Ikadalawampu't-walo

310 19 4
                                    

Ikadalawampu't-walo

"Bakit patuloy mo pang hinahanap si Francisco kung nandito naman ako!"

Naiyukom ko ang aking palad at nagngingitngit sa inis na isinandal ang aking ulo sa kaliwang kamay.

Bwisit!

Kahit anong gawin kong pagpapakalma sa aking sarili o kahit ilang beses pa akong huminga ng malalim upang gumaan ang aking pakiramdam ay hindi naiwawaksi sa aking isipan ang nangyari kanina.

Kasalanan ko ito!

Napapikit ako ng mariin at tila ba muli kong narinig ang malutong na sampal na aking nakuha mula kay Olivia. Tila pinipiga ang aking puso sa tuwing nakikita ko sa aking balintataw ang gulat at takot sa kaniyang mata.

Umalis siya ng walang sinasabi at iniwan akong nabibigla. Ni hindi ko siya nagawang hawakan dahil sa kaniyang biglang paglayo. Ngunit gayunpaman, kahit alam kong kinamumuhian na ako ni Olivia ay wala akong pagsisisi sa aking ginawa. Wala.

Sa wakas ay naamin ko rin sa kaniya ang matagal ko nang pilit na itinatago. Gusto kong malaman niya na nandito ako, na hindi ko siya iiwan at lagi ko siyang poprotektahan. Makasarili mang isipin ngunit sinadya kong isabay ang aking pag-amin sa nangyayari ngayon.

Patawad Olivia...

Ngunit hindi ko na kayang itago pa sa iyo ang aking pagmamahal. At ngayong wala si Francisco, nais ko ng samantalahin ang pagkakataong mayroon ako.

Ang kinatatakot ko lamang ay ang muling pagtatagpo ng landas natin. Dahil alam kong lalayuan mo ako. At isipin pa lang ang bagay na iyon ay tila unti-unti na akong nilalagutan ng hininga.

"Kamahalan" Pumasok si Macario sa aking silid.

"Nakatanggap ang mga kapulisan ng balita na may nangyaring pandarambong ngayong hapon lamang sa bayan ng San Joaquin. At ang mga sinasabing sangkot dito ay ang mga puganteng dumukot kay Ginoong Isagani" Ibinaling ko sa kaniya ang aking paningin.

"Macario" Saglit ko siyang pinakatitigan bago muling magsalita.

"Bilang isang emperador ba ay kailangan ko laging unahin ang ibang tao kaysa aking sarili?"

"Kamahalan saan ninyo nakuha ang pasa sa inyong pisngi?!" Napahawak naman ako sa gilid ng aking labi kung saan naiwan ang pasang ibinigay sa akin ni Kurio. Hindi ko na sinagot si Macario at muling nagsalita.

"Sa bigat ng aking tungkulin ay nakalilimutan ko na kung paano mamuhay ng isang normal na mamamayan... kung sabagay ay hindi naman nangyari iyon simula pa lang" Dugtong ko. Hindi tama na pinagdududahan ko ang aking posisyon, mahal ko ang pagsisilbi sa aking bayan. Ngunit minsan ay darating din pala sa ating buhay na kukwestunin mo ang iyong sarili.

"Ipagpaumanhin mo Kamahalan, maaari ba akong magsalita bilang iyong tagapaggabay?" Tinanguan ko naman siya.

"Juan, alam kong mahirap ang iyong pinagdaraanan bilang isang tao. Iba't-iba ang iyong tungkulin sa bayang ito at naiintindihan ko na ika'y napapagod din. Ngunit pakiusap, huwag kang panghinaan ng loob. Tama ang iyong ginagawa bilang emperador ng Ail Veronia"

"Ngunit pagdating sa personal kong suliranin ay mali ang aking mga hakbangin" Dugtong ko. Saglit akong nanahimik habang pinakiraramdaman ang aking sarili.

At nang makuha ko ang sagot sa aking suliranin ay agad akong nagsalita.

"Macario..." Napahigpit ang aking mga kamao at pinakatitigan ko ito. Ang pakiramdam na ito, lagi na lamang itong sumusulpot upang hadlangan ang aking pansariling intensyon.

1876Där berättelser lever. Upptäck nu