Ikalabing-anim

523 19 2
                                    

Ikalabing-anim

"Binibining Amelia Alonzo, ikaw ay aming iniimbitahan upang humarap sa husgado ukol sa nangyaring insidenteng noong nakaraang gabi."

Dito nagsimula ang aming umaga nang may mga pumuntang sundalo upang dakpin si Amelia.

"Ano? Ngunit wala namang kasalanan si Amelia!" Tutol ko. Isa iyong araw ng Martes matapos ang nangyaring panlalason ni Montejo sa bayan. Ang akala ko'y balik na sa normal ang lahat ngunit hindi pa pala.

"Ipinadala ba kayo ng emperador?" Tanong ni Francisco. Nagtama ang paningin namin ni Kurio na nakasandal sa may tarangkahan at kaagad siyang umiwas ng tingin.

Ang ibig bang sabihin noo'y totoo ang sinasabi nila?

"Pasensya na Olyang, ngunit kailangan naming imbistigahan ang inyong kaibigan." Saad din ni Ginoong Guerrero. Naramdaman ko ang kamay ni Francisco sa aking likod.

"Huwag kayong mag-alala, inaasahan ko na itong mangyari." Wika ni Amelia. Wala kaming nagawa kung hindi ang panoorin siyang umalis kasama ang mga sundalo ng pamahalaan.

Malinaw na walang kasalanan si Amelia kaya para saan pa ang pag-iimbistiga nila? Kahit naiinis ay hindi ko ginawang magmukmok o manlumo sa tabi. Ang sabi ni Amelia ay huwag kaming mag-alala. Positibo akong hindi siya makukulong at makababalik siya sa amin ng ligtas.

Tinapik ko si Antonio gamit ang espadang kahoy na hawak ko. Kanina pa kasi siya tulala at tila malaki ang galit sa lupang tinititigan niya.

Napansin ko rin na kanina pa siya tahimik simula noong makaalis sina Amelia.

"Bakit titig na titig ka sa lupa?"

"Hindi ito patas, dapat ay hindi nila dinakip si Amelia! Siya ang tumulong sa atin!" Muli ko siyang tinapik at ngayo'y mas malakas kaya napaaray na siya.

"Bakit ba apektadong-apektado ka? Siguro'y may gusto ka sa kaniya no?" Pang-uuyam ko. Natawa ako sa sarili kong sinabi. Wahahaha! Ano ka ba naman Olyang, kung anu-ano ang pinagsasabi mo!

Napatigil ako sa pagtawa nang mapansing hindi gumawa ng kahit anong pagtutol o ingay si Antonio bagkus ay namumula ang kaniyang pisngi!

"Woy! May gusto ka kay Amelia?!"

"Huminahon ka, Binibining Olivia. Paghanga lamang siguro ang nararamdaman ni Antonio, hindi ba Antonio?" Sambit ni Francisco habang nagsasampay ngunit sa pangalawang pagkakataon ay hindi nagsalita si Antonio at siyang bumuntong hininga lang. Nagkatinginan kami ni Francisco na nanlalaki ang mga mata.

Talaga namang---!

"Mukhang gusto ko nga talaga siya, Olyang." Bumagsak ang aking panga sa narinig. KAY ANTONIO BA TALAGA GALING IYON?!

"Francisco, pakisampal ako."

Sa tingin ko ay nananaginip lang ako. Anong nangyari kay Antonio at ganito siya kumilos ngayon? Masyado siyang kakaiba na akala mo'y buong problema ng mundo ang dala-dala niya.

"Ahehehe," Natawa na lamang si Francisco habang napapakamot.

"Huwag niyo nga akong pagtawanan! Hindi na ako bata! Saka isa pa, hindi ba kayo nag-aalala? Baka makulong si Amelia!" Inunahan na ako ni Francisco na magsalita.

"Gaya mo ay nangangamba rin kami para kay Binibining Lia. Ngunit tulad nga ng sabi niya ay wala tayong dapat ipag-alala, isa pa ay marami ang naniniwalang siya'y inosente." Pagpapagaan niya ng loob nito. Inakbayan ko si Antonio at ginulo ang buhok niya.

"Kabisaduhin mo muna ang abakada bago ka umibig wahahaha!" Tinapik niya ang kamay ko. Napanguso ako. Kung makapalo naman ito! Akala mo'y seryosong-seryoso ang kaniyang problema!

1876Where stories live. Discover now