Ikapito

796 30 0
                                    

Ikapito

Isang buntong hininga ang akin munang pinakawalan bago tanggalin ang aking sombrero at kumatok sa pinto. Isa iyong araw ng Huwebes, maganda ang sikat ng araw sa silangan at tuloy pa rin sa pamumuhay ang mga mamamayan ng Ail Veronia.

Isang mensahe ang aking natanggap mula sa heneral kaya't kaagad akong pumunta dito sa aming himpilan upang malaman ang nais niyang sabihin.

"Magandang umaga." Bati ko nang makapasok sa loob. Isang pamilyar na amoy ang bumati sa akin. Ang amoy ng mga dokumento ng kaso, amoy ng mga luma ngunit matitibay na kahoy at hindi mawawala ang usok ng tabako.

"Magandang umaga, Teniente Guerrero." Bati sa akin ni Heneral Garcia. May ilang pulis na nasa piligid at tinanguan ako. Tuloy-tuloy akong pumasok at dumiretso sa kaniyang mesa. May binabasa itong dokumento ngunit binaba niya ito upang ituon ang pansin sa akin.

"Bakit niyo ako pinatawag?" Magalang na tanong ko. Kinuha niya ang tabakong nakasalpak sa bibig at ibinuga ang usok na mula sa kaniyang bunganga.

"Isang mensahe ang pinaabot ng emperador ngayon lang."

Galing sa emperador? Ano kaya ito?

=====

"Hmmm hmm," Abala ako sa pagpupunas ng sahig ng silid-aralan at humihimig ng isang awiting naririnig ko noong bata pa ako.

Ah! Isang panibagong araw, isang panibagong pag-asa!

Pag-asa na sana may pumasok nang estudyante dito sa aking paaralan huhuhu!

"Bakit yata bigla kang nanlumo, Binibining Olivia?" Naagaw ni Francisco ang atensyon ko nang bigla siyang magsalita. Tumigil ito sa kaniyang pagpupunas at nakatuon ang pansin sa akin.

"Eh kasi naman hanggang ngayon ay wala pa ring gustong pumasok sa aming paaralan. Iniisip ko tuloy kung ano pa bang pagkukulang ko." Buntong-hininga ko.

"Sa tingin ko ay wala ka naman pagkukulang, Binibining Olivia." Tila lumundag ang puso ko sa sinabi ni Francisco.

"Talaga?!" Umaasang tanong ko ngunit agad din akong napaisip. "Pero kung wala, bakit walang nagpupunta rito upang mag-aral?" Nagtatakhang tanong ko.

"Baka naman masyado pang maaga upang isubsob mo ang iyong sarili sa pagtuturo. Hayaan mo at dadating din ang panahon na sila na mismo ang lalapit sa iyo!" Nakangiting sabi nito kaya't hindi ko napigilang mapangiti rin. Tama siya. Hindi ko kailangan puwersahin ang pagkakataon.

"Olyang! Gutom na ako!"

"Hay, ako rin! Bilisan niyo nga diyan para makakain na tayo!" Mabilis nagbago ang ekspresyon ng mukha ko. Bwisit! Ang aga-aga sira na ang araw ko!

Sa inis ko ay binato ko ang hawak na basahan kina Antonio at Kurio na nakasalampak sa sahig at todo hilata. Natatawa na lang na napakamot ng ulo si Francisco.

"Kung tinutulungan niyo kaya kami dito?! Hindi iyong kanina pa kayo nakahiga dyan!" Umuusok na ang ilong ko sa inis. Hay! Wala yatang araw na hindi pinapainit ni Antonio ang ulo ko. Ngayon naman ay dumagdag pa si Kurio.

"Bakit ba ang hilig mong manakit ha, Olyang?" Bulyaw sakin ni Kurio. Binigyan ko siya ng isang matulis na tingin.

"Pwede bang sumunod na lang kayo?!" Balik ko sa kaniya. Hay naku, kahit anong pilit kong maging kalmado kapag silang dalawa ni Antonio ang humirit nawawala kaagad ang pasensya ko.

Pinagmasdan kong sumimangot si Kurio at tumayo hawak-hawak ang basahan na binato ko.

"Hoy, tumayo ka na diyan. Tss." Walang gana at nayayamot nitong sabi. Lihim akong napangiti. Akalain mong nakikita ko pa rin sa kaniya ngayon ang batang Kurio na kalaro ko dati?

1876Where stories live. Discover now