Ikadalawampu't-pito

442 20 1
                                    

Ikadalawampu't-pito

"Ilang oras pa ay magsisimula na ang malawakang paghahanap ng mapangangasawa ng aking pamangkin na si Juan. Ayoko ng anumang aberya, naiintindihan ninyo? Ang lahat ng mga dukhang umaasang mapili ay kaladkarin ninyo paalis! Nagkakaintindihan tayo?"

Maaga pa lamang ngunit napupuno na ng hindi magandang awra ang buong palasyo. Napansin ko ang pagkakatinginan ng mga kawal at pag-aalangan sa kanilang mga mata.

"SAGOT!"

"O-Opo!"

Nag-aalala ako kung hindi magagawang mapatigil ito nina Olivia at Juan. Babagsak ang Ail Veronia kapag mapunta ang korona kay Binibining Solidad. Tumalikod na ako at pumunta sa kusina upang ihanda ang pagkain ng Kamahalan at bitamina na kailangan niyang inumin.

"Tila pagod ka, Amelia. Hindi ka ba nakatulog ng maayos kagabi?" Puna ni Ginang Nora habang kasalukuyan ko siyang tinutulungan sa paghahanda ng pagkain ni Juan.

"Normal lamang po ang pagod para sa isang doktor na gaya ko. Huwag po kayong mag-aalala, Ginang Nora. Ang mas kailangan po nating alalahanin ay kung paano po mapipigilan si Binibining Solidad" May panghihinayang kong saad. Kinuha ko naman ang mga plato nang matigilan sa winika ni Ginang Nora.

"Ganoon ba? Ngunit napapansin ko na sa tuwing kasama mo si Kurio ay hindi bakas ang pagod sa iyong mukha" Napaawang ang aking labi at ang sumunod ay ang tunog ng nabasag na plato.

"Ah!" Singhap ko nang mapagtantong nabitiwan ko ang platong aking hawak.

"Naku!"

"Pasensya na po" Mabilis akong yumuko upang pulutin ang mga bubog ngunit ang mahinang pagtawa lamang ni Ginang Nora ang narinig ko. Napakunot ang aking noo.

Ano bang sinasabi niya? Nais niya bang iparating na masaya ako kapag kasama ko ang utak-hangin na si Kurio? Sinusubukan yata akong patawanin ni Ginang Nora.

"Pagpasensyahan mo na kung ganoon ang ugali ni Kurio, Amelia. Ganoon lamang talaga ang batang iyon, ngunit sa totoo lang ay masiyahan at mabait siya"

"Ubod nga lang ng kayabangan" Dugtong ko naman sa sinabi ni Ginang Nora. Matapos malinis ang kalat ay tumayo na ako at nagpaalam kay Ginang Nora na tutungo na sa silid ni Juan.

Habang naglalakad sa pasilyo ay sumagi muli sa aking isipan si Kurio. Ano na kaya ang balita sa paghahanap niya kay Francsico?

Nawa'y hindi niya pairalin ang kaniyang kapreskuhan. Hay...

=====

"Achu!" Bahing ko ng wala sa oras. Kinamot ko naman ang aking ilong habang nakapikit ang isang mata dahil sa sinag ng maliwanag na araw na pumupukaw sa akin.

Tss... pakiramdam ko ay may kung sino ang nag-uusap tungkol sa akin.

Inilagay ko ang aking bisig sa mukha upang takpan ang aking mga mata. Sa tingin ko ay pasado alas siete na ng umaga ngunit heto pa rin ako, nakanganga at nakasalampak sa damuhan habang sinusulit ang sariwang simoy ng hangin.

Gusto ko nang umuwi!

Ano ba kasi ang pumasok sa utak ng Franciscong iyon at ipinain niya mismo ang kaniyang sarili? Walang saysay ang pagliligtas niya kay Olyang kung siya naman ang nakuha.

Minsan ay hindi ko maisip kung isa ba siyang mangmang o hindi. Sa oras na makita ko talaga siya ay makakatikim siya ng isang malakas na suntok mula kay Kurio!

Dahil sa kaniya ay apat na araw na akong hindi nakakakain ng masasarap na luto nina Ginang Nora at Amelia! Isa pa ay hindi ko na rin mabilang kung ilang beses na akong naliligaw sa bundok na ito. Ni wala na nga ako sa Ail Veronia sa layo ng narating ko eh.

1876Where stories live. Discover now