Ikatatlumpu

341 21 1
                                    

Ikatatlumpu

Mabibigat ang yabag kong tinatakbo ang loob ng palasyo habang niyayakap ako ng mabigat na atmospera ng paligid. Wala na akong pakialam sa lahat ng aking dinaraanan, ang kailangan ko makita ay aking mga kaibigan!

"Ah!" Daing ko nang madapa sa pasilyo.

"Isang masamang balita, ngayo'y nag-aagaw buhay si Francisco"

"ARGH!" Sinuntok ko ang sahig dahil ang katagang iyon ay parang isang sirang plaka na paulit-ulit sa aking isipan. Wala akong naramdaman na kahit anong sakit sa pagkakasuntok ko sa sahig ngunit damang-dama ko ang lakas at bilis ng pintig ng lahat ng aking pulso.

Nakakainis!

"Antonio" Tumayo ako at bumaling kay Ginoong Macario na huminto sa paglalakad.

"Nasaan po sina Olyang? Si Francisco? Ano pong lagay niya?!" Nagpapanik kong tanong ngunit wala akong nakuhang sagot kung hindi ang pag-iwas ng tingin ni Ginoong Macario. Err!

Sa inis ay hindi ko na siya hinintay pang magsalita at agad ng kumaripas ng takbo upang tunguhin ang silid na kinalalagyan nina Olyang. Marahas kong pinunasan ang luhang umalpas sa aking mata.

Hindi totoo ang balitang iyon! Sigurado akong pinaglalaruan lamang nila ako at binabalak na takutin.

"OLYANG!" Sipa ko sa pinto at bumungad sa akin ang tahimik at malamig na kapaligiran. Nanlambot ang aking tuhod nang makita si Olyang na nakatulala sa kawalan at sa kaniyang likuran ay nakatayo ang emperador na puno ng mga sugat at pag-aalala ang mukha.

Binalingan ako ni Juan at binigyan ng isang pilit na ngiti. Naglakas-loob akong lumapit upang makita ng malapitan si Olyang ngunit parang gusto kong umatras. Hindi ako sanay na ganito siya, tila hindi siya ang Olyang na nakilala ko.

"Manay" Marahan kong tawag sa kaniya nang makarating ako sa kaniyang harapan. Sinubukan kong hulihin ang kaniyang mga tingin ngunit parang tumatagos lamang ako sa kaniya. Tinangka ko siyang hawakan ngunit pinigilan ko.

Natatakot ako na bigla na lamang siyang mabasag.

"Hindi naman totoo ang lahat diba? Sabihin niyo sa akin na mali ang ibinalita ng kawal na nag-aagaw buhay si Francisco ngayon!" Yumuko ako at inikuyom ang aking mga palad. Ano ba? Bakit tila namatayan sila?! Eh pinagloloko lang naman nila ako!

"Tumigil na kayo sa pagpapanggap, ilabas niyo na si Francisco. Marami akong gustong itanong sa kaniya!" Bulyaw ko ngunit namutawi lamang ang katahimikan.

Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagtulo ng luha ni Olyang na agad niyang pinunasan. Manay...

"Si Francisco... isinakripisyo niya ang kaniyang sarili upang hindi siya tuluyang bumalik sa pagiging isang mamamaslang at para na rin... hindi niya mapaslang si Olivia" Hindi ako makahuma sa winika ng Kamahalan. Hindi... kay hirap nitong paniwalaan!

Ngunit alam kong hindi iyon malabo dahil ang Franciscong kilala ko ay gagawin ang lahat mapanatili lamang ang kaligtasan ng taong mahalaga sa kaniya.

"Kasalukuyan siyang inooperahan ni Amelia sa mga oras na ito kasama si Kurio upang kaniyang maging alalay. Sa ngayon ay wala tayong magagawa kung hindi ang ipinagdasal ang kaniyang kaligtasan"

Nahampas ko ang pader at napaupo sa sahig. Ngayon ko lamang gagawin ito ngunit pakiusap, iligtas Niyo si Francisco sa kapahamakan.

Lumaban ka Francisco...

=====

"Kailangan ko ng mainit na tubig at malinis na tela" Seryoso kong saad at agad na tinignan ang bawat pagtibok ng puso at mga pulso ni Francisco. Napalunok ako.

1876Where stories live. Discover now