yes. I'm Sam, Azi's Fiancee!" kumapit yung Sam kay Azi na para bang isang bulate na ayaw nang kumalas. "You know what alam ko namang patay na patay sa akin si Azi eh, ewan ko ba dito kung bakit ngayon lang ako nilabas para mag-date. Pero ayos lang kasi ikakasal na kami. Diba babe?"

Nangunot ang noo ko.

Babe?

Ang bilis naman niyang makahanap ng babae niya sa loob lamang ng ilang minuto. Palibhasa badboy siya kaya madali lang sa kanya yan. Nagkatinginan kami ni Azi at yun na naman yung connection na nakakapangilabot sa pakiramdam. Ang weird.

"Oh, who is she?"

dO___ob

Napatingin ako kay Sam, kay Lei, at kay Azi..

"She's nothin--" hindi na nasunod ang kanyang sinasabi dahil pinutol iyon ni Lei.

"She's my girlfriend."

dO____ob

*LUNOK!*

"Really Lei? Mahilig ka pala sa mga simpleng babae? Cool. Ito kasing si Azi puro chixx at hot lang gusto tulad ko, diba babe??"

Sumagot si Azi pero sa mga mata ko siya nakatingin. "Oo."

"Ahm Sam meet my Girlfriend Sunshine." si Lei.

Pakiramdam ko ako na ang maswerteng tao nang sabihin niya iyon. Ang sarap sa pakiramdam.

"Hi Sunshine I'm Samantha, Sam for short. Azi's Fiancee." inilahad niya ang kamay niya at tinanggap ko nalang iyon. Ang lambot at talagang nakakainggit lalo na ang mga kuko niya.

"Hello Sam." nakangiting pagtugon ko.

"I guess kayong dalawa lang dito na nagdedate? Mmh. I think we should have a double date."

dO____ob

Makakaharap ko si Azi?

d>>_<<b

"Lipat nalang tayo, Sam." si Azi.

"Okay lang dre, diba Sunshine?" si Lei.

"O-oo n-naman." utal na sagot ko.

"That's good! Teka Azi kuha lang kita ng upuan."

Napanganga ako. Babae pa talaga ang kikilos? Pft. Hindi man lang magpakagentle man.

"Ako na, Sam." presinta ni Lei. Buti pa siya gentleman, walang-wala kay Azi. Tsk.

"Pabida." mahinang sambit ni Azi pero rinig ko naman.

"Hoy anong pabida?!" sigaw ko na nakaagaw ng atensyon ng lahat.

Tumaas ang isang kilay ni Azi.

"May problema ba, Sunshine?" si Lei.

"Ano yun, Sunshine? Anong pabida?" si Sam.

Natahimik naman ako bigla. Nakakahiya naman kay Sam kung aawayin ko ang fiancee niya sa harap niya diba?

"Wala." napapahiyang tugon ko.

"Oorder lang ako guys ah?" presinta ni Sam.

"Sasamahan na kita." alok naman ni Lei. Pumayag naman si Samantha kaya ngayon ay kaming dalawa na lang ni Azi ang naiwan.

May kalahating chocolate cake pa sa harap na inorder namin ni Kie kaya kakainin ko na sana kaso sabay kami ni Azi na napahawak don.

Akala ko bibitawan niya kaso hindi dahil pilit niyan inaagaw ang platito.

"Ano ba? Nauna ako!" sigaw ko.

"Anong nauna? Mas nauna ako sa iyo kaya akin to!" hindi nagpapatalong aniya.

Pero syempre ako si Sunshine ay hindi ako magpapatalo. "Pwede ba lalaking may pinya na buhok! Ako ang nauna kaya sa akin to! Tsaka inorder to ni Lei para sa amin hinii para sayo!" bulyaw ko.

Kita kong umuusok na ang ilong niya sa inis. "Hoy babaeng payatot na patay na patay kay Lei! Wala akong pakealam kung sino ang nauna naiintindihan mo? Ako si Azi kaya LAHAT dapat ng gusto ko ay makukuha ko! At wala akong pakealam kung inorder to ni Lei dahil ang pinag-orderan niya mismo ay pag-aari ko!"

dO___ob

Kay Azi 'to? Ang yaman niya!

"He! Kahit pa. Binayaran niya ito okay? Kaya ikaw tsupi! Hintayin mo yung inorder ng kasama mo!" hindi nagpapatalong aniya ko rin.

Inagaw niya ang platito pero inaagaw ko rin to, kapwa kami hindi nagpapatalo pero sa huling pagkakataon ay binitawan niya iyon kaya napakalakas ng pwersa na iyon kaya tumilapon at sa mismong paparating pa na Fiance niya.

dO____ob

Sapul na sapul sa mukha!

Itutuloy...
PLEASE VOTE AND COMMENT!

MUNTIK NA KITANG MA-RAPE (COMPLETED)[EDITING]Where stories live. Discover now