KABANATA 21

4.7K 148 3
                                    

Naiwan ako ditong mag-isa habang pinagmamasdan siyang lumalayo mula sa akin. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ko pero ang alam ko nasaktan ko si Azi. Pero masisisi ko rin ba ang sarili ko na si Lei ang gusto ko? At mismong kapatid pa niya? Siguro nga tanga ako sa tingin ng iba pero hindi ko talaga gusto si Azi.

Umuwi na ako sa inuupahan kong apartment hindi kalayuan sa lugar na ito. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa akin ang nangyari mula nang nangyari sa bar at ngayong iniwan na ako ni Azi.

Nanlumo akong natulog at hindi ko alam na may mga luha na palang pumapatak sa aking unan.

~KINABUKASAN~

Maaga akong naligo at pumasok na sa Ying De University kung saan isa akong scholar.

Ngayon na nga pala ang first day of class kaya panigurado makikita ko rito si Lei at yung dalawang long hair. Si Azi kaya dito na mag-aaral? Panigurado sa nangyari kagabi aalis na iyon at magpapakasal sa sinasabi ng lolo niya. Kailangan ko na rin siguro siyang kalimutan at ituon ang atensyon kay Lei. Tama tutal ang sabi ng lolo nila ay kay Lei nalang daw ako, bakit ba ako magrereklamo e matagal ko nang gusto si Lei? Hindi ko alam pero masayang-masaya ako.

Sa paglalakad ko ay ang sama ng tingin nila sa akin, 'yung iba ay binabato pa ako ng papel.

"Grabe naman 'yang basurang iyan, bakit ba siya nandito?"

"Dinudungisan niya lang ang paligid at ang pangalan ng ating unibersidad!"

"Tama, bakit pa kase isang mahirap ang nakapasok dito?"

"Korek, dapat ay nasa Guinness Book World of Record na tayo bilang Unibersidad na may pinakamamayamang estudyante sa buong bansa kaso nga lang dahil sa isang yan ay hindi tayo makapasok-pasok!"

"Kailangan paalisin na 'yan dito eh!"

"Oo nga! Oo nga!"

Ilan lang yan sa mga binabato nila sa king masasakit na salita. Tumakbo ako don at nagpakalayo sa kanila dahil hinahabol nila ako at binabato ng kung ano-ano. Pakiramdam ko maiiyak na ko e.

Naalala ko tuloy si Azi na laging nagliligtas sa akin kahit sandali lang kami nagkita.

Dumiretso na akong locker ko at nilagay ang librong hawak ko nang may humampas sa ulo ko.

Napahawak ako sa sakit at paglingon ko ay mga babaeng ang kakapal ng make-up at sobrang yaman.

"Bitch, get out of my way!" sabi nito sabay sampal sa mukha ko.

Napahawak ako sa sakit niyon at hindi pa sila nakontento dahil tinulak nila ako kaya napaupo ako sa sahig.

"What an ugly creature! Lumayas ka na nga dito! Gusto mo bang bumango ang pangalan mo at maamoy ng F3? No I should say F4 dahil nandito na si Azi."

dO___ob

Nandito na si Azi? Ibig sabihin dito siya mag-aaral?

"Kapag naamoy nila ang pangalan mo ay asahan mo nang maghihirap ang buhay mo dito dahil sa kanila kaya kung ako sayo get lost bitch!"

Tumayo ako nang sipain niya ako.

"Bakit ka ba ganyan ah? Bakit naman guguluhin ng F3 o F4 ang buhay ko e alam kong mababait sila! Tsaka wala naman akong ginagawang masama sa inyo ah?" pagkasabi kong iyon ay sinampal niya ulit ako. Ang dalawang alipores naman niya ay humawak sa mga kamay ko at pinagtulong-tulungan nila ako.

"Alam mo ba an sinasabi mo Sunshine? Baka nga kapag nakita ka nina Azi at Lei ay masuka sila sa pagmumukha mo!"

Humarap ako sa kanya. "Bakit naman nila gagawin iyon? Mabait si Lei at Azi! Hindi sila tulad ng iniisip mo dahil kasama ko si Azi kagabi!"

Natawa silang lahat sa sinabi ko. Akala ba nila nagbibiro ako?

"Nababaliw kana Sunshine! Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Si Azi kasama mo? Ano ka niya katulong? Hahaha."

"Assuming!"

"Hindi ka nila mapapansin lalo na si Lei at Azi dahil isa kang basura!"

Humarap ako sa kanila. "Kapag dumating sina Lei at Azi pati sina Mitsuwo at Zy Men ay isusumbong ko kayo!"

"Wow talaga Sunshine? Nakita mo 'yun? Si Lei 'yun diba? Ay wait. May kasama siyang sexy, aaawts. Ayan ba ang sinasabi mo Sunshine?"

Napalingon ako sa gawing tinuro nila at may kaholding hands nga si Lei na maganda at sexy.

Ang sakit. Pakiramdam ko maiiyak na ako sa nakikita ko.

Mas lalo pa akong nasaktan ng inakbayan niya ito at hinalikan sa pisnge.

Napaluha nalang ako bigla habang ang tatlo ay tatawa-tawa.

"Ilusyunada!" sabi nila at saka ako sinabutan ng malakas.

"Hahaha. Azi ang savior mo Sunshine? Si Lei? Si Azi? Asan sila?"

"O M G sis! Nandito si Azi."

"Papunta siya dito. Dali ayusin mo sarili mo."

dO___ob

Nandito si Azi? Isusumbong ko kayo!

Nanatili akong nakadapa habang nakikita ko na ang kanyang sapatos na nasa harap ko mismo.

"Hi Azi."

"Hi." tipid na sagot nito.

"Owemji pinansin niya ako!"

"Why not? You're hot at karapat dapat kang SAGUTIN." pagdidiin niya. Pakiramdam ko natamaan ako.

"Yiieee. Ay Azi wait, kilala mo ba 'tong babaeng 'to? Magkasama raw kayo kagabi? Totoo ba?"

Nag-angat ako ng tingin kay Azi. Akala ko tutulungan niya ako pero hindi man lang niya nagawang iabot ang kanyang kamay.

"Hindi ko siya kilala."

dO____ob

"Una na ako Girls, darating na ang Fiancee ko."

Tapos umalis na siya nang hindi man lang ako nililingon

Itutuloy...
PLEASE VOTE AND COMMENT!

MUNTIK NA KITANG MA-RAPE (COMPLETED)[EDITING]Where stories live. Discover now