KABANATA 58

3K 106 6
                                    

*SUNSHINE'S POV!*

Biglang tumumba ulit si Samantha may maliit na arrow na siyang nakatirik sa kanyang leeg. Agad kong tinignan ang paligid at may nakita akong nakaitim habang nakamask na may hawak na pana ang siyang nakatayo sa may malaking puno. Nagtama ang mga mata namin at ganun nalang kadaling umalis siya.

"Sunshine.. Ang sama mo. Wala kang kwentang kaibigan."

dO__ob

Shitzu..

Umiiyak siya at talagang seryoso siya.

"Shitzu pati ba naman ikaw??" umiiyak na sabi ko.

"Ginawa mo talaga yun para lang maakit si Azi? Anong klase ka! Alam mo namang may gusto ako kay Azi diba? Tapos lalandiin mo lang siya? Ang lakas ng loob mong pumunta dito yun pala ay ikaw ang dahilan ng lahat. Ang sama mo. Makasarili ka at malandi."

dO__ob

Mas lalo akong napaiyak.

"Shitzu ano ba? Hindi yun totoo!!'

"Ewan ko sayo Sunshine!! Sinungaling ka!! Akala ko pa naman kaibigan kita pero mang-aagaw ka pala! Friendship over na tayo!!" tapos umalis na siya.

"Shitzu!!!" sigaw ko habang umiiyak.

Hahabulin ko pa sana siya kaso bigla akong niyakap ni Ken.

"Hayaan mo na siya Sunshine. Dito ka muna sa akin. Natutuwa silang napapahiya ka kaya hayaan mo munang protektahan kita." niyakap niya ako ng mahigpit at para bang tinatakpan ang buong katawan ko.

"The fuck! Sino yan?"

"Lagot boyfriend niya ata."

"Pero ang gwapo niya!"

"Lagot tayo nito!! Hindi ko alam na may savior si Sunshine.."

"Tignan mo kung yakapin niya si Sunshine."

"Peste sino ba ang pumana sa akin? Ang sakit ng leeg ko!"

"Ako rin. Teka kayo rin? Sinong pumana sa atin? Teka si Ate Sam tignan niyo!!"

Hindi ako makagalaw dahil yakap-yakap ako ni Ken.

"Sunshine isuot mo to." binigay niya ang jacket niya at agad na isinuot ko yun dahil pinagtitinginan nila ako at isa pa pinunit nila ang uniform ko.

"Halika na.."

"Teka." pagpigil ko.

"Bakit?"

"Si Sam baka mapano siya."

"Ano? Uunahin mo pa yang impokritang babae na yan?" galit na sabi niya.

"Kawawa naman siya Ken. Sandali lang."

Iniwan ko na si Ken at lumapit ako sa nakabulagtang Samantha.

"Sam!" pagtawag ko kaso nakahawak lang siya sa mukha niya habang nanghihina. Nagulat ako nang makitang may dugo ang kamay niya at nang humarap siya sa akin ay napaatras ako.

Natanggal ang dalawang ngipin niya sa harap!!

dO___ob

"I'm gonna kill you!!" sigaw niya.

"Kill her!!" sigaw niya sa mga estudyante ngunit napatingin silang lahat kay Ken kaya wala ni isa ang magawang kumilos.

"Sorry ate sam." saka sila iisa-isa na lumayo.

"Wah! May teeth!" sigaw niya ng makita ang ngipin niya saka niya ako tinignan sa mata. Nagulat ako nang hablutin niya ang nakaturok na arrow sa leeg niya at itinurok iyon sa paa ko.

Napasigaw ako sa sakit lalo pa nang ihampas niya sa mukha ko ang heels niya.

Bigla akong nanghina nang maramdaman ang arrow na nakaturok sa akin. Para may kakaibang kemikal ang nakahalo at nakakapanghina.

Bigla ulit siyang sinapak ni Ken sa mukha kaya kahit hirap ay inawat ko siya.

"Tama na yung naka-isa ka wag ka nang dumalawa pa. Hindi ako pumapatol sa babae pero sa mga mukhang lalaki oo kaya tigilan mo si Sunshine." banta niya.

Nagsitilian ang lahat sa ginawa ni Ken at takot ang namutawi. Hirap na hirap na rin si Samantha marahil ay sa kagagawan na rin ng arrow na tumama sa kanya.

"You'll go-gonna p-pay of this!" hirap na sabi ni Samantha. "Im g-gonna t-tell Azi ev-everything you've been done t-to me!!" dagdag pa niya.

"Isa pang galawin mo si Sunshine iraratay kita ng buhay!" sabi ni Ken saka ako binuhat paalis.

Itutuloy...
PLEASE VOTE AND COMMENT!

MUNTIK NA KITANG MA-RAPE (COMPLETED)[EDITING]Where stories live. Discover now