KABANATA 82

2.9K 92 4
                                    

*SUNSHINE'S POV!*

"Azi hindi kita binabalewala. Azi please naman. Ako na nagmamakaawa sa'yo. Azi bakit ba ganyan ka?? Sinabi ko na nga diba na hindi ko sinasadyang mahalikan si Ken--"

"Iyon na nga Sunshine e!! Bakit si Miguel pa? Bakit sa lahat ng tao bakit si Miguel?!! Bakit hindi ko alam na nandito siya at ang mas malala ay kasama mo siya!!"

Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit napakalaki ng galit ni Azi kay Ken. Hindi ko alam na payag siyang si Lei ang makahalikan ko pero 'wag lang si Ken. Naguguluhan ako parang may mali. Oo alam ko seloso si Azi pero bakit iba naman ata ang galit niya kay Ken? Bakit ayaw niyang makita ito sa lahat ng tao? Ano ba talaga sila dati at bakit sila nagkahiwalay at ganyan nalang ang galit ni Azi kay Ken? Kung dahil 'yan sa babae na si Yuki siguro maiintindihan ko pa pero bakit mas gusto niyang si Lei nalang ang mahalikan ko kaysa kay Ken kung pwede naman niyang sabihin na sana hindi nalang ako nakipaghalikan?

d>>_<<b

"Azi umamin ka nga sa akin may tinatago ka ba?" prangkang sabi ko. Tumayo ako para matapatan siya at kitang-kita ko ang mabilis na pagbabago ng kanyang reaksyon. Ang kanyang galit na reaksyon ay napalitan ng pagkatulala. Natigilan siya sa tanong ko na iyon kaya nabuhayan ako ng malaking katanungan sa aking isip.

"Azi ano bang nangyayari?? May hindi ba kami nalalaman bukod sa si Miguel na bestfriend mo dati ay si Ken??" naguguluhang tanong na rin ni Mitsuwo.

Lumapit naman si Zy Men sa akin at tumabi.

"Oo nga Azi. Ano na bang nagyayari?? Sunshine anong nangyari?" bumaling ng tingin sa akin si Zy Men. "Sunshine totoo bang hinalikan mo si Ken este Miguel?? Ano ba? Basta bahala na!! Totoo ba Sunshine na hinalikan mo siya habang si Azi ay nakaratay sa hospital??"

dO___ob

Parang ginisa ako sa kumukulong bawang sa tanong na iyon ni Zy Men. Dali-dali ko siyang hinawakan sa balikat.

"Zy Men hindi!! Hindi ko sinadya, nagawa ko lang naman iyon dahil akala ko siya si Azi.."

"Ano??" sabay at kunot noong tanong nila Mitsuwo at Zy Men.

Huminga muna ako ng napakalalim kahit pakiramdam ko'y kakapusin na ako sa hininga.

"Ganito iyon, okay.. Sa totoo lang hindi ko kilala si Ken. Bigla nalang siya sumulpot isang araw sa tabi ko sakto naman nong na-hospital si Azi. Kaugaling-ugali niya si Azi dahil magkaparehas na magkaparehas sila sa lahat ng bagay. May mga pangako si Azi na sinasabi rin ni Ken at siya lang ang tanging kasama ko nang mga panahong wala si Azi.. Kaya ang buong akala ko si Ken ay si Azi. Yun ang totoo." paliwanag ko.

"Ano?? Kaya ka pala hindi dumadalaw sa hospital dahil kasama mo iyan?!" dinuro ni Mitsuwo si Ken. "Buong akala mo sumapi si Azi sa katauhan ng lalaking iyan kaya mo hinalikan? Ano ba 'yan Sunshine!! Nasa makabagong henerasyon na tayo naniniwala ka pa rin d'yan??--"

"DAHIL NGA MALANDI SIYA!" agad kaming napatinging lahat kay Azi nang isigaw niya iyon.

"Azi ano ka ba? Foul 'yun!" sigaw ni Mitsuwo.

"Nagpaliwanag naman Azi diba?? Teka nga--bakit pala nandito ka? Paano mo nalamang nandito si Sunshine? At natatandaan mo na siya? Akala ko ba hindi mo siya maalala?"

"Kailanma'y hindi ko kinalimutan si Sunshine. Wala akong amnesia at hindi ko siya kinalimutan. Nagpanggap ako at wala ni isa sa inyo ang nakakaalam bukod kay Lei.. Sinabi ko kay Lei nang sa gayon mag walk-out man si Sunshine ay mababantayan pa rin niya. Pinabantay ko sa kanya si Sunshine kaya nang may tumawag sa cellphone ko at nang mga panahong iyon ay hawak niya hindi niya alam na nakikinig ako't narinig ko ang kanilang pinag-uusapan. Kahit pilay, bulag o baldado ako ay hindi ako papapigil lalo pa't si Sunshine ang kasangkot. Hindi ko sinabi sa inyong naaalala ko si Sunshine dahil balak ko siyang sorpresahin. Ngayon ay 21 at buwan ng setyembre, ito ang araw kung saan una kaming nagkita ni Sunshine sa bar. Ito ang pangalawang buwan kung saan una ko siyang dinala sa mansion. Kumbaga ito ang monthsary natin Sunshine dahil nung unang buwan ay nakaratay ako. Wala akong amnesia!! Balak kong alukin ka papunta sa Seoul. Balak ko dalhin ka sa korea tulad ng pinapangarap ng mga kababaihan. Gusto kong iparanas sayo ang mga gustong maranasan ng mga ibabang babae na pinapangarap gawin sa kanila ng nobyo nila 'to. Gusto mong pumunta sa Jeju Island diba?? Gusto mong pumunta doon dahil gusto mong marating ang mga tanyag na pasyalan. Sunshine naman bakit ngayon pa?! Dinurog mo ko!! Nawala lahat ang magaganda kong plano dahil ang inaasahan ko kapag naitakas kita dito diretso na agad kita sa korea pero hindi ko naman inaasahang nandito si Miguel!! Hindi ko alam na nandito ang gagong iyan!! At ang mas masakit kasama mo siya!! Hindi lang iyon dahil siya mismo ang umamin na hinalikan mo siya! Gago diba?! Damn it!! Bakit ang sakit Sunshine?? Walang tayo oo pero daig ko pang namatayan ng asawa!! Siguro nga hanggang dito na lang.. Siguro nga kaya ako nasasaktan dahil pinipilit ko ang sarili ko sa taong hindi naman para sa akin."

dO___ob

"Azi ano ba?? Anong s-sinasabi m-mo?? A-azi.." pagkasabi niyang iyon ay biglang sumikip ang dibdib ko. Pakiramdam ko iiwan na niya ako.

"Kung talagang tapat ka sa mahal mo, hinding hindi mo magagawang makipaglandian sa iba, kahit alam mong hindi niya nakikita."

dO___ob

"Azi hindi-- Azi maniwala ka!!--"

"Oo nga pala sa ating dalawa ako lang ang nagmahal. Ano pa bang aasahan ko?? Tama na Sunshine! Itigil na natin 'to."

T______T

Konti nalang bibigay na ang katawan ko. Ayoko na. Nasasaktan na ako. Gusto ko nang matulog. Sa huling pagkakataon tinitigan ko si Azi.

"Kung pipiliin mo rin palang lumayo sa akin matapos ang lahat.. Sana noon pa lang di mo na sinubukang maging parte ng buhay ko."

Pagkasabi kong iyon ay nagtiim ang bagang niya pero di kalaunay bumalik rin sa pagkaseryoso at umayos ng tindig.

"Siguro nga Sunshine. Siguro nga hindi tayo ang para sa isa't-isa. Siguro nga pinipilit ko lang ang sarili ko sa iyo. Alam ko namang walang patutunguhan 'to, ako lang 'tong makulit. Siguro nga. Siguro nga kailangan na kitang layuan at ganun rin sa akin. Hindi talaga tayo sa isa't-isa. Pinagtagpo lang pero hindi itinadhana. Sa totoo lang hindi mo naman kailangang mahirapan. Minsan kasi ayaw mo lang talagang bitawan kaya lalo ka lang nasasaktan."

T_____T

"Azi tama na.. Kung iyan ang desisyon ko wala na akong magagawa. Basta gusto ko lang malaman mo na minahal kita. Kung gusto mo na akong bitawan siguro nga tatanggapin ko nalang dahil kasalanan ko lang rin."

Akala ko sasagot siya pero hindi na. Siguro nga hanggang dito na lang kami. Siguro nga wala na ang #Shineapple Si Sunshine at si Pineapple hair. Wala na ang korea. Wala na ang seoul, wala na ang Jeju, wala na rin si Azi. Mag-isa nalang ulit ako dahil pagod na siya.

"Azi, sana bago mo isuko ang isang tao, siguraduhin mo munang hindi ka na apektado pag nalaman mong pagmamay-ari na siya ng ibang tao."

Pagkasabi kong iyon ay biglang may kumalabog.

*BLAAAAG!!*

"Napakaarte niyo!!"

dO_ob

Boses ni Shitzu iyon.

"AZI SA LIKOD!!" malakas na sigaw ni Lei na nagmula sa kung saan. Tila nagslow motion ang lahat nang dahan-dahang tumingin si Azi sa akin kasabay naman nang pagkalabit ni Shitzu sa baril na kanyang hawak. Agad kong tinakbo si Azi kahit pa hirap na hirap na ako.

*BAAAAANG!!*

Kasabay nang pagputok ng baril ay ang pagsalo rin sa akin ni Azi. Naramdaman ko na rin ang pulang likido na nagmumula sa aking dibdib. May kakaiba akong naramdaman kasabay nang pagdilim ng aking paningin.

T______T

"A-Azi, p-patawad. P-patawarin m-mo k-ko. Ma-mahal n-na ma-mahal k-kita.. H-hanapin m-mo iyong ta-taong m-mahal n-na ma-mahal ka.. Iyong hi-higit pa sa pag-pagmamahal na bi-binibigay m-mo.."

Bago ako nawalan ng malay ay may narinig akong malalakas na tunog. Hindi ko na kaya..

Paalam Azi. Paalam.

Itutuloy...
PLEASE VOTE AND COMMENT!

MUNTIK NA KITANG MA-RAPE (COMPLETED)[EDITING]Where stories live. Discover now