Ikatatlumpu't-pito

348 23 7
                                    

Ikatatlumpu't-pito

"Maria?" Iyan ang unang salitang namutawi sa akin nang magising ako na wala siya sa aking tabi.

Agad akong tumayo at naglibot sa bahay upang hanapin siya. Pasado alas onse na pala ng umaga ngunit hindi ko namalayan. Napatigil ako sa paglalakad at nasapo ang aking ulo.

Napahimbing yata ang aking tulog.

"Maria" Tawag ko sa kaniya ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring sumasagot.

Nasaan na siya?

"Mari---" Nabaling ang aking atensyon sa pintuan nang marinig ko itong bumukas. Nagmadali akong pumunta sa pintuan at doon ay nakita ko ang aking hinahanap.

"O, gising ka na pala" Maaliwalas niyang saad. Hindi ko man ipahalata ngunit kinabahan ako kanina noong nagising ako na wala siya sa aking tabi. Nakahinga ako ng maluwag.

"Saan ka pumunta?" Tanong ko. Inilapag niya ang mga gulay sa mesa at nagsalita.

"Nag-ani na ako ng mga gulay na maaari nating makain. Kay lulusog nila!" Natutuwa niyang saad.

"Hindi ka nagpaalam" Usal ko na ikinatahimik niya.

"Ayokong... nagigising nang wala ka sa aking tabi" Patuloy ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin ngunit tila unti-unti nang dumedepende ang aking buhay kay Maria.

Pakiramdam ko'y nasa kaniya ang hangin na aking kinakailangan upang mabuhay.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking kamay.

"Hindi ako mawawala, Francisco. Mananatili ako sa iyo"

Iyan ang mga katagang sinabi niya sa akin ngunit...

Sa kalagitnaan ng gabi, nang ako'y magising ay wala siya sa aking tabi.

At sa pagkakataong ito ay walang Maria na sumulpot sa pinto at may ngiting sumalubong sa akin.

Isang malakas na katok ang naging dahilan upang magmadali ako pumunta sa pinto upang buksan ito ngunit hindi ang taong inaasahan ko ang nasa likod nito.

"Ginoong Tiago?" Hinihingal siyang tumunghay at may kakaibang tingin sa kaniyang mga mata.

"Alam ko na kung sino ang nagtaksil at nagsumplong sa mga kinauukulan"

"Wala akong panahon upang---"

"Si Maria"

Ang mga salitang iyon ang literal na nakapagpatigil ng aking hininga. Gustuhin ko mang gumalaw ngunit tila isang sirang plaka na paulit-ulit ang inusal ni Ginoong Tiago sa aking utak.

"Hindi iyan totoo" Malamig na wika ko. Kasama ko si Maria sa loob ng ilang buwan kaya imposibleng siya ang nagtaksil.

"Nagpanggap siya, Isagani! Siya ang isa sa nawawalang anak ni Madrigal at ang batang narito noong pumunta ako ay ang kaniyang kapatid" Blanko ang aking isipan, ni walang pumapasok sa aking utak na rason o pag-aanalisa kung paano iyon nangyari.

"Gumising ka, Isagani. Niloko ka lamang ng babaeng iyon. Naroon siya ngayon sa gitna ng kagubatan. May isang kubol doon na pugad ng samahang kinabibilangan niya. Naghihiganti siya sa atin kaya naman nagsumplong siya!" Napatungo ako at hindi makapagsalita. Hindi ko maabsorba ang nangyayari. Nag-umpisa akong maglakad nang hindi kinikibo si Ginoong Tiago.

1876Where stories live. Discover now