Ikatatlumpu't-dalawa

363 20 0
                                    

Ikatatlumpu't-dalawa

Malalim ang aking iniisip habang nakahiga sa damuhan at nakatitig sa maaliwalas na mga ulap sa kalangitan. Nasa kakahuyan ako na hindi kalayuan sa paaralan upang mag-ensayong mag-isa.

Ngunit hindi ang mga estilo o tamang tindig at galaw ang gumugulo sa isip ko ngayon. Kung hindi ang sinabi ni Francisco sa akin kanina.

Napapailing na lamang ako habang pinagmamasdan si Olyang na naglalakad patungong silid ni Francisco upang muli siyang bantayan.

Hindi pa sumisikat ang bukang-liwayway ngunit narito na naman siya upang tapusin ang buong araw para hintaying magising si Francisco.

Ako ang nakabantay sa kaniya kanina at wala pa rin sana akong balak umalis ngunit ngayong nakita ko na si Olyang ay hindi na ako nagpumilit.

"Alam ko na, susundan na lang kita" Diyalogo ko sa aking sarili at palihim na bumuntot kay Olyang.

Nang makapasok siya sa loob ng silid ay agad akong pumunta sa gilid ng pinto upang sumilip sa maliit na butas.

Ilang minuto pa lamang akong nagmamasid pero parang inaabot na ako ng habambuhay sa kakahintay ng sunod na mangyayari! Napahilamos ako sa aking mukha. Ano ito? Ganito lamang ba ang ginagawa ni Olyang sa bawat araw na binabantayan niya si Francisco? Wala naman siyang ibang ginagawa kung hindi ang tumulala at tumitig sa kaniya!

Hay, bilib na ako kay Olyang. Buti at nakakayanan niya ang ganiyan.

Nalulungkot ako para sa kaniya. Kahit na hindi na siya ganoon kalungkot nitong nakaraang tatlong araw ay alam ko namang hindi pa rin nawawala ang pag-aalala niya. Minsan ay gusto ko na lamang suntukin si Francisco dahil tila ilang taon na ang lumipas mula noong huli kong masaksihan ang pagiging maton ni Olyang.

Hindi ko akalaing hahanap-hanapin ko ang mga bulyaw, hampas at palo niya.

Muli akong sumilip ngunit napakunot ang aking noo sa pagtataka. Teka, bakit nawala iyong butas? Bakit napalitan ng puting tela?!

Hindi kaya...

"Ahh!!" Napasigaw ako sa bigla noong mapagtantong si Francisco na pala ang kaharap ko.

"Sandali... p-paano---d-diba---bakit---" Hindi ko alam kung ano ang aking unang sasabihin sa sobrang kabiglaan. Nauutal ako at hindi malaman ang gagawin!

Paano siya nakapunta sa aking harapan kung wala pa siyang malay?!

"Shh" Napahinto ako noong ilagay niya ang kaniyang hintuturong daliri sa labi at sinabi iyon. Nagtataka akong sumilip sa kaniyang likuran at doon napagtanto kung para saan ang pagpapatigil niya sa akin na mag-ingay.

Ngayon ay mapayapang natutulog si Olyang at mukhang inilagay siya ni Francisco sa kaniyang kama upang makapagpahinga siya ng maayos. Napabuntong hininga ako. Marahil sa sobrang pagod ay hindi na kinaya ni Olyang ang antok at kahit magsisimula pa lang ang umaga ay nakatulog na siya.

Makalipas ng ilang segundo ay napatigil ako at biglang napaturo kay Francisco.

"Waah! Gising ka na!" Sigaw ko sa pabulong na tinig. Napapakamot naman siyang ngumiti at nagsalita.

"Hehe kumusta, Antonio?"

"Sandali, huwag ka munang gagalaw. Sasabihin ko sa Kamahalan na gising ka na!" Tatakbo na sana ako paalis nang makahawakan ni Francisco ang damit ko.

"Naku, huwag muna Antonio. Baka kasi biglang magkagulo ang lahat kapag malaman nila. Huwag kang mag-alala ako na mismo ang haharap sa emperador mamaya" Napatango naman ako. Sige, kung iyon ang gusto ni Francisco.

1876Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon