Ikalabing-walo

474 21 0
                                    

Ikalabing-walo

Napabuntong hininga na lamang ako habang naglalakad patungong bayan.

Hay...

Ano bang naisipan ni Kurio at pinasusundan niya sa akin sina Binibining Olivia at ang emperador? Sabi nito'y niyaya raw ni Juan si Binibining Olivia para mamasyal sa bayan ngayong araw.

Wala namang masama roon, hindi ba? Hindi naman tipo ng ginoo si Juan na pababayaan ang isang binibini kaya sa tingin ko'y hindi ko na sila kailangan pang sundan.

Napahinto ako sa paglalakad. Babalik na lamang ako sa bahay.
.
.
.
"Ugh!" Ginulo ko ang aking buhok at muling bumalik patungo sa daang tinatahak ko kanina habang binabalik sa ulo ang salakot na suot ko.

Pakiramdam ko'y malalagot ako kay Binibining Olivia sa oras na malaman niyang sinusundan ko sila.

Ah bahala na nga!

"Nakita mo ba ang binatang iyon? Napakaganda niyang lalaki!"

"Tama ka! Kaagaw-agaw siya ng atensyon!"

Simula nang makaapak ako sa bayan ay iyan na ang mga naririnig kong usapan sa mga tindahan at taong nadaraanan ko.

Parang hindi ko na yata kailangan pang isipin kung sino ang sinasabi nila. Malamang sa malamang si Juan ang nakita nila. Ngunit nagtataka ako, hindi ba nila alam na ang emperador ang nakita nila?

At nasaan naman kaya sila ni Binibining Olivia? Malaki ang bayan, hindi ko tuloy alam kung saan sila hahanapin. Pero kung ito ang usap-usapan ng nakararami ibig sabihin ay nasa paligid lamang sila.

Iyong totoo, hindi ko pa rin alam kung bakit ko sinunod si Kurio.

"Hijo," Napukaw ng aking atensyon ang isang matandang babae na nasa tabi ko.

"Magandang hapon po." Bati ko sa kaniya. Nakadadala ang matamis na ngiti sa labi ni lola kaya naman napapangiti rin ako.

"Naliligaw ka ba?"

"Ay naku, hindi po." Umiling naman ako at ikinawag ang aking dalawang kamay. Mukhang isang tindera ang matanda ng mga kakanin at panghimagas, base sa mga bilao at bayong na dala niya ay ito ang masasabi ko.

"Heto." Inabutan niya ako ng nilagang kamote.

"Naku, huwag na po."

"Sige na anak, mukhang gutom ka na." Para bang nananadya ang aking sikmura dahil matapos niyang sabihin iyon ay tumunog ang tiyan ko. Nahihiya ko naman itong inabot habang napapakagat sa labi. Halata tuloy na hindi pa ako kumakain ng tanghalian.

"Lola, tulungan ko na po kayong bitbitin iyan." Alok ko sa kaniya. Sa dami kasi ng dala niya ay parang hindi niya ito kakayanin mag-isa.

"Talaga? Naku, hulog ka ng langit! Salamat!" Sa kaniyang tindahan ang aming tungo. Habang naglalakad at bitbit ang mga bayong ni lola ay sinisimulan ko na rin kainin ang kaniyang binigay na nilagang kamote. Waah matamis!

Kahit hapon na ay marami pa rin ang tao. Kaliwa't-kanan ang mga nagtitinda at bumibili, kay daming tao rin ang namamasyal. Habang naglalakad ay sinasamantala ko na ring ilibot ang aking mga mata para hanapin sina Binibining Olivia.

"Oo nga pala, hijo. Sabi mo'y hindi ka naliligaw, hindi ba? Kung gayo'y bakit parang iniisip mo kanina kung saan dadaan? Baguhang trabahador ka ba sa pamilihan?" Lumunok muna ako bago sumagot habang inililibot pa rin ang mata.

1876Where stories live. Discover now