Ikadalawampu't-anim

347 19 0
                                    

Ikadalawampu't-anim

Kasalanan ko ang nangyari.

"Olyang"

Hindi mangyayari iyon kung sa simula pa lamang ay hindi na ako umalis sa bahay at hinayaan ko na lamang sina Kurio na pigilan ako.

Kung sumunod lamang sana ako ay hindi napahamak si Francisco.

"Olyang"

"Ha!" Malakas akong napasinghap sa gulat nang maramdaman ang palad ni Amelia sa aking kamay. Sinalubong ko ang kaniyang mga nag-aalalang mata.

"Anong ginagawa mo rito?" Mahina kong tanong.

"Pinapunta na ako ng Emperador dito, Olyang. Nag-aalala na si Juan at pati na rin sina Antonio sa iyo" Wika niya. Umiwas naman ako ng tingin.

"Hindi niyo na kailangang gawin iyon"

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Simula kagabi ay hindi ka pa kumakain! Magkakasakit ka niyan sa ginagawa mo!" Tumaas na ang boses ni Amelia dahilan ng pagkatungo ko at mahigpit na hinawakan ang tela ng aking saya.

"Paano ako makakakain kung hindi mawala sa isip ko ang pag-aalala kay Francisco? Amelia, kinuha siya ng pulutong ng mga pugante bilang kapalit ng aking kaligtasan!" Hindi ko na napigilan ang mga nagbabadyang luha sa aking mata at tuluyan na itong umagos.

"Paano ako kakain kung si Francisco mismo ay hindi nila pinakakain doon?!" Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng tono ng aking boses. Hinawakan ko ang aking dibdib at kahit nahihirapang huminga dahil sa namumuong bigkis sa aking lalamunan ay nagsalita ako.

"Tinamaan siya ng lason ngunit pinilit niya pa rin akong iligtas kahit nanghihina na siya. Masakit makitang inilalayo siya ng masasamang taong iyon na wala man lang siyang malay at laban! Amelia... natatakot ako" Humihikbi akong yumuko at maya-maya pa ay ikinulong ako ni Amelia sa kaniyang mga bisig.

"Para ka talaga tanga, para kang isang biik na kinakatay. Hindi ganiyan umiyak ang isang normal na binibini" Sabi niya habang hinahaplos ang aking likod.

"Amelia naman eh!" Nakuha niya pa akong asarin.

"Sigurado akong malulungkot si Francisco kapag makita niyang nagkakaganito ka, Olivia. Kilala mo siya, malakas siyang tao at kaya niyang protektahan ang kaniyang sarili kaya magiging maayos lamang siya"

"Talaga?"

"Hindi niya ipapain ang kaniyang sarili kung hindi niya kayang gapiin ang kaniyang kalaban" Nabawasan ng kaunti ang aking lungkot sa mga sinabi ni Amelia. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin kung hindi siya dumating.

Makalipas ang ilang saglit ay humiwalay ako sa pagkakayakap ni Amelia at pinunasan ang aking luha. Kinuha ko naman ang kaniyang panyo at suminga rito.

"Salamat ha?" Sarkastikong wika nito kaya pilit naman akong ngumiti.

"Walang anuman"

"Nahimasmasan ka rin" Inayos niya ang kaniyang tuwid at mahabang buhok. Pinaglaruan ko naman ang aking mga daliri.

"Tama ka, hindi ako dapat malungkot bagkus ay dapat akong magpakatatag. Alam kong babalik si Francisco" Hindi pa rin lubusang nawawala ang bigat sa aking dibdib ngunit sa tuwing pumipikit ako at nakikita ang malungkot na mukha ni Francisco ay hindi ko maiwasang makonsensya.

Kumusta na kaya siya? Hangad ko'y hindi siya pinahihirapan ng mga taong iyon.

"Kasalukuyan nang ipinahahanap ng Kamahalan ang mga puganteng sumalakay sa inyo kagabi. Naroon na si Kurio at hinahanap ang kanilang kuta" Binigyan naman ako ni Amelia ng isang ngiti.

1876Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon