Ang Pagtatapos

959 33 8
                                    

Ikalimampu
(Ang Pagtatapos)

Magiliw kong pinagmasdan ang malawak na hardin ng palasyo. Ipinikit ko ang aking mga mata at napangiti na lamang sa pagdampi ng mainit at naghaharing araw sa silangan. Yumayapos sa aking balinkinitang katawan ang hanging dala ay panibagong pag-asa at panibagong araw.

Ilang linggo lamang ang lumipas ngunit pakiramdam ko'y kay tagal nang panahon mula noong maramdaman ko ang kapayapaang ito. Ang katahimikang ito. Tila muli kaming nabuhay matapos ang mga pangyayaring hindi ko na nanaising maulit.

Ang lahat ng iyon ay tumatak sa kasaysayan ng Ail Veronia na maging ang sunod na henerasyon ay makakaalala.

"Natapos na ang lahat" Sambit ko. At kay sarap pakinggan ng mga salitang iyon.

Tatlong araw pa lamang ang lumilipas mula noong humarap ang Ail Veronia sa isang digmaang nagpaalab sa puso ng mga mamamayan ngunit heto at unti-unti nang bumabalik sa normal ang buhay. Walang nanatili sa pagkalugmok at lahat ay nagtutulungan upang agad na makabangon at ipagpatuloy ang buhay.

Isang tunay na kahanga-hanga ang pamamahala ng Kamahalan sa kaniyang bayan. Ang pagmamahal niya sa Ail Veronia at mga mamamayan nito ang naging impluwensya upang mas maging matatag ang bayang ito.

Ngunit hindi ibig sabihin ng kasiyahan at gaan ng paligid ay nalimutan na ang bawat buhay at dugong ibinuwis sa pakikipaglaban para sa Ail Veronia at Emperador.

Marami ang nasawi, mamamayan man o sundalo. At lubos ang pagkalungkot ni Juan nang malaman ito. Matapos magapi ni Leandro at maideklara ng pagkapanalo ng Ail Veronia ay kaagad pinuntahan ni Juan ang mga nasawi at pamilya nito upang magbigay pugay sa mga bayaning nagbuwis ng kanilang buhay.

Bahagya akong napayuko nang biglang pumasok sa aking isipan ang imahe ni Isabelle. Hindi na dapat ako magulat sa  kaniyang ginawa ngunit nang mabalitaan ko iyon ay natagpuan ko na lamang ang aking sarili na lumuluha.

Isa siyang edukada ngunit pagdating sa pag-ibig ay nakakalimutan niya ang kaniyang sarili.

Alam ko na, na maaari iyong mangyari. Na maaaring ibuwis niya ang kaniyang buhay at kahit gusto ko siyang pigilan ay malakas na isinisigaw ng kaniyang mga mata ang pagbalik kay Leandro.

"Baliw ka talaga" Bulong ko na tila kausap ko siya. Aminin ko mang naiinis ako sa ginawa niya ay naiintindihan ko ang kaniyang kagustuhang tulungan si Leandro. Tama siya, sila lamang ni Leandro ang nakaaalam kung gaano nila kamahal ang isa't-isa at ipaliwanag man nila ay hindi ito maiintindihan ng iba.

Idinilat ko ang aking mga mata at tumingala sa langit.

"Sigurado akong masaya ka na ngayon, Isabelle. Natupad na ang iyong hiling na makapiling muli ang iyong minamahal" Ngumiti ako at magaang huminga. Maging masaya sana kayo sa kalangitan, Isabelle at Leandro.

"Amelia!"

"O, ikaw pala Antonio" May gaan sa kaniyang hitsura habang humahangos papunta sa aking kinaroroonan.

"Kanina pa kita hinahanap. Magsisimula na ang parangal" Saad niya. Niyakag niya ako upang makiisa sa gaganaping parangal para sa mga bayaning lumaban para sa bayan ng Ail Veronia.

Isa itong pangyayaring hindi malilimutan ng lahat sapagkat sa araw na ito ay mas ipararamdam ng emperador kung gaano katapang ang mga mamamayan at lahat ng kanilang isinakripisyo ay mapapalitan ng kaginhawaan.

Muntik ko nang makalimutang mag-uumpisa na pala iyon.

Sabay kaming naglalakad ni Antonio sa pasilyo ng kaharian nang makuha ng isang bulto ang aking atensyon. Naroon siya at natayo sa sulok kung saan hindi natatamaan ng liwanag ng araw at matamang nakatitig.

1876Where stories live. Discover now