Espesyal na Kabanata I: Ang Doktor at ang Kasunduan

715 24 0
                                    

Espesyal na Kabanata I

Ang Doktor at ang Kasunduan
(Unang Bahagi)

Tila pinagbagsakan ako ng langit at lupa. Hindi ko mapigilan ang aking pagnguso sa tuwing naaalala ko iyong nangyaring kamalasan sa akin ngayon.

Hindi ko maintindihan, malakas naman ang aking dating, lubos na may hitsura, malakas, at magaling. Kay taas din ng kalangitan at napakaaliwalas ng panahon, magaan din naman ang hangin at walang anumang pagbabadya ng masamang panahon.

PERO BAKIT ANG MALAS KO NGAYONG ARAW NA ITO?!

Nakapamulsa kong binabagtas ang daan papunta sa bahay ni Olyang habang banga-banga ang malinamnam na mamong ibinigay ng isang matandang babae sa akin kanina.

Argh bwiset talaga! Natalo na naman ako sa sugal. Aahhh! Sigurado akong may daya iyon! Lahat ng aking itinataya ay nakukuha ng aking kalaban.

Hay... sa dami ng aking itinaya ay wala nang natirang salapi upang maipangbili ko ng pagkain. Huhuhu isang hulog ng langit iyong lolang nagbigay sa akin ng masarap na mamong ito! Siguro'y napagkamalan na niya akong pulubi. Tss kasalanan ito noong laro eh. Hindi na ako magpapatalo sa susunod.

Kagat-kagat ang tinapay sa aking bibig ay napahinto ako upang tumingin mula sa labas ng isang tindahan. Tila napuno ng puso ang aking mga mata at halos maglaway na ako sa pagtitig sa mga kakaning kanilang tinitinda. Hindi maalis ang aking paningin sa ensaymadang nakabihag ng aking mata at tiyan ngunit nang mapadako ang mata ko sa presyo nito ay naiuntog ko na lamang ang aking noo sa salamin.

Ang mahal.

Bagsak ang balikat akong naglakad muli. Puro kamalasan na lang huhuhu!

Siguro ay hindi lamang talaga ito ang araw ko. Nagkibit-balikat na lang ako sa aking naisip at bumalik sa pagkain ng mamon. Pilit kong ibinabaling ang aking atensyon sa ibang bagay tulad na lamang ang pagmamasid sa mga puno sa paligid o mga batang naglalaro.

Napailing na lang ako. Kita mo nga naman, parang walang nangyaring kaguluhan noong mga nakaraang buwan. Halos hindi na makita ang mga bakas ng nangyaring digmaan. Kakaiba talaga si Juan, matinik.

Ngunit sa babae ay hindi wahahahaha!

Halos magtatatlong buwan na ang nakalipas matapos ang nangyaring paglalaban sa pagitan ng pamahalaan at mga kapanalig noong Leandrong iyon. Nakabangon nang muli ang bayan at nagpapatuloy sa pagtakbo ng kinagisnang sistema.

Hah! Hindi naman sa pagmamalaki ano? Ngunit isa lang naman ako sa mga mababangis na bayaning buhay na nakipaglaban para sa Ail Veronia. Ang magarang tabak-toyok na gantimpala ni Juan ang aking katibayan.

Teka...

Saglit akong napahinto nang may mapagtanto at nahampas na lamang ang aking noo.

"Ano ka ba Kurio, kaya ka binigyan ng mabait na matanda ng mamon ay dahil kilala ka niya! Sikat ka!" Kausap ko sa aking sarili.

Napapangisi na lamang ako at napailing. Iba talaga ang karisma ni Kurio. Hay, kung minsan ay mahirap din itong panindigan dahil masyadong maraming binibini ang nahuhumaling---

"HOY!" ANAKANANG BUNTANTING!

Inilang hakbang ko ang karwaheng muntik nang sumagasa sa akin at hinampas ang pinto nito.

"MUNTIK NA AKONG MASAGASAAN!---"

"Je suis vraiment désolé, Monsieur!"

Lahat ng aking sasabihin ay tila nagkabuhol-buhol at tila ba bigla na lamang umurong ang aking dila.

1876Where stories live. Discover now