KABANATA 47

3.4K 113 1
                                    

*MITSUWO'S POV!*

Kasama ko ang bago kong chixx nang pumasok ako sa klassrum habang naka-akbay ako sa kanya. Agad akong nakarinig ng ingay at hindi nga ako nagkamali dahil si Azi iyon kasama si Samantha. Hindi na ako magtataka kung nang-iinis at nangungulit na naman yang si Samantha kay Azi.

d-,-b

Tuluyan na sana akong papasok ng bigla akong mabangga ni Azi ng lumabas siya at tama ba itong nakikita ko na umiiyak ang bestfriend ko? Pucha! Iniyakan niya si Samantha??

"Hey Azi!" bati ko pero hindi niya ako pinansin kaya alam kong seryoso na siya. Maya-maya ay lumabas si Samantha at hinihila si Azi kaya pinalayas ko na ang chixx na babae at sinipa ko ang pwet palayo.

"Azi ano ba? I'm your fiancee! Bakit  ba puro ka nalang Sunshine? Sino ba ang basurang iyon? Nakakainis kana pero mahal pa rin kita! Ikakasal na tayo at magkakaanak kaya bakit ha nilalandi ka ng babaeng yun?"

dO___ob

Si Sunshine??

Humarap si Azi sa kanya. Ngayon ko lang ulit siyang nakitang nasasaktan lalo pa't sa isang babae.

"Pwede ba Samantha tumigil ka? Kapag hindi kita natantya hindi ako magdadalawang isip na patulan ka kahit babae ka pa!" gigil na duro ni Azi kaya lumapit na ako. Hinawakan ko si Azi sa kamay at binaba iyon dahil baka totohanin niya nga ang banta niya lalo pa't madaling mag-init ang ulo ng isang yan. Sa aming magbabarkada ay siya ang pinakasensitive at mainitin ang ulo kaya walang nakakalapit sa kanya pag galit siya pwera sa aming mga barkada niya.

Tumingin naman sa akin si Sam ng may pagmamakaawa. Sa totoo lang maganda siya e.. Napakaganda.. Sexy, maputi, model, mayaman, sikat at kinaiinggitan. Kung pwede nga lang ay liligawan ko yan kaso hindi ko type.. Nasa kanya na ang lahat at pwedeng-pwede siya pumili ng taong mamahalin niya kahit sino pa yan dahil nasa kanya na nga lahat pero malakas ang tama sa tropa namin. Sino nga ba ang hindi magkakagusto kay Azi? Badboy, siga, matangkad, malaki ang katawan, may mala pinyang buhok, matangos ang ilong, may red lips at gwapo.. Pero naniniwala talaga akong mas gwapo ako sa kanya..

Sabi ni mommy.

d^_^bvv

"Mitsuwo! Gisingin mo nga tong si Azi.. Sabihin mo naman sa kanyang ako ang mapapangasawa niya at sa akin lang siya. Bakit ba ang tigas ng ulo niyang kaibigan mo? Sabihin mo naman na kami ang para sa isa't-isa."

dO__ob

Pucha ang lakas ng tama!

Tinabig naman ako ni Azi.

d>>_<<b

Halimaw talaga to kahit kailan. Simpleng tabig lang naman ang ginawa niya pero sobra akong nahurt. Pucha parang hindi barkada e.

"Pwede ba Samantha? Ikaw ang gumising dahil baliw kana!! Sinong magpapakasal sa pangit na tulad mo? Hindi ikaw ang gusto ko! Alam mo kung sino ang gusto ko? Yung taong sinaktan mo at tumakbo paalis kaya sa oras na galawin mo pa si Sunshine ihahatid na kita agad sa impyerno!"

Napalunok ako dahil nakakatakot si Azi. Lahat ay nagsipag-usapan at nagsitabihan dahil galit na galit talaga si Azi.. Ngayon ko lang ulit siyang nakita sa ganito.

Agad namang umalis si Azi palabas kaya sinundan ko siya. Si Samantha ay nakaheels kaya hindi makasunod.

"Azi hey!!" sigaw ko pero patuloy lang siya sa pagtakbo.

"Azi ano ba? Saan ka pupunta??" sigaw ko pa rin dahil hindi ko siya maabutan.

"Azi teka lang.."

"Hahanapin ko si Sunshine!! Hindi pwedeng mawala siya sa paningin ko kaya iwanan mo na akong mag-isa. Si Sunshine ang kailangan ko hindi kayo!"

dO___ob

Si Azi ba talaga yun??

Maswerte ka Sunshine..

"Azi!! Sasama ako!!" sigaw ko pa rin kaso hindi ko talaga siya maabutan at nasa kalsada na kami dahil lumabas siya ng University.

"Baka mapano si Sunshine kaya iwanan mo na ako. Kaya ko na to! Pumasok ka nalang sa klase, hahanapin ko pa si Sunshine!"

d>_<b

Putakte. Sunshine asan ka ba? Ako kinakabahan para kay Azi..

Sinundan ko lang si Azi hanggang sa nakalayo na siya.. Sinundan ko siya hanggang sa nakita ko ang isang sasakyan na may 24 wheeler.. Sobra akong kinabahan dahil sa bilis ng patakbo na yun kasabay ang pagtawid ni Azi.

dO_ob

*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG

Tila nag slow motion ang lahat ng makita ko kung paano tumawid at nahagip si Azi ng sasakyan saka tumilapon kasabay non ang pagkalat ng dugo sa kung saan-saan sa lakas ng tama. Para akong binambo sa nakita ko ng makitang nakahalandusay na sa sahig si Azi at tila wala ng buhay..

Hindi to totoo..

Hindi..

*SUNSHINE'S POV!*

Nahulog ko ang aking cellphone ng sabihin iyon ni Mitsuwo. Ayokong maniwala at hindi ako naniniwala.

"Sunshine? Ayos ka lang?" sabi ni David saka ako inalalayan.

"David si Azi.."

Kitang-kita ko pati siya kinakabahan na rin. "Sunshine anong nangyari kay Master??"

Hindi ako makapagsalita. Ang bigat sa dibdib. Bakit ganito?

d>>_<<b

"NANGYARI NA."

dO___ob

Nag-angat ako ng tingin sa nagsalita at hindi nga ako nagkamali dahil siya yung matandang manghuhula. Anong ginagawa niya rito at bakit alam niya ang lugar na ito?

"Pumanaw na siya.. Hindi nagkakamali ang mga hula ko.."

dO___ob

Sa sinabing iyon ng matanda ay napahagulgol na ako ng iyak.

MUNTIK NA KITANG MA-RAPE (COMPLETED)[EDITING]Where stories live. Discover now