KABANATA 89

2.9K 72 2
                                    

*AZI'S POV!*

*FLASHBACK!*

Tahimik kong tinapos ang lahat ng bantay sa labas ng tahimik at walang nakakakita. Pursigidong-pursigido ako na kunin si Sunshine.

Maya-maya ay nakita ako ng lalaking nasa itaas pero bago pa man siya makababa ay tinalon ko na ang ikalawang palapag ng warehouse saka siya pinagsasasapak hanggang sa mawalan siya ng malay.

Ilang ulit kong binalibag ang mga lalaki pang sumunod na sumugod at hindi ko alintana ang sakit na dulot nito sa kanila. Bago pa man sila makagawa ng ingay ay isa-isa kong binali ang kanilang mga leeg hanggang sa mamilipit sila sa sakit.

Nang masiguro kung ubos na sila ay saka ko dahan-dahang pinasok ang warehouse. Tinalon ko ang mga bakal na nakakubli sa may madilim na parte hanggang sa makatating ako sa baba. Tila nabuhayan ako ng pag-asa nang makita si Sunshine. Ngayon ko lang ulit nakita ang kanyang hitsura, gustong-gusto ko na siya yakapin at halikan. Sabik na sabik nakong hakawan siya't yakapin siya ng napakatagal. Sabik na sabik akong mahawakang muli ang babaeng mahal ko. Ang tagal ko siyang hinintay at hindi ko inaasahang dito ko siya makikitang muli.. Bigla ring kumulo ang aking dugo ng makitang nakatali siya habang umiiyak at nakagapos. Napakasakit sa akin makitang  umiiyak si Sunshine. Ni ang lamok ay hindi ko hinahayaang makalapit sa kanya kapag magkasama kami tapos heto siya ngayon umiiyak at nanghihina.

"Mas lalo mo lang ako binigyan ng dahilan David para mas lalong magalit sa'yo.. 'Wag na 'wag mong sasaktan si Sunshine dahil kayang-kaya kita balatan gamit ang isang nailcutter.. Kung naghihiganti ka man sa akin ay hindi mo na sana dinamay si Sunshine. Nagkamali ka ng dinukot mo dahil nandito na ako. Pasensyahan tayo David.."

Mas lumapit pa ako sa gawi nila at hindi ko inaasahan ang makikita't maririnig ko.

Kaibigan 'yan ni Sunshine!! Anong ginagawa niya dito?? 'Wag niyang sabihin na kasabwat siya ni David??

d>>_<<b

FVCK!!

Noong una palang talaga ay hindi na maganda ang loob ko sa taong iyan. Sa dami ng pwede maging kaibigan ni Sunshine bakit sa isang tulad pa niyan siya bumagsak?

"David bakit mo ginawa iyon? Bakit mo pinana ang balang tatama dapat sa bungo ni Sunshine?? Bakit mo ginawa iyon??" medyo inis na sabi ni Shitzu. Halatang dismayado pa siya sa lagay niya dahil hindi matagumpay ang kanyang balak. Tama nga ako, masama siyang tao.

Lumapit si David nang may kunot noo at halatang inis sa kanya. Napatingin siya kay Sunshine kaya bahagya akong umatras upang hindi niya ako maaninag. Nag-aalala ang mukha niyang bumaling sa mukha at leeg ni Sunshine. Hindi ko makita iyon dahil bahagyang nakatalikod siya sa akin.

"Sunshine! Anong nangyari sa iyo? Bakit puno ng dugo at sugat ang mukha mo? Bakit ganyan ang leeg mo ang laki ng hiwa? Sino ang may gawa niyan?? Si Shitzu ba?" galit na sabi niya habang pinapasadahan ng tingin ang kabuuan ni Sunshine. Bigla naman ako nakaramdam ng matinding galit sa sinabi niya. Anong puro sugat at may malaking hiwa pa sa leeg? Sinong may gawa non??

Nanggigil ako. Gusto ko nang pumatay kaso pinapakalma ko lang ang sarili ko.

"W-wala 'to David.." nakangiting sabi ni Sunshine.

"Anong wala Sunshine?? Halos maghingalo ka na dyan tapos sasabihin mo wala lang? Sinong may gawa? Ikaw ba Shitzu??" bumaling si David ng tingin kay Shitzu nang may nanggagalaiti at tiim bagang. Si Shitzu naman ay nakakunot ang noo at tila ba nagtatanong kung ano ang ginagawa ni David.

"David ano ba? Bakit ka ba nag-aalala kay Sunshine? Kilala mo ba siya? Diba hindi naman?! Bakit kung makaasta ka ay para bang matagal na kayong magkakilala at magkasama? Grabe naman yan David!! Pinahuli ko siya sayo para pahirapan ko hindi para tulungan mo kaya bakit mo ito ginagawa? Wala sa usapan natin na makikialam ka kapag nakuha ko na siya kaya pwede ba? Don't shout at me dahil alam ko ang ginagawa ko!!!"

MUNTIK NA KITANG MA-RAPE (COMPLETED)[EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon