KABANATA 60

3.3K 104 5
                                    

*LEI'S POV!*

Nandito na ako ngayon sa loob ng kotse ko dahil litong-lito na ako sa mga nangyayari at isa pa gusto ko na munang mapag-isa.

Napakasakit ng ulo ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising si Azi at ayoko mang saktan ang sarili ko pero posibleng hindi na siya magising. Ayoko nang umasa na magigising si Azi lalo pa't kinausap ako ng doctor na hindi na siya tatagal. Hindi ko sinabi kila Mitsuwo yun dahil ayokong mag-alala sila dahil sa aming lahat sila ang malakas ang paniniwala na mabubuhay pa si Azi.

Lintek talaga!

Kaya ako umaalis don ay dahil may iniimbistigahan ako. Alam kong hindi aksidenteng nabangga si Azi dahil sinadya iyon. Walang tanga ang magmamaneho sa daan kung tao lang ang dumadaan dahil may may daanan naman sa taas ng mga sasakyan kaya alam kong sinadya iyon.

May kutob na ako kung sino siya at sobra akong kinakabahan sa kaya pa niyang magawa. Hindi ko inaasahan na magagawa niya yon pero hindi na rin ako magtataka dahil alam kong naiinggit siya kay Azi o di kaya'y naghihiganti siya.

Ngayon lang ulit nangyari to na may nagbabalak na saktan si Azi. Kapag napatunayan kong siya talaga yon ay hindi ako magdadalawang isip na patulan siya at kahit ano pa ang pinagdaanan nila ni Azi lalo pa't ngayon na hindi pa siya nagigising.

Alam kong marami silang pinagdaanan ni Azi pero hindi sapat ang isang pagkakamali para saktan niya si Azi.

Nakita kong siya ang naglagay ng note sa noo ni Azi at hindi ko inaasahan na gagawin niya iyon lalo na nang magtama ang paningin namin. Binigyan niya lang ako ng matinding ngisi saka umalis gamit ang kanyang motor.

Hinabol ko siya gamit ang kotse ko pero isa ang nakapukaw ng atensyon ko na siyang nakagimbal sa akin ng matindi kaya napapreno ako ng malakas saka ko naman nabangga ang kung sinong peste sa expressway. Agad akong napaliko nang makita ko sa may sportscar ang taong matagal ko nang hinahanap. Ang taong matagal ko nang hinahanap at hindi ko inaasahang magkikita kami dito ngayon at sa Pilipinas pa.

Ang bestfriend ko.

Hinabol ko siya ngunit mabilis ang gamit niyang sportscar kaya hindi ko na siya naabutan pa.

Sa buong oras ko ay siya na ang hinahanap ko dahil ayokong palagpasin ang pagkakataong ito. Akala ko patay na siya pero nakita ko siya ulit.

Sa hospital naman ay nanlulumo ako nang makitang nakaratay pa rin si Azi na para bang natutulog lang. Gusto ko tuloy kunan siya ng litrato dahil ayaw na ayaw pa naman non ang kinukunan siya habang natutulog kaso para saan pa kung hindi na rin naman siya magigising?

Si Chairman naman ay nagpapagaling at hindi pa masyadong makatayo dahil tumaas ang blood pressure niya at inaatake siya sa puso.

Si Samantha naman ay tanggal ang dalawang ngipin sa harap at ayon iyak ng iyak dahil ang panget raw niya.

Sexy siya at maputi pero hindi ko sinabing maganda siya. Ang gusto ko ay yong babaeng simple lang at mas gumaganda kapag namake-up-an na tulad ni Sunshine. Si Chloe naman ay nagagalit na sa akin dahil hindi ko na raw siya nahaharap pero sigurado akong naiintindihan naman niya ako. Ang kinakatakot ay kapag nalaman ni Mommy itong lahat at bigla siyang umuwi. Hindi pa nalalaman ni mommy ang lahat dahil wala ni isa ang magtakang magsabi at isa pa hindi siya nakakausap ng basta-basta kaya kampante ako. Bawat isang segundo sa buhay niya ay isang milyon ang katapat kaya kung tatangkain mo siyang kausapin ay kailangan mong magbayad ng malaki. Ganun ka importante ang oras niya at kapag nalaman niya ang tungkol kay Azi ay mawawasak ang planet namic dahil sa tindi niyang magalit kahit simpleng paghinga lang ang gawin niya. Kahit si Majinbo pa ang itapat sa kanya at kahit pa magsanib si Goko at Vegeta ay wala rin. Maging ang super saiyan ay hindi siya kakayanin. Maging ang presidente ay mahihiyang kausapin siya at baka nga ipatanggal niya pa sa pwesto ito. Kapag ayaw ka ng mommy namin dapat sa isang tingin palang ay makuha ka na.

Maraming natatakot sa mommy namin lalo na kami ni Azi na mga anak niya. Kung masunget si lolo ay higit na mas masunget si mommy at kapag ikaw ang nakagawa ng hindi niya gusto, ikaw na mismong magvolunteer na magbigti.

Kaya ayoko si Sunshine kay Azi dahil posibleng kamatayan ang naghihintay sa pag-ibig nila lalo pa't kung nakarating ito kay Mommy. Mayaman sina Samantha at sila halos ang may-ari ng 300 thousand malls sa America at nagmamay-ari rin sila ng mga 5 star hotels at mga sikat na pag-aari..

Nakipagdeal ang pamilya nila na ipakasal siya kay Azi kapalit ng malaking halaga na shares nila sa pamilya namin na kung sa tutuusin ay barya lang ni mommy. Hindi ko alam kung bakit pa niya kailangang ipakasal si Azi e mayaman naman na kami.. Siguro ay kailangan sila para mapagtibay ang koneksyon sa iba't-ibang lugar.

Tungkol naman kay Sunshine.. Sino kaya ang lalaking kasama niya?? Kinakabahan ako!

d>>_<<b

Nakita ko ang security kaya lumabas ako ng kotse ko at lumapit sa kanya.

"Manong pwede ho ba magtanong??" magalang na sabi ko.

"Nagtatanong ka na diba?"

dO__ob

Potek!

d>>_<<b

"Manong pwede ho ba makita ang mga CCTV niyo dito? May kailangan lang akong panoorin." seryosong sabi ko.

"Walang problema halika."

Dumiretso kami sa opisina nila at doon binuksan niya lahat ng CCTV na konektado sa lugar kung saan nangyari ang krimen sa mga estudyante.

Nakita ko kung paano isa-isang pinana ang mga estudyante ngunit hindi nakuha sa video kung sino ang pumapana. Bigla namang lumakas ang kabog ng puso ko nang makita kung sino ang sunod na lumabas at agad na tinulungan si Sunshine.

"Hindi pwede to!! Hindi pwede!! Siya ang tumutulong kay Sunshine?? Bakit?? Nanganganib si Sushine at Azi!! Bakit siya pa??!"

Itutuloy...
PLEASE VOTE AND COMMENT!

MUNTIK NA KITANG MA-RAPE (COMPLETED)[EDITING]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora