Ang Doktor at ang Kasunduan (Ikalawang Bahagi)

462 28 5
                                    

Espesyal na Kabanata I

Ang Doktor at ang Kasunduan
(Ikalawang Bahagi)

"Nasundan ka ba?" Pambungad na bati nang lalaking sumalubong sa akin sa pier.

"Hindi" Sagot ko. Nakahanda na ang bangkang aming gagamitin upang makatawid sa kabilang isla kung saan naroroon naghihintay ang aking amo.

Siniguro ko munang natutulog na si Michael at wala nang bantay sa likod ng palasyo bago ako umalis. Ilang oras lamang ang kaya kong ilaan, kailangan kong mabalik bago pa makahalata ang iba.

"Sakay na" Agad akong tumalima at binagtas namin ang dagat upang makarating sa aming patutunguhan.

Ito na lamang muli ang pagkakataon na makakapunta ako sa kaniya at hindi lamang sa malayong kalakaran ang aming magiging transaksyon.

"Gustavo, it's been a while" Bungad niya sa akin nang buksan ang pintuan ng kaniyang silid kung saan ay prente siyang nakaupo sa dulo at may mapanghamong ngiti sa akin. Dumiretso ako sa kaniyang kinaroroonan at kinuha ang kaniyang kamay upang hagkan.

"Thank you for welcoming me, mademoiselle" Binawi niya ang kaniyang kanang kamay at matalim akong tinignan.

"Know your limit stray dog" Ang kaniyang mapangahas at mabangis na awra ay talaga namang nakabibighani at tila hawak niya ang mundo sa kaniyang palad. Tila isa siyang reynang pinag-aagawan ng mga inutil na kalalakihang nagkakandarapa upang pagsilbihan siya.

"Kumusta ang aking Michael?" Pinaglalaruan niya ang alak na kaniyang hawak. Tumayo naman ako at nag-umpisang magbalita sa kaniya.

"Sa pagkakataong ito ay nahanap na ang nag-iisang tagapagmana ng mga Alonzo at desidido pa rin siyang pakasalan ang binibini" Bakas sa kaniyang mukha ang pagkamuhi at ibinato ang basong kaniyang hawak.

Siya ay si Romana Schofieltd. Ang babaeng patay na patay at handang kumitil ng buhay para lamang sa pag-ibig ni Michael Montague. Malaki ang galit ng kaniyang pamilya sa pamilya ni Amelia Alonzo dahil sa inggit dahil nakuha ng mga Alonzo ang tiwala ng angkan ng Montague gayong pareho lamang mag-aaral ng yumaong Montague ang mga Schofieltd at Alonzo.

Isang bihasang manggagamot si Romana ngunit ibang negosyo ang kaniyang pinasok.

"Sa mga sandaling ito ay tiyak kong dumating na ang mga opyo sa Pransya. Batid kong alam mo na ang nararapat mong gawin, Gustavo?" Baling niya sa akin sa maawtoridad na tingin.

"Ang aking mga tauhang naiwan sa Pransya ang bahalang magbahagi ng iyong mga opyo. At bukas lamang ay sinisigurado kong hindi na lamang pangalan ng matandang Alonzo ang sira kung hindi pati na rin ang pangalan ng kaniyang mahal na anak na si Amelia Alonzo" Malawak ang ngisi sa kaniyang mukha at tila natutuwa sa narinig.

Ang babaeng ito. Nababaliw na siya.

=====

Nakapikit man ang aking mga mata ay ramdam ko ang malakas na presensya ng isang taong paparating. Nagmumula siya sa aking likuran kaya naman nang dumilat ako ay inunahan ko na siya ng suntok na tumama sa kaniyang pisngi at dahilan ng kaniyang pagkahulog.

"Waah!" Sigaw ng pamilyar na tinig nang mahulog ito sa punong aking inuupuan. Teka---

"Pambihira, ikaw pala iyan Francisco. Tss bakit kasi hindi ka nagsalita?"

1876Where stories live. Discover now