KABANATA 72

2.8K 92 9
                                    

"Ano Sunshine masakit ba? Wala pa yan! Wala pa yan sa pang-aagaw mo kay Azi ko!! Napakalandi mo!! Akala mo kung sinong tahimik pero napakalandi naman pala!"

Hindi ako nakasagot at nasusuka na rin ako dahil nararamdaman ko ang dugong pumapatak mula sa aking mukha. Masakit na rin ang katawan ko't nangangalay na.

"Shitzu, pakawalan mo na ako." pagmamakaawa ko kaso bigla niya akong pinaso gamit ang sigarilyo kanina ni David kaya napasigaw ako. Tanging sigaw at palahaw ang maririnig sa buong bodega dahil idinikit niya iyon sa mukha ko kung saan may hiwa niya.

"Hahahahahahaha!! Ka-awa-awang Sunshine! Masakit ba? Wala pa yan! Wala pa yan sa lahat ng pang-aagaw na ginawa mo sa akin! Dapat sayo ay tanggalan ng mata at ipakain kay sir Pan Ot.. Ay wait speaking of... Alam mo bang ex ko si sir Pan Ot?"

dO__ob

*LUNOK!*

d>>_<<b

"Hahaha. Nagulat ka ano Sunshine?? Ex ko si sir Pan Ot!! Alam mo ba sinadya ko iyon at sinabi ko sa kanyang gahasain niya ako para makita ni Azi yon o ng F4 dahil alam kong dadaan sila don pero ikaw talagang lintek ka ay panira at agaw eksena!! Sana ako yung niyakap ni Lei at hindi ikaw!! Ang panget mo!!"

Para akong binuhusan ng napakalamig na yelo sa inamin ni Shitzu. Ibig sabihin may relasyon sila ni sir Pan Ot noon pa? At talagang hindi ko man lang namalayan? Kaya pala panay ang pasok niya sa office ni sir Pan Ot at sinasabing mauna na raw ako dahil pinapatawag raw siya nito kahit hindi naman. Ibig sabihin nong mga panahong hinihipuan siya ni sir Pan Ot ay may relasyon na sila?? Kaya pala hindi siya pumapalag kaya minabuti kong hindi na rin magsalita dahil baka hindi lang niya namalayan pero totoo nga dahil may relasyon pala sila. Bakit hindi ko naisip yun? Bakit siya pumatol sa matandang kalbo na ang baho ng hininga??

d>>_<<b

"Ano Sunshine hindi ka pa rin ba makapaniwala? Gusto mong ipaliwanag ko pa sayo nang matauhan ka't magkalaman yang blangko mong kukote?? Pero sige dahil maganda at mabait ako ay ikwekwento ko ang lovestory namin.. Noong unang pasok ko dito sa University ay balisa ako dahil ikinakahiya ako ng aking mga magulang dahil bumagsak ako sa isang subject. Labis nilang dinamdam iyon kaya ang gumamit ng anumang mamahalin at magagandang gadgets ay ipinagbabawal sa akin. Alam mo namang magkaklase tayo ng una palang diba?? Akala ko magiging okay na ang lahat at mababawi ko na ang grado kong nawala at nabagsak pero nagkamali ako dahil nakilala ko ang F3. Nakilala ko si Lei at nabighani talaga ako sa kanya pero hindi ko naman inaasahan na may kapatid pa pala siyang gwapo at yun ay si Azi. Yun ang unang pagkikita namin at ang alam ko ay kakauwi lang niya ulit sa Pilipinas kaya sinundan ko siya at nilaan ko lahat ng oras ko sa kanya. Doon ko napagtanto nung nag-uusap sila ni Mitsuwo ay may nagugustuhan siyang nerd at sinusundan niya ito saan man nagpunta. Syempre alam ko ako yun kaya grab the opportunity na. Nagbihis ako ng simple at parang nerdy type kahit ang totoo'y mayaman kami, walang nakakaalam dahil bago lang ako sa university na to kaya kahit ano pang anyo ko ay walang makaka-alam. Nakipagkaibigan ako sayo dahil ikaw lang ang nakikita kong pinakapanget sa university na to ay sobrang badoy pa kaya alam kong hindi ka mapapansin ni Azi dahil isa kang malaking langaw na dapat itaboy. Pero alam mo ba nang dahil sa paghahabol ko kay Azi napabayaan ko ang mga grades ko. Nilapitan kita at tinulungan mo ako pero hindi pa rin kwalipikado, ikaw pa rin ang pinakamatalino at pinakamagaling. Nakakabwesit ka alam mo ba? Dapat ikaw nalang ang sumagot sa lahat ng assignments at projects ko kaso ano? Ang sabi mo wag mo akong papakopyahin dahil tuturuan mo ako. Andami mong arte alam mo ba? Kung ginawa mo lang sana iyon edi sana hindi ako bumagsak! Napakadami mong arte! Nang dahil sayo bumagsak ako sa halos lahat ng subjects ko.. Sobra akong nanlumo noon hanggang sa makilala ko si sir Pan-Ot. Nang dahil sa kanya nabigyan ulit ako ng pag-asa sa buhay.."

Itutuloy...
PLEASE VOTE AND COMMENT!

MUNTIK NA KITANG MA-RAPE (COMPLETED)[EDITING]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora