Ikalabing-tatlo

522 27 3
                                    

Ikalabing-tatlo

"Kailangan kong makausap ang emperador." Tinanggal ko ang aking sombrero magmula nang makapasok sa trono ng emperador ngunit wala siya rito at ang sumalubong lang sa akin ay si Ginoong Macario.

"Teniente, ikaw pala. Nasa silid ang Kamahalan upang magpahinga. Hindi maganda ang pakiramdam niya kanina."

"Kung gayon, nasaan sina Francisco?" Muling tanong ko nagbabakasali na nandito sila upang maibalita ko ang aming nakalap. Inayos ni Ginoong Macario ang kaniyang salamin at pinasunod ako sa kaniya patungo sa silid ni Emperador Salvador.

"Umalis sina Isagani kanina upang mamasyal sa bayan." Napahigpit ang aking pagkakahawak sa aking sombrero. Mabilis kaming nakarating sa silid ng emperador at naroon nga si Juan na nakaupo sa kaniyang kama.

"Kamahalan!" Agad akong pumunta sa kaniyang harapan upang magbalita.

"Kompirmado na si Ginoong Montejo ang nagpapalakad ng produksyon ng pinagbabawal na gamot sa ating bayan. May nahuli kaming isa sa kaniyang tauhan at ikinanta na siya. Ayon sa huli, magmula ng humina ang produksyon ng opyo sa bayan dahil sa pagkawala ng taong gumagawa nito ay lalong naghahasik si Montejo ng kaguluhan upang mapalabas ang manggagamot na gumagawa ng bawal na gamot." Inilahad ko lahat ng aking nakalap at matapos iyon ay pumasok ang isang katulong dala ang gamot at tubig na ipapainom kay Juan.

"Nasaan ang kaniyang tauhan?" Tanong ng emperador. Umayos naman ako ng tayo bago sumagot.

"Dinala namin siya sa kustodiya ng mga pulis upang imbigtisgahan pa."

"Kamahalan, ang inyo pong gamot." Kinuha naman ni Juan ang papel na mayroong gamot ngunit hindi naalis sa mata niya ang pag-iisip at pagtatanong.

"Isang taong gumagawa ng opyo para kay Montejo, nalaman mo ba ang pangalan ng taong ito?" Sa pagkadismaya ay umiling ako. Matigas ang lalaki, kahit umamin na siya ay hindi niya nilahat ang kaniyang nalalaman. Hanggang ngayon ay ginagawa namin ang lahat upang sabihin na niya ito at para mahuli na namin ang may sala kabilang si Montejo.

"Hindi pa—Kamahalan!"

"Aacckk!" Nagkagulo ang lahat ng nasa sa loob ng silid ng magsimulang atakihin ang emperador ng pag-ubo at pamimilipit sa sakit ng tiyan.

"Juan!" Humangos si Ginoong Macario upang alamin ang kalagayan ni Juan ngunit sakit ang nakalarawan sa mukha nito. Mabilis hinuli ng mga kawal ang kasambahay na nagbigay ng gamot sa emperador.

"W-Wala po akong kasalanan! H-Hindi ko po alam kung bakit nagkaganito ang Kamahalan! Pakiusap—" Dinala ito sa kulungan sa ilalim ng palasyo. Masama ito!

"Tawagin niyo ang manggagamot!"

=====

"Nasaan na kaya si Amelia?" Sinusuyod namin ni Antonio ang buong lugar upang hanapin si Amelia. Nasaan na ba iyon? Baka naman nilunok na siya ng banyo? Naririnig ko na rin ang tunog ng mga kumikiskis na espada at iba pang sandata buhat ng aking pag-aalala.

Mukhang naglalaban na sa labas.

"Antonio, tignan mo ang kusina ako naman sa likod!"

"O, saan kayo pupunta?" Napahinto kami ni Antonio nang marinig namin si Amelia. Pinamewangan namin siya at tinaasan ng kilay.

"Saan ka galing? Kanina pa kami naghahanap sa iyo!" Wika ko. Pinupunasan niya ang kaniyang kamay gamit ang puting panyo at naglakad palapit sa amin na parang wala siyang alam sa sinasabi namin.

1876Where stories live. Discover now