KABANATA 76

2.7K 88 6
                                    

"David bakit mo ginawa iyon? Bakit mo pinana ang balang tatama dapat sa bungo ni Sunshine?? Bakit mo ginawa iyon??" medyo inis na sabi ni Shitzu. Halatang dismayado na hindi niya ako napatay.

Lumapit si David nang may kunot noo at halatang inis.

Napatingin siya sa akin at sobrang nanlaki ang mata niya. Hindi niya inaasahang makikita ako ng ganon. Kitang-kita ko ang pag-aalalang bumalatay sa kanyang mga mata lalo na ng bumaling ang paningin niya sa aking mukha at leeg.

"Sunshine! Anong nangyari sa iyo? Bakit puno ng dugo at sugat ang mukha mo? Bakit ganyan ang leeg mo ang laki ng hiwa? Sino ang may gawa niyan?? Si Shitzu ba?" galit na sabi niya habang pinapasadahan ng tingin ang kabuuan ng aking mukha.

Ngumiti ako sa kanya. Batay kase sa kanyang reaksyon ay parang may hindi siya magandang gagawin kay Shitzu.

"W-wala 'to David.." nakangiting sabi ko kahit ang totoo'y pakiramdam ko mamamatay na ako sa sobrang sakit lalo na sa aking leeg.

"Anong wala Sunshine?? Halos maghingalo ka na dyan tapos sasabihin mo wala lang? Sinong may gawa? Ikaw ba Shitzu??" bumaling siya ng tingin kay Shitzu nang may nanggagalaiti at tiim bagang. Si Shitzu naman ay nakakunot ang noo at tila ba nagtatanong kung ano ang ginagawa ni David.

"David ano ba? Bakit ka ba nag-aalala kay Sunshine? Kilala mo ba siya? Diba hindi naman?! Bakit kung makaasta ka ay para bang matagal na kayong magkakilala at magkasama? Grabe naman yan David!! Pinahuli ko siya sayo para pahirapan ko hindi para tulungan mo kaya bakit mo ito ginagawa? Wala sa usapan natin na makikialam ka kapag nakuha ko na siya kaya pwede ba? Don't shout at me dahil alam ko ang ginagawa ko!!!"

*PLAAAAK!!*

dO__ob

Nakita ko kung paano sinampal ng napakalakas ni David si Shitzu gamit ang kanyang pana na hawak. Sa sobrang sakit niyon ay bumakat pa ang ilang parte ng pana kaya naman nagdugo ang mukha ni Shitzu lalo na ang kanyang ilong.

Galit siyang bumaling ng tingin.

"Davi--"

*PLAAAAK!!*

dO___ob

Sinampal ulit siya ni David.

"Da-David.." mahina at takot na sambit ko.

"Tarantado ka pala e!! Pumayag akong dukutin si Sunshine dahil gusto ko rin pero wala naman sa usapan na sasaktan mo si Sunshine! Anong ginawa mo sa kanya? Bakit ganyan ang hitsura niya?"

Biglang lumapit si David at sinakal si Shitzu. Napaubo si Shitzu at hindi makahinga dahil sa tindi ng pagkakasakal ni David.

"David tama na!!" hirap ngunit nagawa ko pa ring isigaw iyon.

"D-david a-ano ba.." hirap na hirap ring sabi ni Shitzu.

"Ang usapan natin huhuliin lang si Sunshine pero wala akong sinabi na saktan mo siya!!" si David.

"A-ano pang s-saysay kung h-hindi k-ko rin s-siya p-palatayin??" utal na sabi ni Shitzu habang sakal-sakal pa rin siya ni Shitzu.

"Gago ka pala e!!" sigaw ni David saka sinuntok ng malakas sa mukha si Shitzu. Napaatras si Shitzu at natumba sa lakas ng pagkakasapak ni David. Agad na bumalatay sa sahig ang mga dugo ni Shitzu.

Hindi pa nakontento si David dahil hinampas niya ng de kahoy na upuan si Shitzu at sa sobrang lakas non ay nawasak ang upuan at kung titignan mo si Shitzu ay para na siyang bangkay dahil na rin sa pakong bumaon sa kanyang noo. Sa pagkakaalam ko'y galing sa upuan na hinampas ni David.

"David tama naaaaaa!" pagmamakaawa ko dahil naaawa ako sa kalagayan ni Shitzu. Alam kong masama na siya pero hindi naman yun rason para saktan niya ang kaibigan ko. Kaibigan ko pa rin siya at hindi ko kayang makita siyang nasasaktan.

"D-david.." hirap na hirap na sabi ni Shitzu. Gusto kong tumakbo at harapin siya't tulungan kaso anong magagawa ko nakagapos ang mga kamay ko.

"Wala sa usapan natin na gagalawin mo si Sunshine! Bakit mo sinasaktan ang taong mahal ko? Oo siya yung gusto ko Shitzu!! Siya yung babaeng mahal na mahal ko na ikinekwento ko sa iyo at sabi mo sundin mo ang puso ko kaya tayo naghiwalay at ganun rin ako pinaraya rin kita kasi may iba kang gusto at kamalas-malasang si Azi na naman. Bakit ba puro Azi kayo?? Pero dahil gusto mong makuha si Sunshine ay ginamit ko iyon para makuha rin si Azi dahil alam kong mahal niya si Sunshine at darating siya. Ngayon ay sama-sama tayong maghaharap rito.."

dO__ob

Ibig sabihin ba nito hindi alam ni Shitzu na magkakilala kami ni David? At naghiwalay sila dahil may kasunduan silang harapin ang taong kani-kanilang gusto talaga??

Itutuloy...
PLEASE VOTE AND COMMENT!

MUNTIK NA KITANG MA-RAPE (COMPLETED)[EDITING]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant