KABANATA 6

9.3K 323 13
                                    

Dali-daling lumapit sa amin iyong dalawang long hair. "Azi gagawa kayo ng baby?" takang tanong ng long hair na may unat at bagsak na bagsak na buhok.

"Woaaaaaah, ang lupet mo talaga azi. Hahahaha." singit naman nung nakashades.

Niyugyog naman ako ng long hair. "Miss payatot tama ba ang narinig namin na g-gagawa kayo ng b-baby ni A-Azi??" tila hindi pa makapaniwalang aniya.

Sumunod naman iyong naka-shades. "Talagang kay Azi pa? Hahahaha. Sigurado ka ba boi?"

Boi? Mukha ba akong boi?

"Miss payatot, sigurado ka ba sa sinasabi mo? Si Azi pa talaga? Baka kay Lei maniniwala pa ako kung gagawa kayo ng baby pero kay Azi? Anong hinithit mo?" sarkastikong wika pa ng long hair na mukhang rebonded dahilan para mangunot ang noo ko. Ano bang problema kung gagawa kami ng baby ni Azi? Bakit mas pinaniniwalaan pa nila si Lei na kaysa kay Azi? Pakiramdam ko tuloy pulang-pula na ako kapag si Lei na ang makakasama ko, baka nga himatayin pa ako e.

"A-anong p-problema?" takang tanong ko.

Nagkatinginan naman silang dalawa saka natawa ng natawa. Sinamaan sila ng tingin ni Azi ngunit patuloy pa rin sila sa pagtawa.

Lumapit sa akin iyong naka-shades habang ang isang kamay ay nakapatong sa aking balikat habang ang isa ay nasa tiyan niya at nagpipigil ng tawa.

"Boi alam mo bang-- uhmmmp!" hindi na naituloy nong naka-shades ang sinasabi niya dahil agad sumugod si Azi para takpan ang kanyang bibig, dahilan para matigilan ako. Ano bang dapat kong malaman kay Azi?

"Uy, ano ba 'yun?" takang tanong ko ngunit hindi sila makasagot lalo na yung long hair na panay ang tawa. Napakamot nalang ako sa ulo ko, hindi dahil sa sumasakit na ito kundi sa pakiramdam ko may demonyong kuto ako. Pero ano ba talaga yung hindi ko alam na dapat kong malaman?

"Virgin pa si Azi."

Natigilan kaming lahat nang sabihin iyon ni Lei. Tila may dumaan na anghel dahil wala ni isa ang maririnig bukod sa pagtik-tak ng isang orasan. Napatingin ako kay Azi at halos pagbaksan siya ng langit at lupa dahil sa kanyang reaksyon. Ang ilang saglit pa'y nagpalit ang reaksyon nito at halos sasabog na siya sa galit. Sa tindi ng kanyang nadaramang galit ay sumigaw siya kaya naman nagsitakbuhan ang lahat pwera kay Lei. Bago pa man niya ako madiskitihan ay nagtungo na ako sa banyo.

"Virgin pa siya?" pagsasaisip ko. "Ay, ano bang pake ko? Bahala na nga."

Napagpasiyahan ko nalang magpalit ng damit pantulog na binigay niya sa akin. Terno ito na kulay pink na may desenyong mga pinya. Saan naman niya nakuha ang ganito?

Dahil alam kong hindi naman ako sasagutin ng mga sabong kaharap ko ay napagpasiyahan ko nalang lumabas.

Pagkalabas ko ay natututulog na ang dalawang long hair sa may mahabang couch. Hinanap ko si Azi pero wala siya. Ganun ba ako katagal nag banyo?

Naglakad nalang ako pero hindi ko inaasahan ang makikita ko. Halos mahulog ang mga mata ko nang makita ko si Lei sa may pinto at diretsong nakatingin sa akin. Ang lalim ng mga tingin niya na para bang inaalam sa kanyang sistema ang buong pagkatao ko. Pakiramdam ko malalagutan ako ng hininga ngayon dahil nakakapanlambot ang kanyang mga tingin.

Mas lalo pa akong nagitla nang magsimula na siyang maglakad papunta sa gawi ko.

dO____ob

*LUNOK!*

Napalunok ako lalo pa't ilang hakbang nalang ang layo niya sa akin.

Huminto siya sa harap ko at nakatingala ko siyang tinignan dahil ang tangkad niya at nanliliit ako. Napaatras ako nang lumapit pa siya ng mas malapit hanggang sa itapat niya ang kanyang  mukha sa akin.

MUNTIK NA KITANG MA-RAPE (COMPLETED)[EDITING]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora