Ang Singsing at si Francisco Isagani (Ikalawang Bahagi)

1K 43 24
                                    

Espesyal na Kabanata II

Ang Singsing at si Francisco Isagani
(Ikalawang Bahagi)

Lumipas ang dalawang araw ngunit hindi pa rin bumabalik si Carmella.

Nakatanggap ako ng sulat mula sa kaniya na nagsasaad ng kaniyang paghingi ng tawad dahil hindi niya magawang makabalik agad. Maging si Ginang Nora ay pansalamantalang wala rin sa palasyo sapagkat kasama siya sa ipinadalang kusinera na magtuturo sa ibang bayan.

Naiintindihan ko naman si Carmella. Isa pala siyang komadrona at abala siya sa kaniyang pasyente sa dalawang araw kaya naman hindi ko na siya inabala pa. Ganunpaman ay nangako siya na babalik na bukas upang makuha ang singsing.

Ayos lang naman sa akin.

Bigla ay napatigil ako sa pagsayaw at ibinaba ang aking mga kamay. Nasa gitna ako ng kakahuyan upang mag-ensayo ng sayaw ngunit simula ng magsimula ako ay kanina pa nawawala sa konsentrasyon ang aking utak.

Nakaramdam ako ng kirot sa aking puso.

Ayos lang ba talaga sa akin?

Dalawang araw na sa akin ang kaniyang singsing...

At dalawang araw na kaming hindi nakakapag-usap ni Francisco ng maayos.

Napasandal ako sa puno at bumuntong hininga.

Simula noong aksidente kong matabig ang kaniyang kamay ay hindi na kami masyadong nakakapag-usap. Nais ko siyang kumustahin ngunit masyado akong nauunahan ng kaba dahil baka makita niya ang singsing na aking suot.

"Argh! Si Francisco lang naman iyon! Bakit hindi mo na lang sabihin sa kaniya ang sekreto, Olivia?!" Sermon ko sa aking sarili.

Ngunit kapag ginawa ko iyon ay tila binali ko na rin ang pangako ko kay Carmella.

Napahawak ako sa aking puso. Dalawang araw na niya akong iniiwasan at para akong sinasaksak sa tuwing magkakasalubong kami sa bahay ngunit iiwas lamang siya o lalagpasan ako.

Dinibdib niya ba ang aking ginawa? Hindi ko naman sinasadyang tabigin ang kamay niya eh.

"Aaahh kasalanan ko itooo" Pumapadyak kong usal at nagulo ang aking buhok.

Hindi bale, bukas na ang huli. Bukas na bukas kapag wala na sa akin ang singsing ay kakausapin ko na talaga siya!

Pero sa ngayon... mukhang titiisin ko muna ang galit niya.

=====

Kinuha ko ang aking nilabhang kurtina at pinigaan upang isampay.

Wala muli si Olivia sa paaralan. Kanina ay nagmamadali siyang umalis at hindi niya napansin na nilagpasan niya lang ako nang tatawagin ko na sana siya upang mag-almusal.

Dalawang araw na niya akong hindi kinikibo. At kahit gusto ko siyang kausapin ay lagi siyang lumalayo at natatakot na baka hawakan mo muli siya.

Iniiwasan niya ako.

Simula noong aksidente niyang mapalo ang aking kamay noong nakaraang gabi ay mas lalo lamang siyang lumayo. At hindi ko na alam ang gagawin ko para malapitan siya.

"Ah!" Singhap ko nang mabasa ang aking damit dahil sa pagkakapiga ko sa tela. Hindi ko namalayan na sumobra pala ang aking pagpiga dito.

Handa na akong isampay ang kurtina nang bumukas ang maliit na tarangkahan sa bakuran nitong likod-bahay at nakangiting pumasok si Ginang Ana dala ang isang munting sanggol.

Saglit akong natigilan sa kakaibang pakiramdam na naidulot niya sa akin. Napakaliit at amo ng kaniyang mukha. Mahimbing siyang natutulog sa bisig ni Ginang Ana. Para siyang isang anghel.

1876Where stories live. Discover now