Ikasampu

596 27 2
                                    

Ikasampu

Isang panibagong araw. Pakiramdam ko'y napakagaan ng atmospera ngayong umaga! Ibang klase talaga dito sa palasyo, asikasong-asikaso ka! Maganda rin ang tulog ko kagabi kaya naman maganda ang rin ang gising ko ngayon.

Isa pa bumalik na sa normal ang lahat. Paano ko nasabi?

"Olyang ano ba?! Ang aga-aga ito ang ipapagawa mo sa akin?!"

"Manahimik ka nga diyan, Kurio! Sa tingin mo palalagpasin ko lang ang ginawa mo kagabi?! May mantsa pa ang kamisetang iyon!"

"Bakit ako lang ang gumagawa?! Si Francisco nga ay nandoon lang sa sulok!"

Iyan ang sinasabi ko. Napadako ang paningin ko kay Francisco na tila tinakasan ng ulirat at kaluluwa sa isang sulok. Nakatutuwa lang naman kasi siya at parang may iniisip na hindi pumapasok sa utak niya.

"Hoy Francisco tama na nga ang pagmumukmok mo diyan!" Lumipat ang tingin ni Francisco kay Olyang sabay ngiti na parang nangingiwi.

"Ehe!" Iyan lang ang sinabi ni Francisco at muling tumingin sa kawalan. A-Ano bang—NAKAKATAKOT SIYA!

"Olyang."

"Ikaw pala, Antonio." Bati niya nang makalapit ako sa kanila.

"Anong nangyari kay Francisco? Nabaliw?" Kumunot muli ang kilay ni Olyang at nanggigigil na dinuro si Kurio.

"Siraulo kasi iyang si Kurio! Kung anu-ano ang pinagsasabi!"

"Hindi ko nga alam na paniniwalaan nila iyon!" Sagot ni Kurio. Napangisi ako at tinignan siya na nang-aasar. Nilalabhan niya kasi ang mga kurtina at iba pang tela. Wahahaha! Puno na siya ng bula sa mukha at ulo pero hindi man lang niya ito napapansin!

"Anong nginingisi-ngisi mo diyan bubwit? Tulungan mo ako dito!" Napahagalpak ako ng tawa sabay dila sa kaniya.

"Sino sa tingin mo ang pauuto sayo, Kurio? Buti nga sayo!"

"Aarrgghh! Ayoko ko na! Hindi ko na ipagpapatuloy ito!" Binagsak ni Kurio ang hawak niyang mabigat na tela kaya't tumalsik ang sabon sa paligid at lalong uminit ang ulo ni Olyang.

"Errr!"

"Mukhang puno kayo ng sigla ngayon." Natigil kami nang marinig ang boses ng Kamahalan. Si Emperador Juan pala! Nakatayo ito sa may pasilyo at natutuwa kaming pinagmamasdan.

"Benvolio! Ikaw pala." Bakit naman kaya Bevolio ang tawag ni Olyang sa kaniya? Napapangiti ako sa isip ko. Siguro ay gusto niya ang Kamahalan ahahaha! Humanda ka sakin Olyang! May ipapangganti na ako sayo kung sakaling asarin mo ako!

"Ang aga naman ng inyong pag-aaway bilang magkasintahan." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Magkasintahan?!

"O kita mo na? Hindi ko kasalanan—"

Sa inis ni Olyang ay binato niya ang timba na sumakto naman sa ulo ni Kurio. Halos maglupasay ako sa lupa kakatawa habang pinagmamasdan si Kurio na hindi matanggal-tanggal ang timba sa ulo niya ahahahaha!

Ngunit naputol ako sa kalagitnaan ng aking paghalakhak dahil biglang tumayo si Francisco at naglakad na parang patay na nabuhay. Napatingin kaming lahat sa kaniya at pati si Emperador Juan ay napakunot ang noo.

"Isagani, anong problema?"

"Isang bungungot... bangu—ngot.." Kahit naguguluhan ako sa nangyayari may pakiramdam ako na kaya ganiyan si Francisco dahil sa kalokohan ni Kurio!

"Francisco tumigil ka na nga diyan!" Mahinang hinampas ni Olyang ang ulo ni Francisco at mukha namang natauhan ito at napakamot sa kaniyang ulo.

"Pasensya na, Binibining Olivia. Hindi pa rin pumapasok sa isip ko na nauto ako ni Kurio."

1876Where stories live. Discover now