KABANATA19

4.9K 190 19
                                    

dO__ob

Sobrang lakas ng kabog ng puso ko nang yakapin ako ni Azi. Pakiramdam ko maririnig niya iyon sa sobrang lakas.

"Azi.." mahinang sambit ko.

"Hayaan mo lang akong yakapin ka Sunshine." garalgal na sabi niya na mas lalong hinigpitan pa ang pagkakayakap sa akin.

Ilang minuto kaming ganun ng may pumasok.

*EHEM!*

dO____ob

Ang Chairman!

"Anong ginagawa mo dito?" walang emosyon na sabi ni Azi sa kanyang lolo.

Bakas sa mukha ng matanda ang inis sa inasal ni Azi.

"Ganyan ba ang sumagot sa lolo mo Azi?" medyo mataas na boses na pagkakasabi ng chairman.

"Bakit ho Chairman? Ganyan rin ba ang pagtrato sa apo? Kung mahal niyo ako bakit niyo inilalayo sa akin ang kalayaan ko? Ang kalayaan kong pumili at sundin ang nais ko. Bakit si Lei nalang ang laging pinapaburan niyo! Bakit sa lahat ng pwedeng ibigay kay Lei ay si Sunshine pa?!"

Lumapit ang chairman at sinampal niya si Azi.

Napahawak ako sa kamay niya nang mahigpit.

"Wala kang modo! Anong karapatan mong sagutin ako ng ganyan? Apo lang kita!" galit na sigaw ng matanda..

"Buong buhay ko si Lei nalang ang paborito niyo. Lahat ng luho niya binibigay niyo habang ako taga-salo ng tira-tira ng mga pinagsawaan niya."

Tumingin ako kay Azi at sinabi niya iyon ng hindi lumilingon sa kanyang lolo.

"Pagod na akong makipagkompetensya kay Lei Lo. Pagod na pagod na ako."

Napatitig ako sa kanya at wala man lang reaksyon ang mukha niya.

Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kanya.

"Walangya! Bastos!"

Sasampalin niya sana si Azi ulit nang pumagitna ako kaya ako ang natamaan. Pakiramdam ko bumaon ang palad niya sa mukha ko sa sobrang lakas.

T_______T

"Sunshine! Sunshine? Ayos ka lang?" alalang saad ni Azi na pinaharap ako sa kanya.

"Ano bang problema mo ha? Bakit pati si Sunshine ay kailangan mong saktan?! Saktan mo na ako wag lang si Sunshine dahil kahit kadugo kita ay hindi ako magdadalawang isip na patulan ka!"

"Azi, tama na." pag-aawat ko dahil ramdam ko ang tensyon sa kanilang dalawa.

"BASTOS KA NA TALAGA!" sigaw ng lolo niya.

"Paano ako hindi magiging bastos kung ang taong nagpalaki sa akin ay tinuruan akong maging bastos!" sigaw rin ni Azi.

Pakiramdam ko kasalanan ko ang lahat.

"Azi, Chairman tama na ho." pagmamakaawa ako. Lumuhod ako sa matanda at hinawakan ang mga kamay niya.

"Patawad ho, kung ano man ang nasabi ni Azi ay hindi niya iyon sinasadya."

Tinapunan niya lang ako ng tingin. Si Azi naman ay itinayo ako.

"Lubayan mo ang apo ko."

dO____ob

"Pwede ba? Wag si Sunshine!" sigaw ni Azi.

"Hindi ka bagay sa apo ko dahil sa paningin ko ay isa kang dukha."

Napaatras ako ng sabihin niya iyon.

"Ikakasal na si Azi sa isang sikat at mayamang babae. Lubayan mo na siya ngayon din dahil wala ring patutunguhan ang walang kwentang relasyon na 'to, payag pa ako kung kay Lei ka dahil panigurado hindi ka rin seseryosohin ng apo kong iyon kaya mapapadali ang buhay mo kaysa kay Azi na puro puso ang pinaiiral kaya nasasaktan."

Napatingin ako kay Azi at kita ko kung paano nagtiim ang kanyang bagang.

"Kung gusto mo, ikaw ang magpakasal sa babaeng iyon. Si Sunshine ang gusto ko at wala kang magagawa ron." desididong sagot ni Azi na pilit pinapakalma ang loob.

"Pwes mapipilitan akong sabihin sayo 'to."

Natigilan ako at naghihintay ng sasabihin ng chairman. Tumingin siya sa akin at napalunok ako.

"Magbigti kana."

dO_____ob

Napahawak ako ng matindi kay Azi.

"Sira na ang ulo mo." nandidiring saad ni Azi.

"Sunshine halika na! Walang kwenta ang mga taong 'yan, mga sakim at makasarili sila!"

Hindi na ako nakapalag dahil hinila na ako ni Azi palabas ng pinto pero nandon rin si Lei na nakatayo at hinawakan ang isang kamay ko.

Tumingin ako sa mga mata niya at para akong inaakit non. Tumingin naman ako kay Azi at sobrang nasasaktan ang nakikita ko sa kanyang mga mata.

"Sunshine, makinig ka kay Lolo. Iwasan mo na si Azi dahil sasaktan ka lang niya tulad ng binabalak niya sayo nung una palang. Ipapakasal siya sa iba kaya masasaktan ka lang."

Nang sabihin iyon ni Azi ay pwersahan niya akong hinatak papuntang likod niya. Lumapit siya kay Lei at sinapak ito sa mukha.

"Facyah Lei! Wala kang alam, wala kang alam sa pinagdaanan ko. Gusto mo si Sunshine? Beat with me bro!" maangas na sabi niya tapos sinapak ulit si Lei.

Gusto ko sanang tulungan si Lei kaso naaawa ako kay Azi.

Hinila niya lang ako palabas ng mansion habang tumutulo ang ilang butil ng kanyang luha

Itutuloy...
PLEASE VOTE AND COMMENT!

MUNTIK NA KITANG MA-RAPE (COMPLETED)[EDITING]Where stories live. Discover now