KABANATA 79

2.7K 96 1
                                    

"Azi hindi! Ano bang sinasabi mo?? Wala kaming masamang ginagawa ni Ken--Mi-Miguel-- Ng b-bestfriend mo.. Maniwala ka Azi.. Azi alam mo namang mahal na kita diba?? Azi please ang tagal kitang hinintay 'wag naman ganito.. Azi please nagmamakaawa ako, 'wag kang lalayo.. Hindi mo alam ang lahat ng hirap na dinanas ko ng mga panahong wala. Azi mahal na kita oo at ayokong mawala ka pa sa akin ulit dahil lang sa nakita mo lalo pa't ngayong natatandaan mo na ako." pagkasabi kon iyon ay dali-dali akong tumakbo palapit sa kanya saka siya niyakap ng napakahigpit. Akala ko aawayin niya ako't papalag siya pero hindi dahil hinayaan niya lang yakapin ko siya kaya mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap ko. Akala ko hindi na mangyayari ang ganitong eksena, ang mayayakap kong muli si Azi. Halos dalawang buwan ang tiniis ko wag lang siyang makita dahil nakabantay ang lolo niya't si Samantha. Ngayong nasa harap ko na siya kahit pa si kamatayan ang namamagitan sa amin wala na akong pakealam. Handa akong lumaban basta wag lang mawala sa akin si Azi dahil hindi ko na kakayanin pa. Tama na yung dalawang buwan na hindi ko siya nakikita ng malapitan at nahahawakan.

Pinakiramdaman ko si Azi at nakita ko ang paggalaw ng kanyang balikat, senyales na umiiyak siya. Ni ang gantihan ang yakap ko ay hindi niya magawa kaya alam kong galit siya sa akin pero wag naman sana. Wag naman.

T______T

"Sunshine bitawan mo na ako."

dO___ob

d>>_<<b

Sa sinabi niyang iyon ay mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kanya na para bang wala nang bukas. Ayokong marinig ulit mula sa kanya ang mga katagang ayokong marinig. Ayoko..

"Azi, 'wag ganito." nagmamakaawang sabi ko. Ni punasan ang luha ko ay hindi ko magawa dahil ayokong tanggalin ang aking mga kamay na nakapulipot sa kanyang katawan.

"Sunshine tama na. Itigil mo na 'to. Itigil na natin 'to."

dO___ob

*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG
*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG

Bigla nalang akong natumba sa sahig nang itulak ako ni Azi nang napakalakas. Napasubsob ako sa sahig sa sobrang lakas at bahagyang natamaan ang aking leeg kaya hindi ko maiwasang mamilipit sa sakit. Pinilit kong hindi ipakita iyon kay Azi kahit ang totoo'y para na akong kinakatay sa sobrang sakit.

Biglang sumama ang tingin niya sa gawi ko kasabay non ang pagdating ng iika-ikang Ken na agad akong tinulungan tumayo.

Inalalayan ko rin siya kahit hirap na ako. "Ken ayos ka lang ba? Natamaan ka ng pana baka mamatay ka." kabadong sabi ko. Ngumiti siya sa akin na para bang wala siyang dinaramdam. Hindi na rin siya gaanong namimilipit sa sakit hindi tulad nung una pero nandon pa rin ang sakit at iika-ika siyang maglakad.

Ginulo-gulo niya ang buhok ko. "Wag mo akong alalahanin Sunshine, sinabi ko naman sayo diba na isa akong scientist? Wala 'to, wag mo akong alalahanin. Ikaw kamusta ka??" napalingon siya sa leeg ko. "Napano 'yan Sunshine?? Bakit nakikita ko na ang laman mo? Sino ang may gawa niyan? Sunshine ayos ka lang ba??" aligagang sabi niya saka hinawakan ng bahagya ang aking leeg. Napaiwas ako ng maramdamang kumirot iyon.

"Yan! D'yan kayo magaling e ano? Lalo ka na Miguel!" bigla akong napaatras ng makita kong sinapak ni Azi si Ken. Agad na tumumba si Ken at tumalsik ang ilang parte ng kanyang dugo.

Tila naestatwa ako sa kinatatayuan ko ng gumanti ng suntok si Kenat sinuntok rin si Azi sa mukha. Natamaan si Azi pero di kalaunay agad niyang tinadyakan ang sikmura ni Ken. Hindi na ako magtataka kung bakit hindi agad makatayo si Ken dahil sa lakas ba naman ng sapak ni Azi. Galit na galit siya at sa tingin ko sa awra niyang iyon ay mapapatay niya si Ken. Para siyang si Goku na nagsuper saiyan 4.

Bumangon si Ken at sinubukan ulit siyang sugurin ni Azi ngunit ganon nalang kadali sa kanyang mapahinto nang hawakan ko siya sa kamay upang pigilan. Hindi niya ako nilingon pero batid ko pa ring natigilan siya. Ngayon ay kitang-kita ko na ang kabuuan ng kanyang hitsura. Punit-punit ang kanyang damit, may mga pasa sa iba't-ibang parte ng katawan at puro mga dugo ang nagkalat sa gilid ng kanyang mukha. Para siyang sumabak sa matinding giyera dahil ang pine-apple niyang buhok ay parang pinasabugan.

"Ano bang problema mo ha, Azi?" wika ni Ken saka pinunasan ang gilid ng kanyang labi.

Napasinghal si Azi at ramdam na ramdam ko ang galit sa kanyang loob.

"Problema ko? Alam mo 'yan, Miguel! Nong nasa states palang tayo alam mo na kung ano ang problema ko! Darating ka dito tapos ano? Kukunin mo rin si Sunhine?  Ibang klase ka rin ano?!"

dO___ob

Tunay ngang magkaibigan sila dati. Si Ken ang bestfriend ni Azi sa states na tinutukoy ni Lei. Ibig sabihin kilala ni Lei si Ken o si Miguel?? Sa pagkakatanda ko, magbestfriend sila sa ibang bansa at dahil sa isang babae nag-away raw sila't nagkahiwalay. Kaya pala hindi kila ni Mitsuwo at Zy Men si Ken dahil hindi pa sila nagkikita nito mula ni minsan. Sa pagkakatanda ko, nabuo ang F4 nang maghiwalay ang magkaibigang Azi at Miguel.

Itutuloy...
PLEASE VOTE AND COMMENT!

MUNTIK NA KITANG MA-RAPE (COMPLETED)[EDITING]Where stories live. Discover now