KABANATA 90

2.8K 73 13
                                    

*AZI'S POV!*

Tungkol naman sa pagkamatay ni Lei isa pa 'to sa hinding-hindi ko malilimutan. Tuwing naaalala ko ay para akong pinapatay ng paulit-ulit dahil wala man lang ako nagawa para iligtas siya.

*FLASHBACK!*

Kaharap ko ngayon si Sunshine habang pinagmamasdan siyang umiiyak. Napakasakit sa akin non.

"Azi, sana bago mo isuko ang isang tao, siguraduhin mo munang hindi ka na apektado pag nalaman mong pagmamay-ari na siya ng ibang tao."

Doon palang sa sinabi niya ay parang kinurot ang puso ko. Hindi mo kase alam Sunshine. Wala kang alam sa mga nangyayari kahit pa gusto kitang yakapin ay hindi ko magawa dahil nandito si Miguel. Kinakailangan kong gawin 'to dahil ayokong kamuhian mo ako at maging sanhi pa 'to sa pang habang buhay na pagsisisihan ko.

Napakasakit Sunshine. Napakasakit makitang magkayakap kayo ni Miguel kalapit non ang pinakamatinding sekreto na ayokong ilabas niya. Napakatagal na panahon na iyon at ayoko nang bumalik pa sa nakaraan.

Kaya ko binugbog ng binugbog si Miguel dahil ayokong mabigla siya at isiwalas niya ang dapat hindi na isiwalas pa. Ayoko. Hindi ko kaya. Sobra akong nasaktan sa aming tatlo nila Yuki noon kaya ayokong ngayon naman ay ikaw. Si Sunshine. Gusto ko nang kalimutan ang nangyari sa amin ni Yuki at ni Miguel.

Gustuhin ko mang umiyak at yakapin siya ay hindi ko nagawa bagkus ay seryoso lang akong nakatingin sa kanya pero biglang may kumalabog.

*BLAAAAG!!*

"Napakaarte niyo!!"

dO_ob

Kaibigan iyon ni Sunshine.

"AZI SA LIKOD!!" tila nagitla ako nang marinig ang boses na iyon ni Lei mula sa itaas ng warehouse. Dali-dali akong lumingon sa aking likod kaso huli na dahil nasa harap ko na mismo ang kaibigan ni Sunshine habang deretsong nakatingin sa akin habang may hawak na baril. Gustuhin ko mang kumilos ay huli na dahil napakabilis ng pangyayari. Handa na akong salubungin ang balang tatama sa akin pero nagimbal ako nang nasa harap ko na si Sunshine.

*BAAAAANG!!*

Kasabay nang pagputok ng baril ay ang pagsalo ko kay Sunshine. Kitang-kita ko kung paano unti-unting lumabas ang dugo mula sa bibig ni Sunshine. Dahan-dahan siyang napapapikit at mas lalong umigting ang pag-aalala sa aking sistema. Hindi ko kinakaya ang mga nangyayari lalo pa't nasa braso ko si Sunshine. Hawak-hawak ko siya ngunit may tama siya. Gusto kong sugurin at patayin ang halimaw na bumaril sa kanya. Nais kong durugin ang kanyang mukha lalo pa't nakikita kong nanghihina si Sunshine.

Maya-maya'y napalakas ang hawak niya sa aking braso at pakiramdam ko binuhusan ako ng napakalamig na yelo. "A-Azi, p-patawad. P-patawarin m-mo k-ko. Ma-mahal n-na ma-mahal k-kita.. H-hanapin m-mo iyong ta-taong m-mahal n-na ma-mahal ka.. Iyong hi-higit pa sa pag-pagmamahal na bi-binibigay m-mo.."

Pagkasabing iyon ni Sunshine ay tuluyan na siyang napapikit. Mas lalo akong kinabahan kaya hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kanya.

"SUNSHINE!! SUNSHINE!! HINDI!! HINDI PWEDE 'TO, SUNSHINE GUMISING KA!!" todo alog na ang ginagawa ko pero wala talaga.

Maya-maya'y may malakas na kalabog kaming narinig. Si Shitzu at si Lei ay nag-aagawan sa isang bagay.

"Azi umalis na kayo!!" seryosong sabi niya habang nakahiga at pinag-aagawan ang isang bagay kasama ni Shitzu.

"Shit!! Lagot na!!" gulat na aniya rin ni Zy Men.

"Zy men ano yun??!!" tanong ko.

MUNTIK NA KITANG MA-RAPE (COMPLETED)[EDITING]Where stories live. Discover now