KABANATA 52

3.4K 108 0
                                    

*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG
*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG

Bigla akong kinabahan.

"Sunshine kung gusto mo pang makita si Azi na gumising ay layuan mo na yang lalaking yan at sa amin ka sumama dahil kaya ka namin protektahan." si Mitsuwo.

dO__ob

"Pero paano si David??" tanong ko.

"Sa buhay kailangan mong lumaban Sunshine kahit pa iyon na ang huling segundo mo.."

Nasapo ko ang sarili kong noo.

"Teka.." tumayo ako.

"Saan ka pupunta?" tanong nilang dalawa.

"Uuwi muna ako." pagpapaalam ko pero ang totoo'y pupuntahan ko si David sa shop ni Azi. Sana nandon siya.

"Mag-iingat ka Sunshine." seryosong sabi nila.

Tumango lang ako bilang pagsagot at walang alinlangan na akong umalis don at tinungo ang shop ni Azi.

Kasalanan ko kung may mangyayaring masama kay David kaya dapat bago siya masaktan ay ako muna. Tama na yung nasaktan si Azi dahil sa akin at ayoko ng may madamay pang iba kaya bago pa man may mangyaring masama kay David ay kikilos na ako lalo pa't ngayon na naka-confine ang chairman sa tindi ng ginawa niya.

Lumingon ako sa relo ko at hapon na nga ngunit hindi ko man lang naramdaman ang pagod at gutom pati ang pagtakbo ng oras.

Pagkarating ko sa shop ay naabutan ko sila don na nagluluksa at halos wala ng buhay kung titignan. Para silang namatayan lahat e buhay pa naman si Azi.

"Napakabuti niyang tao, hindi siya nararapat na mamatay..."

"Marami na siyang ginawa lalo na dito sa shop kaya nakakapanghinayang talaga na mawala ang isang tulad niya.."

"Hindi niya deserve ang mamamatay dahil marami pa siyang kayang gawin."

"Tanggapin nalang natin na may umaalis at may dumarating."

dO__ob

Ilan lang yan sa mga narinig ko nang makapasok ako. Bigla akong kinabahan at hindi ko alam kung bakit. Tinanong ko kung pumasok si David pero ang sagot lang nila ay..

"Hindi mo pa ba alam?" tapos nagsisiluhaan sila kaya mas lalo akong kinabahan..

Mabilis na akong umalis don at pumunta sa may tabi ng park at doon ibinuhos lahat ng iyak ko.

Bakit hindi ko man lang naabutan si David?

T_____T

Siya ang lalaking nasa hula na mamamatay..

Dahil sa akin..

Bakit hindi ako kumilos nung una palang?? Ang sama ko!

d>_<b

Lahat nalang ng malapit sa akin ay napapahamak una si Azi at ngayon ay si David.

Sinumpa na nga ba talaga ako?

Bakit pa ako nabuhay??

Hindi man lang ako nakahingi ng tawad at pasasalamat para sa lahat ng tulong at ginawa niya para sa akin. Isa siyang mabuting tao na may mabuting kalooban at mapagmahal sa magulang. Hindi niya maaalala kung sino ang tunay niyang magulang pero ganun nalang siya kapursigido para pagbayaran o pagtrabauhan ang utang na hindi naman niya inutang o hiniram.

T____T

Mas lalo akong napaiyak ng maalala ko kung paano niya ako akbayan at sabihin ng "Ang cute mo pala." sabay gulo sa buhok ko nung unang met namin sa shop ni Azi. Sobrang gwapo niya ron kahit nakasombrero siya at kapag ngumiti siya ay labas ang dimples..

Sa totoo lang naaalala ko sa kanya ang kuya ko lalo pa't nang may matuklasan ako kay David na parehong-pareho sa kuya ko. May tattoo siya ng leon sa gilid ng tenga na sa kuya ko lang nakita. Ayoko sanang mag-isip ng iba pero nakikita ko talaga sa kanya ang kuya ko lalo pa nung makita ko ang tattoo na yun.

Napayuko nalang at napaiyak sa dami-rami ng iniisip ko. Una namatay si Azi pero nabuhay rin tapos ngayon naman si David.

Ano pa bang susunod?

d>_<b

"Darating siya.. Magkikita ulit kayo."

dO___ob

Lola??

Lumingon ako sa likod ko at nakita ko nga siyang diretsong nakatingin sa akin. Palagi siyang sumusulpot sa tabi ko pero bakit hindi ko na magawang matakot? Lumilitaw nalang siya basta at nawawala pero parang sanay na ako.

Sino kayang tinutukoy niya na darating siya at magkikita kami ulit?

"Lola.. Sino po ang tinutukoy niyo??" takang tanong ko. Tumingin siya sa mata ko ng sobrang lalim na ultimo ang pumikit ay hindi ko magawa.

"May darating.. Magkikita at magkikita kayo.. Malapit na. Nandito na siya."

dO___ob

Sino ba iyon? Bakit ba hindi nalang niya hulaan na kung bakit hindi niya mahulaan mismo sa sarili niya kung sino ang mga tinutukoy niyang tao o pangyayari? Nakakainis ang ganto lagi nalang bitin!

d>>_<<b

Tatawagin ko pa sana si lola kaso bigla nalang siya naglakad palayo ay naiwan na naman akong tanga dito na pilit inaalam ang mga nangyayari kahit hirap na hirap na ako.

Napasandal nalang ako sa upuan saka pumikit.

Kahit ngayon lang.

Kahit saglit lang ayoko muna makarinig at mag-isip ng mga problema. Gusto ko munang mapag-isa at magpahinga..

I'm tired of everything..

I'm tired..

I wish I didn't exist.

Kuya.. Tulong.. Nahihirapan na rin kasi ako sa buhay ko..

I wish I could turn back the time.

***

Inaantok na ako.

Zzz

zzz

Zzzzz

"Hoy! Bumangon ka nga diyan kadiri ka! Ikaw ang manang mo.. Tumayo ka nga diyan. Tss."

dO___ob

Kuya??

Agad akong bumangon at napansin kong gabi na kaya bigla akong kinabahan.

Tumingin ako sa nagsalita ngunit nagitla ako ng makitang ibang tao iyon habang masungit na nakatingin sa akin.

Gwapo.

Mala Lei ang datingan at Azi ang posturahan.. Sino siya?

Napapahiya akong tumayo.

"Kuya sorry--"

"Ang stupid mo no? Tss. Bakit ka ba natutulog ng nakanganga? Ang sarap mong kutusan alam mo ba? Tss. O heto jacket isuot mong manang ka."

dO___ob

T_____T

Kuya..

Napaiyak ako at sa tuwa ko ay nayakap ko siya.

"Hey ano ba manang? Layuan mo nga ko!" reklamo niya kaya napabitaw ako. "Napano ka ba? Bat nanyayakap ka bigla? Ikaw binobosohan mo pa ako a!" bigla nalang niya ako binatukan kaya natuwa ako bigla.

Ganitong-ganito si kuya.

"Aba't baliw ka no? Tss. Makaalis na nga." tumalikod na siya at nagsimulang maglakad.

"Teka!" paghabol ko.

Masungit siyang lumingon.

"Thankyou bossing!" tapos sumaludo ako.

Tinitigan niya ako sa mata. Malalim. Matagal.

"Ken." maikling sagot niya saka nilahad ang palad.

Ken??

Itutuloy...
PLEASE VOTE AND COMMENT!

MUNTIK NA KITANG MA-RAPE (COMPLETED)[EDITING]Where stories live. Discover now