KABANATA 94 PART 2

2.9K 81 0
                                    

*ZXHE-ZXHE'S POV!*

"Zxhe-Zxheeeeeeeeeeee!! Aaaaaaziiiiiiii!!"

dO___ob

Dali-dali akong napalingon nang tawagin kami ng pamilyar na boses.

Bigla akong natuwa nang makita ang dalawang bugok na masaya at halos magkandarapa na kakatakbo makarating lang samin. Bigla namang napatingin si Azi sa kanila at nakita ko na rin sa wakas ang ningning sa kanyang mga mata.

Tumayo ako at sinalubong sila.

"Mitsuwo!" masayang bungad ko. Nagpasamano kami at nag-apir gamit ang aming mga katawan.

"Zy men!" baling ko naman sa kanya.

"Zxheee!" masayang bungad niya kaya nag-apir rin kami at pasamano.

"Kamusta? Tagal nating nawala ah! Ikaw Mitsuwo naks ang puti. Binata ka na talaga. Gwapong-gwapo ah?" nakangiting sabi ko.

Bahagya naman niyang hinawi ang kanyang ilong.

"Ano ba Zxhe, hindi ka na nasanay. Hehe, gwapo nitong parang kapatid mo e. Ikaw? Taena ang ganda mo lalo! May boyfriend ka na ba? Baka pwedeng ako nalang? Hehe--araaay!! Zy Men ano ba?" inis niyang pinasadahan ng tingin si Zy Men na binatukan siya.

"Ikaw kararating mo lang chinachansingan mo na agad si Zxhe-Zxhe. Tumigil ka nga Mitsuwo dahil hindi ka papatulan niyang si Zxhe. Alam mo kung sino ang bagay sa kanya? Ako. Hehe. Diba Zxhe??" lumapit sa akin si Zy Men at inakbayan ako. Kinutungan ko nga agad siya kaya siya napabitaw.

"Kayo talaga galing lang kayong states tapos puro saltik na ang dala niyo. Mga mukha pa rin kayong babae. E kung tadyakan ko kaya kayong dalawa para bumalik kayo sa pinanggalingan niyo??" maangas na amok ko.

Natawa naman ang dalawa.

"Hehe biro lang Zxhe-Zxhe. Ikaw talaga napaka-brutal mo. Hindi mo na ako mahal." nagtatampong saad ni Mitsuwo.

"Oo nga Zxhe. Hindi pa rin nawawala ang hagod mo sa pagsasalita. Napaka-brutal mo pa rin. Alam mo kawawa talaga magiging asawa mo niyan. Pero kung ako Zxhe-Zxhe ang pipiliin mo? Naku! Handa akong magpasapak mapasaya ka lamang." banat naman ni Zy Men.

"Ayiiiiieeee!!" nanunuksong sabi ko.

Si Mitsuwo naman ay tila may hinahanap. Tinanggal pa ang shades para lang makita nang klaro ang hinahanap.

"May problema ba??" tanong ko.

"Zxhe-Zxhe si Azi?? Akala ko ba kasama mo siya? Asan na? Nasa CR ba? Gago talaga 'yun! Sigurado ay sobrang gwapo at angas na naman ng ugok na 'yun. Grabe nakakamiss siya. Asan na ba siya??"

dO___ob

Sumunod namang nagsalita si Zy Men.

"Oo nga Zxhe-Zxhe. Asan na ba si Azi? May paparty ba para sa amin?Hahahaha. Panigurado ako napakaangas na ng ugok na 'yun. Napakaganda mo Zxhe-Zxhe paano nalang kaya si Azi? Panigurado ako hindi papatalo 'yun? Asan na ba siya?"

Pagkasabing iyon ni Zy Men at Mitsuwo ay natigilan ako. Pero di kalaunay ngumiti rin ako saka inilahad ang kinauupuan ni Azi.

Nanlaki ang mata nila nang makita si Azi.

"Ah Zxhe-Zxhe, sino 'yan? Kilala mo ba?" duro ni Mitsuwo kay Azi na deretsong nakatingin sa kanila.

"Kinidnap ka ba niya Zxhe-Zxhe? Ano? Resbakan ko na ba? Asan na ba kasi si Azi? Tangina kung sino-sinong masasamang tao na ang nakakalapit sayo. Oo alam ko malakas ka Zxhe-Zxhe pero babae ka pa rin at kailangan mong mag-ingat lalo na sa panahon ngayon. Tsaka tignan mo nga yung hitsura niyan mukhang holdaper! Ano hinihingan ka ba niya pera? Tangina ipapabugbog ko kay Azi 'yang panget at maruming tao na 'yan! Asan ba kasi si Azi? Tangina talaga, hindi ka dapat iniiwanan mag-isa dito e. At talagang nasa harap mo pa naka-upo iyan? Ibang klase!!" mahaba at gigil na sabi ni Mitsuwo.

Magsasalita pa sana ako kaso sumabat naman si Zy Men.

"Oo nga Zxhe-Zxhe! Sino ba 'yan? Napakapanget niya!! Bakit mo hinayaany makalapit sayo 'yan? Mukha siyang taga-bundok! Bakit siya nakapasok dito sa mamahaling airport na pagmamay-ari niyo? Alam mo Zxhe-Zxhe wag kang matakot dahil pagmamay-ari niyo itong airport. Lahat ay kilala ka kaya pwede kang humingi ng tulong para dakpin ang isang 'yan at ikulong! Hindi dapat pakalat-kalat ang ganiyang uri ng tao. Nakakahiya! At talagang dito pa? Ibang klase! Sinaktan ka ba niya? Gusto mo bugbugin lo habang wala pa si Azi? Alam ko namang iyon rin ang gagawin ni Azi kapag nakita niya ang maruming tao na 'yan e! Napakadugyot niyang tignan at hindi siya bagay na tumapak dito."

Bigla akong nakaramdam ng inis. Hindi ba talaga nila namumukhaan si Azi? Nagkaroon siya ng mahaba at makapal na balbas pati buhok ngunit hindi man lang ba nakikita si Azi sa kanya? Magkakaibigan sila kaya dapat unang tingin palang sa mata ay dapat alam na nilang si Azi. Tangina napakasarap manapak kapag ganito. Ang ayaw ko sa lahat ay iyong nilalait ang mga kapatid ko. Tanga rin kasi itong si Azi e. Kung bakit ba naman kasi naging ganyan ang hitsura niya. Hindi na ako magtataka kung bakit ganyan ang hitsura niya dahil kahit kung ako naman siguro ang nawala nang matagal ay iyan rin ang iisipin ko. Nakakapang-init ng dugo.

Magsasalita pa sana ako kaso nagsalita ulit si Mitsuwo.

"Tangina Zxhe sabihin mo kung ginalaw ka ng lalaking ito dahil hindi ako magdadalawang isip na basagin ang bungo niyan. Alam kong kapag nandito si Azi ay hindi niya hahayaang makalapit sa iyo ang napakapanget na taong iyan. Alam mo Zxhe lumipat ka nalang kaya ng upuan? Baka naninikil pa ng pera iyan e. Hindi mo lang namamalayan. Mag-ingat ka 'yung bag mo nasa tabi pa naman niya. Alam mo ireport nalang kaya natin? O kung hindi naman kaya'y kaladkarin na natin tapos hayaan mong si Azi ang magbigay ng leksyon." inis na inis at nagpipigil na sabi ni Mitsuwo. Galit na galit siya at pursigido siyang saktan ang lalaking kaharap. Ang lalaking matalik nilang kaibigan. Ang lalaking kapatid ko. Ang lalaking nagnga-ngalang Azi. Maging si Zy Men ay naikuyom ang mga palad at handa nang manapak ano mang oras.

Naaawa na ako sa kapatid ko.

Itutuloy...
PLEASE VOTE AND COMMENT!

MUNTIK NA KITANG MA-RAPE (COMPLETED)[EDITING]Where stories live. Discover now