Ikawalo

756 24 2
                                    

Ikawalo

"Hindi mo naman nakakalimutan ang laban na hinihingi ko hindi ba?"

"Hindi ko nakakalimutan."

"Tungkol ito kay Soriano."

"Francisco, ayos ka lang?" Sa isang iglap ay nawala ang mga boses na naglalaro sa isip ko kanina pa. Ibinaling ko sa kaliwa ang aking ulo upang makita si Binibining Olivia. Nginitian ko ito. Tapos na siguro silang mag-ikot sa buong palasyo.

"Binibining Olivia ikaw pala." Lumapit naman siya sa akin. Sumasabay sa kaniyang bawat galaw ang mahaba niyang itim na buhok na nakatali ng puting panyo. Ang mga yabag niya ay walang tunog at magaan ang bawat hakbang ngunit hindi mahinhin ang mga kilos niya. Hindi malamya, hindi matikas. Sakto lang.

"Malalim yata ang iniisip mo? Bigla na lang kayong nawala ni Kurio kanina. Nagtaka tuloy kami ni Antonio." Patuloy niya noong magkaharap na kami.

"Tungkol ba iyon sa pinag-usapan ninyo ng emperador?" Unti-unti ay bumalik ulit sa isip ko ang naging pag-uusap namin ng emperador kanina.

"Kurio, tungkol ito kay Soriano." Iyon pa lamang ang mga salitang binanggit ng emperador pero masyado nang naggagalaiti si Kurio sa galit. Pansin ko ang pagyukom niya ng kamay.

"P-Paano—paano siya nakatakas?!" Naguguluhang sabi nito. Mabilis uminit ang ulo niya, halata ko na ito unang beses ko pa lang siya makita.

"Tulad nang sinabi ng mga pulis maaaring may tumulong sa kaniya noong makaalis kayo" Tugon ng emperador. At sino naman kaya ang pwedeng tumulong sa kaniya?

Hindi na ako magugulat. Maduming maglaro si Soriano at sigurado akong mas higit ang taong tumulong sa kaniya.

"Kasalanan ko ito, dapat mas naging maingat ako." Sisi ni Kurio sa sarili niya.

"Nangyari na ang nangyari. Nakatakas na si Soriano, ang tanging magagawa na lamang ngayon ay hanapin siya. Ngunit tandaan mo Kurio isa kang tauhan ng pamahalaang ito huwag mong hayaang lamunin ka ng kasong ito. Hindi lang si Soriano ang trabaho mo." Wika ng Kamahalan bago ito tumayo sa kaniyang trono.

"Francisco," Tawag nito sa akin kaya tumingin naman ako sa kaniya.

"Ngayong mas malapit na ang koneksyon natin inaasahan kong matulungan mo kami sa pagpapanatili ng kaayusan ng Ail Veronia." Tumango naman ako.

"Makakaasa kayo." Hindi iyon salita. Isa iyong pangako.

"Bakit hindi ninyo ako saluhan sa pag-inom? Isa na rin itong pagpapakita ng pagtanggap ko sa inyong pananatili dito." Nanlaki naman ang mga mata ko. Sa aking balintataw ay pasimple kong pinagmasdan ang paligid. Kita rin ang gulat sa mata ng ibang kawal at sundalo. Sino ba naman ang hindi magugulat? Niyaya ng isang emperador ang mga simpleng tao gaya namin na uminom!

Hindi ito pangkaraniwan!

"Sigurado ka? Sabi mo iyan ha!" Minsan ay humahanga ako sa pagiging mayabang ni Kurio, napakadirekta niyang magsalita. Akala mo ay hindi may kapangyarihan ang kausap niya.

"Oo naman. Sumunod kayo sa akin."

Sumunod nga kami ni Kurio. Kahanga-hanga ang laki ng lugar. Palagay ko ay hindi kami magkikita-kita sa palasyong ito. Pumasok naman sa isip ko sina Binibining Olivia. Siguro ay namamasyal na sila ngayon sa kabuuan ng palasyo. Hindi nga pala namin nagawang makapagpaalam sa kaniya. Sana ay hindi siya nag-aalala.

1876Where stories live. Discover now