KABANATA 93

2.8K 75 5
                                    

*AZI'S POV!*

Napaiyak nalang ako sa sinabi ni Miguel. Ilang saglit lang ay niyaya niya ako lumabas ng hospital at magkape.

"Malayong-malayo kana sa dating Azi na kilala ko." nag-angat ako ng tingin sa kanya nang sabihin niya iyon. Napabuntong hininga nalang ako. Si Sunshine nga ay inakala pa akong janitor. Hindi nalang ako nagsalita at tuliro akong nakatingin sa kape ko.

"Napakahaba na ng buhok mo at tinutubuan ka na rin ng mga balbas. Wala ka na ba talagang ayusin ang sarili mo?"

Nag-angat ako ng tingin sa kanya at seryoso kong nilabanan ang mga titig niya.

"Wag na wag mong aagawin sa akin si Sunshine." nagulat siya sa sinabi ko. Marahil ay hindi niya inaasahang iyon ang makukuha niyang sagot mula sa akin.

Uminom siya ng kape saka tumanaw sa labas.

"Azi.."

"Miguel I'm begging you 'wag si Sunshine." tumingin siya sa akin at bakla na kung bakla pero hindi ko maiwasang mapaiyak.

"Hindi ko kayang layuan siya."

Pagkasabing iyon ni Miguel ay naikuyom ko ang mga palad ko. Hindi pwede e. Ayoko! Sa akin lang si Sunshine. Hindi pwede 'to. Hindi ko kaya.

"You're joking right?" pilit na ngiting tanong ko kahit ang totooy wasak na wasak na ang puso ko.

"I'm not--"

"YOU'RE JOKING!" malakas na sabi ko sabay tayo at kalampag ng lamesa. Nagsibulungan ang mga tao at wala akong pakealam.

"Azi, kalma. Umupo ka."

"Paano ako kakalma kung ikaw ang kasama ng mahal ko at ako hindi niya naaalala?! Paano Miguel? Sabihin mo!! Hindi mo alam iyong sakit na nararamdaman ko dahil wala ka sa posisyon!! Si Sunshine nalang ang meron ako wag mo nang agawin tulad ng ginawa mo kay Yuki!! Akin nalang si Sunshine, Miguel." lumuhod akong luhaan sa kanyang harapan.

"Is that Azi??"

"Kamukha nga niya pero baka hindi. Tignan mo naman ang panget niya."

"Sabagay, mukhang basurero ang isang iyan. Akala ko kase si Azi dahil familiar ang boses niya."

"Ano ba kayo mga bakla? Sino namang pupuntahan ni Azi dito e patay na si Lei? At si Zy Men at Mitsuwo balita ko pauwi palang kaya kung siya ngayon anong ginagawa niya dito? At isa pa mukhang basura 'yang nakaluhod."

"Kaya nga. I agree, e ang panget niyan e. Lakas pa maka-eskandalo nakakahiya!"

Ilan yan sa mga naririnig ko pero wala akong pakealam. Alam kong hindi na ako yung dating Azi na kilala nilang badboy at gago pero iba na kase ngayon. Wala na si Lei! Wala na si Sunshine. Wala na.

"Azi tumayo ka riyan."

"Miguel 'wag si Sunshine." pagmamakaawa ko.

Tumingin siya sa mata ko nang napakaseryoso.

"Hindi mo 'ko mapipigilan Azi." pagkasabing iyon ni Miguel ay sinapak ko siya. Dali-daling napahiyaw ang mga tao.

"Tarantado ka!! Si Yuki nga inagaw mo sa akin pati ba naman si Sunshine? Wala kang kwentang kaibigan!! Wala kang kwentang tao! Traydor ka!!" pagkasabi kong iyon ay ako naman ang sinapak niya.

Natumba ako sa lakas at dali-dali akong tumayo saka pinunasan ang labing may bahid ng dugo.

"Sa ating dalawa ikaw ang mas gago, Azi!! Alam mo iyan! Hindi mangyayari ang lahat ng 'to kung hindi mo ginawa iyon kay Yuki!! Ikaw ang walang kwenta at ikaw ang tarantado!! Tapos ngayon sinasabi mo sa akin na 'wag kung kunin si Sunshine sayo? Kayo ba? May kayo ba? Hindi ba wala? At ano pagkatapos ko siyang maibigay sayo, uulitin mo na naman ang nakaraan? Tarantado ka pala e!!" sinapak niya ulit ako sa mukha.

Inawat naman kami agad ng mga doctor at nurse.

"Hayop ka Azi ikaw ang may kasalanan ng lahat!! Sana nga hindi ka nalang maalala ni Sunshine e. Alam mo ba kung bakit? Kasi gago ka!! Hindi ako papayag na masaktan mo si Sunshine kaya hangga't maaga pwede ba lumayo kana? Kase ako, ilalayo ko siya sayo!!" galit na galit na sigaw niya.

"Fvck! Tinawag niyang Azi. Si Azi nga 'yan!"

"Oo nga. Jusko ano ba 'yan. Bakit ganyan hitsura niya?"

"Kaya pala parang nakita ko si Zxhe-Zxhe kanina kasi nandito si Azi!"

"Sunshine daw at Yuki. Sino kaya ang mga iyon? Kawawa naman si Azi."

"Hindi ko talaga siya namukhaan."

Ilan yan sa mga naririnig kong bulungan ng mga tao. Dali-dali akong lumapit at lumuhod sa harap ni Miguel kaso tinadyakan niya ako sa mukha.

"Hindi mo alam Azi ang pinagdaanan ko sa nakalipas na isang taon. Akala ko hindi na mabubuhay si Sunshine pero himalang tumibok ang puso niya. Dahil sayo kaya nangyari sa kan'ya 'to. Wala ka nong mga panahong nakaratay siya at nag-aagaw buhay. Ako ang nandito Azi, ako lang. Wala ka!! Tapos ngayong gising na siya saka ka lalapit? Pakyu ka ng trenta!" sa sinabing iyon ni Miguel ay mas lalong umigting ang konsensya't nararamdaman ko.

"Miguel.." maluha-luhang sabi ko.

Kahit badboy nasasaktan rin. Hindi lahat ng badboy malakas lalo pa't kung mahal mo na ang katapat.

"Umalis ka na Azi. Hindi ka namin kailangan. Hindi ka kailangan ni Sunshine." galit na talagang sabi ni Miguel. Lumapit ako sa kanya't ngunit sinapak niya ako ng napakalakas.

"Azi, Miguel!!" dumating si Zxhe-Zxhe at itinayo ako.

"Noona." parang batang sabi ko sabay iyak at yakap sa kanya.

"Azi, ssh. I'm here." pagpapatahan niya. "At ikaw naman Miguel bakit mo naman sinapak si Azi? Nahihibang ka na ba? Ano ka ba?!" duro ni Noona kay Miguel.

"Sorry ate Zxhe-Zxhe, nadala lang ng emosyon." ang sagot ni Miguel.

Nasapo nalang ni Noona ang kanyang noo.

"Aish! Dapat pala hindi na kita dinala dito Azi. Halika na, susunduin natin sila Zy Men at Mitsuwo sa airport." hinila ako ni Noona at doon na naman nagsibulungan ang mga tao hanggang sa makalabas kami.

"Hala tumabi tayo dali. Alis! Alis!"

"Ay ano ba 'yan nakakatakot naman."

"Oo nga. Si Azi ba talaga 'yan? Grabe ang panget niya!"

"Pakiramdam ko pa nga'y napakabaho niya."

"Ano bang nangyari sa kanya at naging ganyan ang hitsura niya?"

"Ewan ko. Kinikilabutan ako sa kanya napakapanget na niya. Tsk."

Itutuloy...
PLEASE VOTE AND COMMENT!

MUNTIK NA KITANG MA-RAPE (COMPLETED)[EDITING]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ