Ikatatlumpu't-anim

330 24 1
                                    

Ikatatlumpu't-anim

"Mukhang nahihirapan bumangon ngayon ang pamahalaan dahil sa mga nangyayaring pagpaslang" Tirik ang sikat ng araw sa kalagitnaan ng katanghalian. Nagpatawag ng pagpupulong si Ginoong Bien ngunit habang matamang nag-uusap ang iba ay hindi maalis ang aking paningin sa babaeng iyon.

Abala siya sa pagdadala ng mga pagkain at tsaa sa kabilang mesa at hindi nagagawi ang kaniyang paningin sa aming direksyon. Kinuha ko ang aking baso at uminom.

Hanggang ngayon ay hindi ako mapanatag. Dapat nga siguro ay pinaslang ko na rin siya.

"Isagani" Walang reaksyon kong ibinaling ang tingin sa iba na nagtatakang nakamasid sa akin.

"Nakikinig ka ba?"

"Sa himpilan malapit sa palasyo, madalas na nalalagi roon ang ministro ng emperador. Marami ang bantay kaya hindi basta-basta ang pagpaplano" Wika ko. Sinalubong ko ang mga mata ni Ginoong Bien. Umiling naman ito at nagpatuloy ngunit sa tuwing sisikapin kong makinig ay saka naaagaw ang aking atensyon ng babaeng iyon.

"Maria, pakidala ito sa susunod na mesa" Kung gayon ay Maria pala ang kaniyang pangalan. Tahimik itong sumunod at naglakad palapit sa aming gawi. Nagkasalubong ang aming mga mata ngunit kitang-kita ko ang pag-iwas ng kaniyang tingin sa kabilang direksyon.

Bwisit, sinasabi ko na nga ba may tinatago siya.

Matapos ang pagpupulong sa kainan ni Ginang Solome ay humiwalay ako sa iba upang abangan ang taong kailangan kong tapusin.

Tahimik ngunit naiinip akong naghihintay sa likod ng kainan kung saan naroon ang isang makipot na eskinita. Inihanda ko na ang aking sarili noong marinig ang kaniyang tahimik na mga yapak at paghinga.

Sa isang iglap ay mabilis ko siyang hinila at itinutok sa kaniyang leeg ang aking katana. Matalas ang mga mata ko siyang tinitigan at kitang-kita naman ang gulat at takot sa kaniyang mukha.

Lily. Amoy samyo ng lily.

"G-Ginoo---"

"Anong katungkulan mo kay Madrigal?" Wika ko sa malayelong tinig.

"W-Wala, sinabi ko na sa iyong isa lamang akong katulong"

"Sinungaling" Tutol ko. Mas inilapit ko sa kaniya ang aking katawan at nagliliyab ang mga mata siyang tinitigan at tulad kanina ay iniwas niya ang kaniyang paningin.

"K-Kung tungkol ito sa nangyari noong nakaraang gabi, ipinapangako ko... wala akong pagsasabihan. Hindi ako magsusumbong sa may katungkulan" Mahina ngunit malinaw niyang sambit. Lumayo ako at itinaas ang aking katana. Sa malakas na kumpas ay pinuntirya ko ang pader sa kaniyang gilid na kaniyang ikinasinghap ng malakas. Nanginginig ang labi niya akong binalingan at tila tinakasan ng dugo sa takot.

Itinago ko ang aking espada at naglakad paalis.

"Sa isang pagkakamali, alam mo na ang iyong sasapitin" Madilim kong usal.

Nagdaan ang mga araw at tulad ng nakagawian ay lagi akong nakamasid sa kilos ng binibining iyon. Ngunit natatapos lamang ang araw na hindi ko siya nakikitaan ng mga kahina-hinalang kilos maliban na lamang sa pag-iwas niya sa akin ng tingin.

Dapat na ba akong maniwala na wala talaga siyang alam?

"Francisco"

Napangiwi ako habang nararamdaman ang kirot ng sugat na aking natamo mula sa pakikipaglaban kanina. Pumasok ako ng silid kasunod ni Ginoong Bien.

1876Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon