KABANATA 75

2.7K 83 5
                                    

Pakiramdam ko patay na ako dahil nakikita ko ang parte ng aking balat na may laman na siyang kinakain ni Shitzu. Hindi ko maatim na kainin niya iyon habang nasa harap ko.

Bigla ay kumirot ang aking leeg na kinurot niya gamit ang nailcutter.. Naramdaman ko nalang na may dugo na palang pumapatak sa aking T-shirt.

Patay na ba ako??

T______T

"Sunshine isa pa nga."

dO____ob

"Shitzu nagmamakaawa ako sayo tama na. Tumigil kana dahil dyan sa ginagawa mo mas lalo kang hindi magugustuhan ni Azi!!" sinabi ko iyon ng may pandidiri at punong-puno ng galit. Sa ginawa niya sa akin ay mas lalo na akong nandidiri sa kanya. Hindi na siya normal, nagawa niya akong kainin kaya hindi malayong makapatay nga talaga siya ng tao.

"Hayop ka Sunshine!! Inagaw mo sa akin si Azi!! Walanghiya ka!!" bigla ay kinagat naman niya ako sa tenga..

"Aaaaaaaaaaaaah!! Tulong!! S-shitzuu ayoko na!! Maawa kaaaaaa! Aaaaaaaghh!!"

"WAHAHAHAHA!! Ang sarap mo talaga Sunshine!" ilang saglit lang pagkasabi niya iyon ay bigla niyang inatake ang leeg ko kung saan may tumutulong dugo.

Nanlaki ang mata ko nang maramdaman ko ang dila niya kasabay non ang matinding hapdi ay kirot..

"Masabaw ka pala! Napakasarap ng iyong dugo!! Alam mo tinikman ko ang sarili kong dugo pero syempre hindi naman ako tanga para hiwain ang leeg ko kaya ang ginawa ko tinikman ko ang dugong lumalabas sa aking pempem. Pero bakit ganun? Lasang mapakla ang akin habang ang iyo ay masarap??"

Sa mga sinabi niya ay hindi ko na talaga napigilan ang sarili kong maduwal.

"Ew! Yucks kadiri ka Sunshine!! Bakit ka ba gumawa ng lugaw ha? Walang hiya ka!!" bigla ay kinurot niya ulit ako gamit ang kanyang nailcutter sa may bandang hiwa sa leeg ko kaya mas lalong humaba ang sugat.

Hinang-hina na talaga ako at isa pa ayoko sa dugo. Pakiramdam ko mawawalan na ako ng malay..

Tanging iyak lang ang nagagawa ko. Kung gising kaya si Azi at naalala niya ako ay sasapitin ko to?? Pero nangako siya! Akala ko ba babantayan niya ako ano man ang mangyari at saan man ako magpunta? Pero ano 'to?? Bakit biglang ganito?? Sa lahat ng mga nangyayari sa akin ay hinihiling kong si Azi ang magliligtas sa akin ngunit darating pa nga ba siya? Babalikan niya ba ako at ililigtas? Kase kung oo naghihintay lang ako.. Naghihintay ako sa walang kasiguraduhan pero yun lang ang tangi kong magagawa, ang umasa.

Hinang-hina na ako dala na rin sa sakit ng aking katawan mula pa sa mga hiwa, sampal, at sabunot na tinamo ko sa kanya.

Maya-maya ay narinig kong nagkasa ng baril si Shitzu. Kung saan man niya iyon nakuha ay hindi ko alam. Siguro nga katapusan ko na at hanggang dito nalang ako. Ito na ang kapalaran ko, ang mamatay sa kamay ng kaibigan ko.

"Sunshine alam mo hindi ako marunong umasinta kaya sorry kung matamaan ko ang mata mo okay? Hihi."

Namalayan ko nalang na naglagay siya ng mansanas sa aking ulo. Kapag nahuhulog ito ay sinasaktan niya ako at inaatasang huwag kumilos kaya wala akong ibang nagawa kundi ang sumunod. Lumayo siya ng bahagya saka tatawa-tawa.

"Ayan Sunshine ready ka na ba?? Hihihi. Byebye Sunshine!!" itinutok niya sa akin ag baril na hawak niya at sa pagkakakita ko non ay sa mata ko tatama ang bala kung sakaling pindutin niya ang baril. Tulad ng kanyang sinabi ay hindi siya marunong umasinta kaya paalam na talaga sa akin.

Paalam Azi ko..

Pumikit ako para hindi siya makita.

*BANG!!*

Sabay sa pagputok ng baril ang kakaibang kuryenteng dumaloy sa aking katawan. Pinakiramdaman kong mabuti ang aking sarili ngunit wala akong ibang maling karamdaman bukod sa mga pasang natamo ko sa kanya. Nag-angat ako ng tingin at nakatutok pa rin sa akin ang kanyang baril ngunit ang kanyang paningin ay nasa taong kaharap na prenteng-prenteng nakatayo habang nakaposisyon.

Si David.

Hawak nito ang kanyang pana na halatang kakatapos lang tumira. Ngayon ko lang napagtanto na pinana ni David ang bala sanang tatama sa akin.

Napalingon ako sa balang nasa isang tabi at halos nayupi ito dahil na rin sa panang tumama.

Niligtas ako ni David..

Bakit David??

Dapat hinayaan niyo nalang akong mamatay.

Itutuloy...
PLEASE VOTE AND COMMENT!

MUNTIK NA KITANG MA-RAPE (COMPLETED)[EDITING]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin