Ikalabing-apat

495 21 3
                                    

Ikalabing-apat

"Tss!" Iyan kaagad ang unang lumabas sa bibig ko nang makatuntong kami sa labas ng tarangkahan ng dambuhalang mansyon ni Montejo. Umaakyat kaagad sa aking ulo ang pagkairita dahilan para sipain ko ang bakal nitong tarangkahan.

"Bwiset! Nakakainis talaga kapag nagpapanggap ang hayop na iyon na inosente!" Nagpalakad-lakad ako habang pinagmamasdan ang loob ng teritoryo niya habang si Francisco ay nakatayo lamang at hindi umiimik.

"Para silang mga tanga! Kitang-kita naman tayo mula rito pero hindi sila umaatake! Mga mangmang!" Ilang segundo matapos kong sabihin iyon ay walang lumabas kaya't sinipa ko ng buong lakas ang tarangkahan kaya nasira ito at sumugod kami ni Francisco na kasing bilis ng bandidong tumatakas sa kamay ng mga may kapangyarihan.

At katulad ng inaasahan, lumabas ang mga gunggong na tauhan ni Montejo sa bawat sulok ng mansyon, hardin at kahit sa mga poste at parang mga hangal na asong inaatake kami. Ang iba'y armado ng mga baril ngunit mas marami ang may patalim at bolo. Gumuhit ang ngisi sa aking labi.

"GANIYAN NGA MGA ULOL! SUNDIN NIYO ANG WALANG UTAK NIYONG AMO!" Sa tuwing naaalala ko ang kalagayan ng maraming mamamayan at kung gaano kahirap para sa kanila ang ginawang panlalason ng baliw na iyon ay sumisiklab talaga ang galit sa aking puso! Wala siyang awa!

Magkahiwalay kami ni Francisco dahil sa dami ng mga sumusugod sa amin. Tila sila'y mga paniki na hindi nauubos at tuloy-tuloy sa pagsugod. Kaliwa't-kanan din ang alingawngaw ng pagputok ng baril at dahil pinanganak akong swerte at magandang lalaki...

Balewala ang pagbaril nila sa akin.

Matapos mapatulog ang isa ay mabilis akong tumakbo upang pigilan ang asungot na babarilin sana si Francisco na siyang hindi na halos makita dahil natatabunan ng mga taong sumasalakay sa kaniya.

"A-Ah!" Halos mapatalon ito nang makarating ako sa harap niya at hindi alam kung saan tatakbo kaya't agad ko na siyang pinaulanan ng suntok at kinuha ang kaniyang baril upang itutok sa kaniya.

"H-Huwag po!" Maigi kong binubusisi ang baril. Aba, ang ganda nito ah!

"Hindi ko tipo ang mga lalaki." Walang abog na sagot ko. Tsk kung maka-huwag po siya para siyang binabae. Kinikilabutan tuloy ako.

"Nasaan si Montejo?" Umupo ako sa harap niya habang nakaabang sa kaniya ang baril nakasandal sa balikat ko.

"SAGOT!" Ipinutok ko ang bala sa dakong itaas upang mas takutin siya.

"WALA AKONG ORAS MAKIPAGLARO KAYA SABIHIN MO NA!"

"N-Nasa pinakahuling palapag ng mansyon! Sa dulong silid sa kanan na may pinakamalaking pinto!" Tumayo ako at sinipa ang lalaki sa pagtulog. Ayoko talaga ng maraming paandar. Sasabihin din naman pinapatagal pa. Nilingon ko si Francisco na siyang nag-iisang nakatayo na lang sa lahat ng lalaking nagbigay salubong sa amin kanina.

Napasipol naman ako. Aba! Kakaiba din talaga ang isang ito.

"Hoy Francisco! Nasa loob daw ang unggoy!"

Ito na ba ang paghahandang ginawa nila? Walang kwenta! Ni hindi nga ako pinagpawisan.

"Kurio ilag!" Sa oras na nakatapak kami sa loob ng kaniyang mansyon ay mga bala naman ang siyang sumalubong sa amin.

Hahaha! Ito ang masasabi ko na nakakasabik!

=====

"Antonio, heto uminom ka muna." Inalalayan ko si Antonio upang makaupo at makainom ng malinis na tubig. Naghanda na rin kami ni Amelia ng pagkain upang magkalaman ang kanilang sikmura. Bawat tatlumpung minuto ay kailangan namin silang suriin at bigyan ng malinis na tubig upang maiwasan ang pagkalat ng inpeksyon dulot ng lason.

1876Where stories live. Discover now