Ikaapatnapu't-dalawa

315 18 0
                                    

Ikaapatnapu't-dalawa

"Dahil ang babaeng kasama ni Francisco ngayon ay ang ate mo"

Sa totoo lamang ay hindi ko alam kung ano ang pumasok sa aking utak at naisipan kong pumunta rito sa kaniyang kuta na walang dala na kahit anong sandata sa akin. Argh! Bakit ba kasi nagpadalos-dalos ako?!

Bakit ba kasi sinundan ko si Condrad noong makita ko siyang nagmamasid sa amin?

Kahit kailan talaga Olyang!

Pinatapang ko ang aking mukha. Bahala na kung paano ako lalabas sa pinasok ko o kung makakalabas pa ba ako. Ngunit ito lamang ang aking nakikita na maaaring iambag sa pagtulong kay Francisco.

Alam kong para kay Leandro ay napakadesperado kong tao ngunit kung sasabihin ko na sa kaniya ang tungkol kay Maria ay malaki ang tyansang hindi matuloy ang laban.

Napasinghap ako sa kung anong pwersa ang nakapagpasandal sa akin sa pader. Bwisit, ano bang klaseng mahika ang inaral ng lalaking ito? Napangiwi ako nang sakalin niya ang aking leeg.

"Anong karapatan mo upang idamay ang kapatid ko? Sa tingin mo ba ay mapapaikot mo ako?!" Ramdam ko ang galit niya at napupuno ng tensyon ang paligid.

"Nagsasabi ako ng totoo!"

"Sinasabi mo lamang iyan upang linlangin ako" Mas hinigpitan niya ang pagkahawak sa aking leeg.

"Ack!" Habol ko sa aking hininga.

Nalamon na siya ng kaniyang pagkamuhi kay Francisco. Nalulungkot ako para sa kaniya, tila sumuko na siya na maaaring maayos pa ang lahat.

Kahit nahihirapan ay tumingin ako sa kaniyang mga mata. Tama nga ako, maaaring ipakita niya sa akin ang kaniyang pagiging dominante ngunit sa likod ng mapupusok na matang iyon ay nakasilip ang mata ng isang batang lalaki na nangungulila sa kaniyang pamilya.

"I-Itago mo man pero hindi mawawala ang lungkot sa mga mata mo" Saad ko. Saglit siyang natigilan.

"Hindi mo kailangang.. m-magpalamon sa dilim Leandro. Kung makikita mo lamang si Maria---ah!" Daing ko ng marahas niya akong bitawan. Tumalikod siya at kahit ganoon ay kitang-kita ko ang pagpipigil ng kaniyang mga kamao.

"Hindi ako tanga, nakita ng dalawang mata ko kung paano tumarak sa puso ng kapatid ko ang espada ng lalaking iyon---"

"Pero si Maria ang may kagustuhan niyon! Siya ang sumaksak sa sarili niya!"

"Pagbali-baliktarin man ang nangyari ay lalabas at lalabas pa rin ang katotohanang naging miserable ang buhay namin dahil kay Francisco!" Natahimik ako. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman ngunit tila sa maikling segundo na iyon ay nasilayan ko ang batang Leandro.

Nasasaktan siya.

"Masakit sa akin na tinraydor ako ng isang matalik na kaibigan na itinuring ko bilang isang kapatid! Ayos lang sana kung iba ang gumawa... kung iba ang pumaslang sa aking mga magulang... kung iba ang sumira ng buhay ko... ngunit siyang pinakamalapit pa sa akin ang tumapos ng lahat" Nang humarap siya sa akin ay nanlilisik ang kaniyang mga mata kaya naman tinatagan ko ang aking sarili.

"Hindi mo kailanman maiintindihan ang nararamdaman ko dahil hindi naging impyerno ang buhay mo gaya ko"

"Nagkakamali ka" Hindi ko matatanggap ang kaniyang sinabi. Ano bang akala niya, na siya lamang ang nakararanas ng ganoong bagay?

1876Where stories live. Discover now