KABANATA 44

3.9K 113 1
                                    

Tama ako ng hula diba? Si Azi ang tinutukoy sa hula.. Tama kaya si lola na kapahamakan lang ang dulot niya sa akin? Pero lagi siyang nandyan sa akin.. Tama kaya? Yung sa bar konektado rin siya doon kaya ako napahamak dahil nandon rin siya tapos sa lolo niya tapos kay Samatha at Lei.. Lahat ng konektado sa kanya ay tila ba may masamang mangyayari sa akin kapag nakaharap ko na tulad nalang ng fangirls niya.. Pati si David ay napahamak ng dahil kay Azi kahit wala naman itong ginagawang masama.. Kailangan na ba kitang iwasan Azi??

Wag naman sana..

Ngayon pa't masaya na ako kapag kasama ka..

"Sunshine ayos ka lang??" nag-aalalang sabi niya.

Ang mga babae naman ay nagsitakbuhan na kaya kaming dalawa na lang ang natira dito.

Agad ko siyang niyakap saka ako napaiyak ng todo.

"Sunshine.. Nandito lang ako." pagpapatahan niya. "Wag kang umiiyak.."

"Azi natatakot ako." umiiyak pa ring sabi ko.

"Wag kang matakot Sunshine, ako ang lalaban para sayo." tapos niyakap niya rin ako ng mas mahigpit.

Ayan ba Sunshine ang paghihinalaan mo? Minsan mo ng nasaktan si Azi kaya wag ka ng dumalawa pa dahil marami na siyang nagawa sayo. Hindi si Azi ang nasa hula siguro ay coincidence lang ang lahat pero hindi ka ipapahamak ni Azi. Magtiwala ka lang sa kanya Sunshine umayos ka.

Agad na inialis na ako ni Azi sa lugar na to at dinala sa loob ng jolibee na kaharap lang namin kanina. Pinapasok niya ako sa isang CR doon at sinabihang maglinis ng katawan. Hindi na rin ako pumalag dahil sobrang baho ng kanal na tumilapon sa akin, simbaho ng pempem ni Shitzu kapag hindi nag da-downy.. Ay teka.. Pumasok na kaya siya? Sana naman oo dahil miss ko na siya at gusto ko siyang kamustahin regarding sa nangyari sa loob ng classroom. Lumabas na ako at naabutan ko si Azi ma mukhang naiirita na at naiinip habang pinagmamasdan siya ng mga crew na babae na halatang kilig na kilig. Lumabas na ako don at agad na sinamaan niya ako ng tingin.

"Payatot bakit ba ang tagal mo ha?"

Kahit kailan talaga napakamainitin ng ulo ng taong to para tuloy siyang dragon.

"Hintayin mo ko dyan ka lang ha? Naiihi ako... Basta dyan ka lang lagot ka sa akin kapag nawala ka."

Sungit.

"Oo na!!" sagot ko.

Pumasok na siya don at umupo na muna ako sa isang upuan kung saan bakante.

"Miss miss!"

dO__ob

Lumapit sa akin yung dalawang crew.

"Hello." nakangiting bati ko kahit medyo naiilang.

"Ako si Lhea." sabi nung babaeng cute na may dimples.

"At ako naman si Shyne." sabi rin nong mataba ang pisnge.

"Anong pangalan ng kasama mo?" si Lhea.

"Kyaaah. Ang gwapo niya! Bakit ngayon lang siya napadpad dito? Ngayon ko lang siya nakita." si Shyne.

"Boyfriend mo ba yun?" si Lhea.

"Matagal na ba kayo? Ano sagot? May pag asa pa ba kami?" si Shyne.

dO__ob

Napaatras ako.

"Teka lang kalma.. Hindi ko siya boyfriend.."

Agad namang nagningning ang mga mata nila.

"Waaah talaga? So single pala si pogi at may pag-asa ako?" si Shyne.

"Ano ka ba! Ako nauna sa kanya kaya wag kang mang-aagaw!" si Lhea.

"Wag ka nga dahil sa ating dalawa ako ang mas sexy!" si Shyne.

"Hoy! Nauna ako.." si Lhea.

d-,--bvv

Nagtatalo pa sila e panigurado susungitan lang sila ni Azi tulad ng ginagawa niya sa akin.

"Miss pwede bang malaman ang number niya?"

dO__ob

"Ha?? Eh hindi ko kasi alam e." sagot ko at totoo naman e.

"Ano ba yan!" reklamo nilang dalawa.

Napakamot naman ako sa ulo ko.

"Ganito nalang pakilista nalang yung number niyo sa papel tapos ako ang magbibigay sa kanya. Ayos ba?"

"Waaaaaahh! Talaga?? Hihi. Salamat."

Tapos nilista nga nila ang mga number nila sa isang pirasong papel sakto namang lumabas na si Azi na mukhang badtrip na naman. Naiisip ko para siyang babae kung magsungit.. Daig pa ang may regla e.

Tinaasan niya agad ako ng kilay kaya tumayo na ako at lumapit sa kanya tapos ay sabay kaming lumabas.

"Azi oh." abot ko sa kanya ng papel.

"Ano yan?" kunot noong tanong niya.

"Papel." maikling sagot ko.

"Tss. Stupid. Anong gagawin ko dyan sa papel kako?" masungit na aniya. Para talaga siyang babae.

"Number yan ng mga babae kanina.. Itext mo na lang hindi ko kasi saulo ang numero mo." inabot ko sa kanya ang papel ngunit tinapon niya lang iyon.

"Bakit mo ginawa yun?!!"

"Basura." walang emosyong saad niya.

Ang lakas talaga ng topak niya. Siya na nga ang may admirer tapos ansungit pa niya?

Dumiretso nalang kami ulit maglakad hanggang sa nadaanan ko na naman ang lugar kung saan kami nagkausap ni lolo. Nakakakaba siya sa totoo lang.

Akala ko wala na talaga si lola pero nagkamali ako dahil siya na mismo ang lumapit sa amin ng may nakakatakot na awra.

"Siya! Siya ang lalaking iyon! Mag-iingat ka.. KAMATAYAN ang naghihintay! Parating na si kamatayan mag-iingat ka.. LUMAYO KA NA!! Susunduin na siya.. SUSUNDUIN NA SIYA! KAMATAYAN!"

dO_ob

MUNTIK NA KITANG MA-RAPE (COMPLETED)[EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon