Espesyal na Kabanata II: Ang Singsing at si Francisco Isagani

495 25 0
                                    

Espesyal na Kabanata II

Ang Singsing at si Francisco Isagani
(Unang Bahagi)

Payapang nahihimbing ang kalangitan sa kanlungan ng banayad na liwanag ng buwan. Ang mga bituin ay kumikislap tulad na lamang ng mga mata ng isang mapagmahal na ina. Ang dalisay at masuyong ihip ng hangin ang nagsisilbing hele sa sanlibutan at ang paghinga ng bawat isa ay ginhawa habang naglalakbay sa kanilang panaginip.

Kay tahimik ng gabi...

"Simulan na ang kasiyahaaan!"

Maliban na lamang sa aming paaralan hehe!

Sabay-sabay naming itinaas ang aming baso at sumigaw ng---

"Tagay!"

Tila nakakikiliti sa lalamunan ang lamig ng aming inumin. Ah! Wala talagang tatalo sa malamig na serbesa.

"Hindi kaya naparami ang iyong inihandang pagkain para sa ating lima, Olyang?" Naiwan sa ere ang aking kamay na kukuha na sana ng prinitong saba.

Naparami ba?

"Sa tingin ko po ay sakto lamang ito para sa atin, Ginang Ana" Magiliw kong sagot. "Kumain pa po kayo!"

"Naku, Binibining Olyang nakakahiya, hindi niyo na kailangang gawin ito" Usal ni Carmella na nahihiya.

"Wala iyon, para sa iyo talaga ang kasiyahang ito"

Si Carmella ang bunsong anak ni Ginang Nora at noong ibalita ni Ginang Nora na darating ang kaniyang mahal na anak at mayroon itong dalang magandang balita ay nagtulong-tulong kami upang bigyan siya ng isang maliit ng salo-salo.

Ito ang unang beses na nakilala ko siya ngunit palagay na palagay ang aking kalooban sa kaniya!

"Hija sana ay hinayaan mo na lamang sumama ang tatlong binata sa ating pagsasalo-salo"

"Magiging maayos lamang po sila, huwag na kayong mag-aalala Ginang Nora" Paninigurado ko sa kaniya.

"Tama si Olivia. Kaya na nila ang mga sarili nila, sigurado akong nagliliwaliw din ang tatlong iyon" Segunda ni Amelia sa aking sinabi. Nagkatinginan kami at kapwa umukit ang nakapangingilabot na ngisi sa aming labi.

Pansamantala muna naming pinalayas ngayong gabi sina Francisco, Antonio at Kurio hehehehe.

"Mukhang maganda ang araw ninyong lahat Binibining Olivia" Bungad ni Francisco noong pumasok siya dala ang mga natuyong damit na kaniyang sinampay kaninang umaga.

Kasalukuyan akong naghihiwa ng gulay habang si Amelia naman ay tinatadtad ang baboy.

Masama kong tinignan si Francisco.

"Ngayong gabi... bawal ang mga lalaki"

"M-May nasabi ba akong mali?" Kinakabahang wika ni Francisco habang takot na pinagmamasdan ang hawak kong kutsilyo na tuloy-tuloy ang paghihiwa sa gulay.

"Narito na si Kurio---aba! Mukhang may kasiyahan ngayong gabi---" Ngayon naman ay si Kurio ang naumid ang dila noong malakas na tadtarin ni Amelia ang baboy na kaniyang hinihiwa.

"Ang kasiyahan mamaya ay para lamang sa aming mga babae" Mapanganib na tinig ni Amelia kaya napaatras silang dalawa.

"Uy pagkain!" Sabay naming sinamaan ng tingin ang kararating lamang na si Antonio na napatigil sa kaniyang paglalakad.

"A-Ano bang nangyayari sa inyo?"

"A-At bakit bawal kami sa selebrasyon?!"

1876Where stories live. Discover now