Ikadalawampu't-siyam

327 25 1
                                    

Ikadalawampu't-siyam

"Aamin na ako kay Francisco... mahal ko siya, Kurio"

"At sa akin mo pa talaga sinabi. Sana ay nagdahan-dahan ka man lang, Olyang"

"Magkaibigan naman tayo Kurio... magkaibigan... magkaibigan... magkaibigan... magka--"

WAAAH!

Ugh! Ang sakiiit!

"Argh aray ko!"

Napangiwi ako dahil sa sakit na gumapang sa aking likuran nang mahulog sa kamang hinihigaan ko. Ano ba naman kasing klaseng panaginip iyon? Puro mukha lamang ni Olyang ang nakikita ko!

Binangungot na yata ako. Napahinga ako ng malalim at unti-unting nangangapa sa paligid. Hay, buti na lamang at nagising pa ako. Nakakatakot na panaginip iyon.

Humihikab akong tumayo at idinako ang aking mata sa orasan na naroroon.

Tss alauna 'y media pa lang, wala pang isang oras ang tulog ko!

Naisipan kong lumabas upang kumuha ng tubig at para na rin tignan si Olyang sa kaniyang silid. Ang babaeng iyon, kung anu-ano talaga ang pinagsasabi. Napagdesisyunan kong hindi sumama sa pagpunta ng bundok Maraga para makuha si Francisco upang bantayan si Olyang habang wala ang bubwit na si Antonio.

Kaya na nila iyon. Kapag ang tiyo ko ang namumuno ng operasyon tiyak na magtatagumpay. Ngunit kung si Heneral Garcia tss.. ewan ko na lang.

Sunod-sunod na pagkulog at kidlat ang aking nasaksihan habang tinutungo ang pasilyo papuntang silid ni Olyang. Mukhang uulan pa yata ng malakas. Naisipan ko na ring ikuha ng baso ng maiinom na tubig ang babaeng iyon upang hindi na siya bumangon pa upang magpunta ng kusina.

May pagkatanga pa naman iyon sa tuwing maalimpungatan sa madaling araw. Matatalisod sa paglalakad kaya ang magiging resulta ay maiistorbo ang masarap kong pagtulog sa ingay niya. Kaya mabuti nang maiwasan ang ganoong pagkakataon.

Binuksan ko ang pinto at nagsalita.

"Olyang ikinu---" Napatigil ako nang mapagtantong wala roon sa silid si Olyang.

"Olyang?" Muli kong tawag pero walang sumasagot kaya naman mabilis kong hinalughog ang buong kabahayan. Nalintikan na! Saan naman nagpunta ang babaeng iyon?!

Nakuha ng atensyon ko ang bahagyang nakabukas na pinto ng kwarto ni Francisco. Walang pagdadalawang isip ko itong sinipa ng malakas at handa ng sermunan si Olyang ngunit wala rin siya roon.

ARGH!

"BWISIT BAKA NAGPUNTA NA NG BUNDOK MARAGA SI OLYANG!"

Wala na akong sinayang pang oras at kumaripas na ng takbo palabas ng paaralan. Anong katangahan na naman ba ito Olyang?!

Alam kong may nararamdaman ka kay Francisco pero huwag ka naman ganito kadisperado!

Habang tumatakbo ay walang ibang pumapasok sa isip ko kundi siya. Hindi maaaring mapahamak si Olyang. Nangako ako sa kaniyang ama na poprotektahan ko siya kaya hindi pwedeng hindi ko siya makita!

Sa ilalim ng natutulog at payapang gabi ay maingay kong binabagtas ang daan patungong bayan. Ngunit napakunot ang aking noo nang makita ang isang nakaparadang karwahe sa gilid ng daan. Unti-unti akong bumagal sa paglakad at nilapitan ko ito. At mas lalo akong nagtaka nang makilala ang kutsero nito.

Karwahe ito ni Juan!

Hindi na ako nag-abalang magpatanong pa at ibinaling na lamang ang aking ulo sa ibaba kung nasaan naroroon ang lawa at nakitang kumakaripas ng takbo si Juan.

1876Where stories live. Discover now