Ikasiyam

728 33 5
                                    

Ikasiyam

Mhmm...

Mataman kong pinagmamasdan si Francisco habang umaakyat kami sa bundok upang kumuha ng mga kahoy na maaaring gamitin. Kaming dalawa lang ang pumunta kasama ang ilang sundalo sa palasyo upang tulungan kaming dalhin ang mga troso.

Habang binabagtas namin ang daan ay nakatitig lang ako sa likod niya. Himala, parang hindi ko pa siya narinig na magsalita ngayong araw. Sa tingin ko ay wala naman siyang malalim na iniisip, baka ayaw niya lang talaga magsalita.

"Gising na kaya si Olyang?" Napalakas ang tanong na dapat sa isip ko lang. Baliw talaga iyon. Sa lakas ng sigaw niya kagabi ay umabot pa sa silid ko ang boses niya! Daig ko pa ang binuhusan ng tubig sa gulat.

"Nag-aalala ka pa rin ba kay Binibining Olivia?" Sa wakas ay nagsalita rin si Francisco.

"Medyo." Wala sa loob na sagot ko. Naiwan sina Olyang sa palasyo. Umalis kami ni Francisco bago pa sumikat ang araw at may inatas na misyon naman ang emperador kay Kurio.

"Magiging ayos lang siya, Antonio." Ang mga ngiti niya ay sapat na para masiguro ang lahat. Ngumisi naman ako at ipinatong ang dalawa kong kamay sa ulo ko habang patuloy pa rin kaming namumundok.

"Mabuti pa ay bilisan na natin! Sabik na akong malaman ang pagkain ngayong araw!" Paniguradong masarap na naman ang mga ihahain ngayon! Ang saya saya sa palasyo parang laging pista!

"Ahahaha—" Biglang naputol ang pagtawa ni Francisco at nagpalinga-linga sa paligid.

"Bakit Francisco?" Tanong ko nang sumeryoso ang hitsura niya.

"Sandali lang." Sabi ng pinakanamumuno sa aming paglalakbay. Tumigil naman agad ang iba pa. Sinundan ko ng tingin ang direksyong tinitignan nila. Sa unahan namin ay nagkalat ang mga punongkahoy na nakaharang sa daan.

"Sobrang dami naman ng punongkahoy na iyan!" Bulalas ko. Hindi ito tulad ng ibang puno na dalawa o tatlo lang ang putol. Sa tingin ko ay aabot ito sa sampu pataas!

"Saan galing ang mga trosong iyan?" Tanong din ni Francisco.

"Ilegal na pagtotroso." Sagot ng pinakapinuno. Grabe, sa dami nito ay pwede ka nang makapagpatayo ng bahay. Hindi na ako magugulat kung bukas makalawa ay kalbo na ang bundok na ito.

"Kailangan itong malaman ng emperador at kailangan managot ng mga taong gumawa nito."

Bumalik kami sa palasyo matapos iyon. Nakakuha naman kami ng sapat na kahoy kaya't hindi na kami nagpumilit pang tumuloy. Agad na ibinalita ng sundalo ang nakita namin kanina. Sino naman kaya ang gagawa noon? At sa dami ng mga punong iyon, anong gagawin niya doon?

"O Antonio, Francisco bumalik na pala kayo." Nadatnan namin si Olyang na nagwawalis sa paligid.

"Kaya mo na bang kumilos ngayon?" Tanong ko sa kaniya. Nakangisi itong bumaling sa akin at ipinatong ang walis sa balikat niya.

"Oo naman! Siya nga pala Francisco pasensya na ulit sa abala kagabi."

"Ayos lang Binibining Olivia. Mauuna muna ako, ilalagay ko pa kasi itong mga kahoy doon sa likod." Sinundan ko ng tingin si Francisco hanggang sa mawala ito sa paningin ko. Tumaas ang kilay ko at binalingan si Olyang.

Bumalik siya sa pagwawalis ngunit namalikmata yata ako dahil parang nakita ko siyang saglit na nalungkot. Ngunit nang titigan ko siyang mabuti ay hindi naman.

Gutom na siguro ako hahaha!

=====

"Waah! Ang sarap ng pagkain!" Tuloy-tuloy ang pagkain ni Antonio. Lahat yata ng putahe ay nasa plato na niya. Binatukan ko siya.

1876Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon