Ikatatlumpu't-lima

342 20 1
                                    

Ikatatlumpu't-lima

"Ginang Solome, maaari ho bang umupa ng isang silid ngayong gabi?" Iyon ang una kong sinabi matapos pumasok sa loob ng isang bahay-tuluyan.

"Naku! Anong nangyari sa kaniya?" Madali siyang tumugon at lumapit sa akin habang nag-aalala sa babaeng nakapasan sa aking likod at walang malay. Muling ibinalik sa akin ni Ginang Solome ang kaniyang tingin.

"Ano ang ibig sabihin nito, Ginoong Isagani?" May panunumbat niyang tanong kaya naman wala akong ipinakita na kahit anong reaksyon.

"Nawalan siya ng malay dahil sa gulat" Pinakatitigan lamang ako ni Ginang Solome na tila hindi naniniwala sa aking sinabi.

Sa totoo lang ay nauubusan na ako ng pasensya.

"Maaari niyo na bang ihanda ang silid?" Malamig na tanong ko.

"Siya lamang ang papayagan kong manatili rito"

"Wala akong balak magpalipas ng gabi rito kaya hindi ninyo kailangang mag-alala" Napabuntong hininga na lamang siya. Ibinaba ko sa sahig ang babae na hanggang ngayon ay walang malay.

"Kayo na ho ang bahala sa kaniya" Dugtong ko.

"Sana man lang ay mas lagyan mo pa ng lambing ang iyong tinig, ginoo. Tila nilamon na ng yelo ang iyong buong pagkatao. Maaari mo na siyang iwan dito, ako na ang bahala sa kaniya" Tumango naman ako at umalis na.

Hanggang ngayon ay nagdadalawang isip pa rin ako. Dapat bang pinatay ko na siya dahil nakita niya ang aking mukha? Isa itong malaking problema kapag magsumbong siya sa mga may kapangyarihan.

Naitiim ko ang aking bagang. Bakit nga ba hindi ko pa siya pinaslang?

Hindi bale na. Upang masigurado na hindi siya magsasalita ay kailangan ko siyang bantayan.

Naiyukom ko ang aking palad nang maalala ang dalawang anak ng Madrigal na iyon. Nakatakas sila. Wala sila sa bahay na iyon at sigurado akong may kung sinong nagsabi sa kanila na sasalakay kami ngayong gabi.

Sinisiguro kong hindi magtatagal ang kanilang pagtatago. Mahahanap ko rin sila.

"Kumusta ang iyong lakad?" Iyon ang unang bungad sa akin ni Ginoong Tiago nang makarating ako sa aming tagong tagpuan.

"Rinig ko'y may nakakita sa iyo" Napahinto ako sa paglalakad ngunit hindi ko siya pinasadahan ng tingin.

"Idinamay mo na rin ba siya, bata?"

"Hindi" Simpleng tugon ko. Ibinuga niya ang usok ng tabako mula sa kaniyang bibig at pinasadahan ako ng tingin.

"Delikado iyan, bata. Baka isang araw ay magulat ka na lang na lahat tayo ay nakabulagta na at naliligo sa sarili nating mga dugo" Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa malagpasan ko siya.

"Sisiguraduhin kong hindi mangyayari iyon"

"Sabi mo eh. Siya nga pala, kanina ka pa hinahanap ni Bien" Tumango naman ako at nagpatuloy na upang puntahan sa kaniyang silid si Ginoong Bien.

Kumatok ako ng tatlong beses bago pumasok. Sumalubong sa akin ang liwanag ng paligid at malumanay na musika na nanggagaling mula sa lira na tinutugtog niya kaniyang asawa. Natagpuan ko siyang nagtsa-tsaa.

"Nakabalik ka na pala"

"Hinahanap niyo raw po ako"

"Pumasok ka" Tumalima naman ako at naupo sa kaniyang harapan. Ngumiti sa akin si Ginang Paz, ang asawa ni Ginoong Bien at ipinagsalin ako ng tsaa.

1876Where stories live. Discover now