KABANATA 95

3K 76 1
                                    

"Zy Men, Mitsuwo ano ba? Bakit ganyan kayo magsalita ha?" pasigaw na sabi ko. Halata namang nanlaki ang kanilang mga singkiting mata. Magsasalita pa sana ako ngunit natigilan ako ng hawakan ni Azi ang kamay ko. Tumingin ako sa kanya at walang emosyon ang kanyang hitsura ngunit ang kanyang mapupungay na mata ay nagsasabing 'hayaan mo na, wala silang alam.'

Ilang saglit pa'y tinabig nina Mitsuwo at Zy Men ang kamay ni Azi.

Hinila ako ni Mitsuwo papunta sa likod niya. "Hoy ikaw!! 'Wag mo ngang hawakan si Zxhe-Zxhe! Gusto mo bang itumba kita? Aba't tarantado ka pala e!" bigla nalang sinapak ni Mitsuwo si Azi kaya naman dali-dali akong lumapit at hinarangan siya.

"Zxhe-Zxhe ano ba? 'Wag ka ngang lumapit d'yan!" galit na sabi ni Mitsuwo.

Sumang-ayon naman si Zy Men na ngayon ay umuusok na rin ang ilong sa galit at inis. "Kanina ko pa napapansin Zxhe-Zxhe bakit hindi ka man lang natatakot sa kanya? Ginayuma ka ba niya ha? Mukha namang masamang tao 'yan e!" galit na ring sigaw niya. Ngayon ay naagaw na namin ang atensyon ng lahat.

"Teka tama ba ang narinig natin kay Ms. Zxhe-Zxhe? Si Azi nga ba talaga 'yan?"

"Grabe ang layo! Napakalayo, hindi ko inaasahan. Pero tignan mo naman oh. Magkasama sila!'

"Tama kapatid ka nga ni Zxhe-Zxhe 'yan pero hindi pa rin talaga ako makapaniwala."

"Mas lalo naman ako 'no? Crush na crush ko kaya si Azi!"

"Tignan mo naman siya ngayon. Napakapanget!"

Hindi ko na lamang pinansin pa ang mga nagsisitsismisan. Tumayo ako at inis na hinarap sina Mitsuwo at Zy Men. "Ano bang nangyayari sa inyo ha? Gusto niyong malaman ang totoo? Ang taong sinasaktan niyo't binabato niyo ng masasakit na salita na siyang kaharap nating lahat ngayon ay si Azi!! Siya si Azi!! Ano ba?!" tila isa akong bulkang sumabog dahil sa tindi ng nararamdaman kong galit ngayon.

Pagkasabi ko namang iyon ay agad na bumalatay ang matinding gulat sa dalawa. Tila ba nakarinig sila ng isang himala sa aking sinabi. Ang kaninang mga galit na reaksyon ay napalitan ng pagkatulala. Hindi sila makapaniwala at kung pwede lang nilang bawiin ang lahat ng sinabi at ginawa nila kay Azi ay ginawa na nila.

"A-azi??" tila mauubusan ng boses na sabi ni Mitsuwo. Para siyang binagsakan ng langit at lupa sa kanyang narinig. Ni ang gumalaw ay hindi na niya magawa.

Ganun rin si Zy Men hindi makapaniwala. "S-si Azi??" gulat pang aniya.

Tumayo naman si Azi at pinagpag ang sarili saka prenteng-prenteng tumayo. Pinasadahan naman siya ng tingin ng dalawa paibaba hanggang paitaas sabay lunok. "Matagal na panahon rin kasi ang lumipas kaya ganito siguro." panimula niya. Ngumiti siya ngunit halatang pilit. Maging ang paglunok niya ay hindi nakalagpas sa akin. "Ang aayos niyo nang tignan. Lalo kayong umayos at gumwapo." nakangiti pa ring sabi niya sabay tapik sa balikat ng dalawa.

Nanatili namang tulala ang dalawa. Si Azi naman ay humarap sa akin. "Noona, mauuna na ako tutal nandito naman na sila." tapos tinapik niya ako sa balikat saka nagpangunang maglakad.

"Azi!" pagtawag ko ngunit ang lumingon ay hindi man lang ako pinag-aksayahan ng oras.

"Siya nga si Azi." hindi makapaniwalang sabi ni Mitsuwo. "Zxhe, sorry. Hindi ko alam! Hindi ko namukhaan. Siya na ba talaga 'yun? Anong nangyari sa kanya??" makulit na tanong ni Mitsuwo.

"Oo nga Zxhe. Grabe! Hindi ko inaasahang si Azi 'yun. Zxhe-Zxhe sorry!" sabat naman ni Zy Men.

Nasapo ko nalang ang sarili kong noo. "Ano pa nga bang magagawa ko? Hays. Kahit ako rin naman hindi ko siya makikila kung ako ang nasa katayuan niyo. Hayaan niyo muna siya mapag-isa, masama loob non. Mga bibig niyo kase e." tapos sinungitan ko sila. Dali-dali naman silang kumapit sa braso ko na parang bata.

MUNTIK NA KITANG MA-RAPE (COMPLETED)[EDITING]Where stories live. Discover now