Ikaapatnapu't-walo

450 25 0
                                    

Ikaapatnapu't-walo

"Anong ginagawa mo rito?" Naiinis ako sa tanong ni Maria. Ano ba sa tingin niya?

"Ginagawa? Ate, ilang buwan ka nang hindi nagpapakita! Kung hindi pa ipinaalam sa akin ni Ginoong Tiyago na narito ka sa Delnaiah ay hindi kita mahahanap!" Inis kong wika ngunit wala roon ang atensyon niya. Natigilan siya at napakunot ang noo.

"Bakit kilala mo si Ginoong Tiyago?"

"Sinabi niya sa akin ang lahat ng plano" Tugon ko. Pinasadahan ko si Isagani ng tingin na siyang abala sa pagsisibak ng mga kahoy. Pilit kong pinipigilan ang galit na nabubuhay sa aking dugo nang makita siya. Kailangan kong magpanggap bilang Leandrong kilala niya. Ngayong natunton ko na sila ni Maria sa Delnaiah ay mas matutulungan ko na si ate sa pagsasagawa ng plano.

"Ngayong narito na ako ay may makakatulong ka na sa pagpapabagsak sa kaniya---" Lubos akong nagulat noong marahas akong hinawakan ni Maria sa magkabilang braso at tinignan sa mata.

"Makinig ka, Leandro. Hindi masamang tao si Francisco. Nagbago na siya" Napaawang ang aking labi sa narinig. Ano? Tama ba ang naririnig ko?

"Nababaliw ka na ba, Maria? Siya ang pumatay sa mga magulang natin!" Nagpumiglas ako sa kaniyang pagkakahawak. Hindi ako makapaniwala! "Nilason na ng Isaganing iyon ang utak mo!"

"Hindi iyan totoo, Leandro. Hindi ba't sabi mo'y kilala mo siya? Alam mong hindi siya masama. Mga magulang natin ang may kasalanan!"

"Ang alam ko lang ay masyado ka nang napupukaw sa kabutihang ipinakikita niya sa iyo! Ate, kalaban siya at ikaw ang nagpapaamo sa kaniya pero bakit ikaw ang nahuhulog sa patibong?" Natahimik siya sa aking sinabi. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Nalason na ni Isagani ang utak ni ate!

"Pakiusap, Leandro. Bigyan mo pa siya ng isa pang pagkakataon" Nang akma niya akong aabutin ay hinawi ko ang kaniyang kamay at nagdadamdam na tumingin sa kaniya. Lahat na lang ba ay kakampihan ang mamamatay-taong iyon?

"Ate... hindi ba kami mahalaga sa iyo?"

"Leandro ano bang sinasabi---"

"Nawalan ka ng magulang! At kahit sabihin mong masama sila ay sila pa rin ang ating ama at ina! Alam kong may hindi kayo pagkakaunawaan ni ama ngunit Maria... pamilya natin sila. Bakit mo kami ipinagpapalit sa lalaking iyon?!" Hindi ko na napigilan ang aking sarili sa pag-iyak. Bwisit! Marahil nga ay isa pa rin akong bata na walang magawa kung hindi ang umiyak. Isang batang mahina.

Naramdaman ko ang mainit na palad ni Maria sa aking pisngi at marahan nitong hinaplos ang aking mukha.

"Hindi iyan totoo Leandro" May pagsusumamo sa kaniyang tinig. "Mahal kita at hindi kita ipagpapalit kahit kanino man. Sa akin ka makinig Leandro, mga mata mo mismo ang makasasaksi ng pagiging maamo ng isang mabangis na leon" May kung ano sa kaniyang mga mata ang siyang nakapagpapakalma sa akin. Hindi ko alam kung paano iyon nagagawa ni Maria ngunit gustong-gusto kong maniwala sa kaniya.

Kaya naman... pinagbigyan ko ang kaniyang kahilingan.

Sa halos isang buwan ng aking pamamalagi sa kanilang tirahan ay nasaksihan ko ang ibig ipakita ni ate. Totoo nga, nagbago si Francisco. Hindi man niya masyadong ipamalas ngunit isa siyang mapag-alalang tao at may kabutihang loob. Kay layo ng kaniyang awra sa Isaganing aking nakakasalamuha sa tuwing matatagpuan ko siya sa gitna ng gubat na aking kinukuhanan ng mga halamang gamot, na nagpapahinga dahil malala ang kaniyang mga sugat.

1876Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon